Hi, everything.
Char! Hi, everyone!
So this is my very first published story here in Wattpad na gusto ko talaga seryosohin at tapusin. I've tried to write and write but it ends up getting deleted for some reasons. I hope you would support my story, keep on voting and share my story! As I'm new here in Wattpad, I am accepting criticism that I know would help me to improve.
Thankyou and enjoy reading! xoxo
Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
——————
"So, ano ngang balita? Masarap? Ano? Ayos ba sa kama?! Tell me! Sino ba itong guy na 'to!" tinitigan ko lang ng masama si Addi na kanina pa nangungulit sa akin patungkol sa nangyareng bakasyon.
Ilang beses ko na ito pinagsabihan na tigil tigilan na ang pag tatanong dahil naaalibadbaran na ako. Una sa lahat dahil itinatak ko na sa aking sarili na kung ano man ang nangyare sa Siargao ay hanggang doon na lang 'yon.
Napangiti ako ng mapait ng maalala ang kung ano man ang nangyare.
"Tigilan mo nga sabi ako. Tsaka hindi ko kilala 'yong lalaki. Basta Lucas daw pangalan." hindi ko na ito pinansin at tinalikuran na lamang. Nag simula na akong ayusin ang mga gamit ko sa closet. Kahapon kasi ay deretsong tulog na ang ginawa ko dahil sa pagod.
"Pamilyar talaga ang pangalan niya. Hay naku! Sungit mo naman. Mahalaga, hindi ka na virgin! Yay congrats!" yinapos yapos pa ako ng kaibigan.
Maya maya ay pinaalis ko na ito para makapahinga na ulit.
"GOSH AUTUMN! NABALITAAN MO NA BA?!" sinamaan ko ng tingin si Addi na sumigaw agad pag dating na pag dating ko sa paaralan.
Paano'y balik eskwela na naman. Sinong matutuwa sa 7am class, sige nga? Tapos ay sisigawan ako ng parang megaphone ang bibig.
Inalog-alog pa ako nito na parang hindi ko siya naririnig.
"Bitawan mo ko at baka masuntok ko mukha mo ha! Agang aga puro ka kakirehan!" banta ko dito at nag amba na na susuntukin ko siya kaya naman ang bruha ay natigil ngunit kinikilig padin ang mukha.
"WALA KA TALAGANG KWENTA! Sis, sila Le Mercedes kasi, nag transfer dito! 'Yong mga young hot bachelor ng Pilipinas! My gosh, boba ka talaga!" tinaasan ko lang ito ng kilay at nag itsurang walang pake sa kung ano man ang sinasabi niya.
As if naman na may mapapala ako sa mga 'yon.
"Ewan ko sayo. Kausapin mo sarili mo. D'yan ka na!" iniwan ko ito upang pumasok na sa aming building ngunit mabilis lang siyang nakasunod.
Nasa engr building pa kasi kami kung saan kailangan daanan papunta sa aming building. Malapit na kami sa labasan ng corridor ng may biglang apat na lalaki ang pumasok doon.
Dahil sa sinag ng araw ay hindi ko mamukhaan ang mga ito. Naramdaman ko nalang si Addi na nasa tabi ko, todo kulbit sa aking braso.
"Shux, sila 'yon Autumn! Yung sinasabi ko!" kumunot ang noo ko dahil hindi ko parin sila maaninag hanggang sa...
"Lucas." napabulong ako sa aking sarili ng mamukhaan ko ng husto ang pigurang nag lalakad sa unahan ng tatlong mga lalaki. Sila Leo.
"Omg, don't tell me..." hindi na natapos ang sasabihin pa ni Addi na tingin ko ay nakuha na niya ang nangyayare.
Naestatwa ako sa aking kinakatayuan at hindi na alam ang gagawin. Gusto ko tumakbo ngunit di ko mailakad ang aking mga paa. Gusto ko magpalamon nalang sa lupa!
Nakikita ko ang mga mata nito mula dito na punong puno ng galit. At sakit.
Unti unti ay lumalapit ito sa akin. Nakarinig nalang ako ng mga singhap ng tumigil ito sa aking harapan.
Lalo na ng lumapit ang mukha nito sa akin. Ramdam ko ang galit na bumubuo sa kanya. Nararamdaman ko na ang luhang nag babadya sa akin.
Si Addi na nasa tabi ko ay nakalayo na sakin at nakatakip pa ang kamay sa kanyang bibig. Mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayare.
Napapikit ako ng mariin ng ang distansya ng mukha niya sa akin ay halos 2 inches nalang. Ramdam ko na ang hininga nito sa aking ilong.
"Chynia pala ha? Nice choice of name." puno ng galit ang kanyang boses. Halos mapaluhod ako ng bigla itong umalis at nilampasan na ako.
Nakita ko pa ang mga tingin nila Leo na parang naaawa sa akin. Siguro ay masaklap ang sasapitin ko sa aking nagawa.
Great!
ESTÁS LEYENDO
Summer Escapade
Novela JuvenilMatapos ang nangyaring insidente kay Autumn, upang makalimot at makapahinga ay napili nitong mag bakasyon ng sarili. Sa bakasyon ay may nakilala itong panibagong lalaki na talaga naman nagpabighani sa dalaga. Ang bakasyon na dapat ay pahinga niya a...
