Prologue

3 0 0
                                        

"Ang sarap maging bata kasi walang iniisip na problema. Tanging laro lang ang pinagkakaabalahan. Sana ganito nalang palagi."

"Minsan kapag nakipag away ang kalaro ko saakin, magbabati din kami agad. Kapag maglalaro kami ng taguan, mahahanap parin namin ang isa't isa. Kapag naman nadapa, imbes na iiyak ay tatawa nalang kami"

"Ang saya maging batang probinsya. Kontento kami sa mga simpleng bagay. Walang lamangan at walang pataasan, lahat nagbibigayan."

"Buwan ng Hunyo, araw ng lunes ako'y sabik pumunta sa paaralan. Hindi dahil sa gusto kong matuto kundi dahil makikita at makakalaro ko ang iba kong kaibigan."


"Takbo doon, takbo dito. Laro doon, laro dito. Ganyan kasaya noong elementarya ako. Araw - araw mag lalaro kami ng Chinese Garter, Sipa at San pedro tuwing recess. Bawang base, marcos-marcos, bater at king king palda naman tuwing uwian."

"Syempre, hindi puro laro ang inatupag ko noon. Nakikisali din ako ng Contest at isa akong MTAP player.
Marunong din ako sumayaw at kumanta pero di ako nakikipaligsahan. Pang intermission lang kumbaga."


Napapangiti akong mag-isa habang inaala ang buhay ko noong elementary pa ako. Naisipan ko kasi bisitahin itong former school ko. Andaming pinagbago.

Habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro ay nahagilap ng aking mata ang isang pamilyar na mukha. Mas tumangkad pa sya lalo at mas matured na nyang tignan.

Limang taon na ang nakalipas at naaalala ko paring ang lahat ng tanong sa aking isipan.

"Paano kung yung biruan dati maging totoo?"

"Paano kung yung taong hindi mo pinapansin ay sya palang nakatadhana sayo?"

"Paano kung yung taong ayaw mo ay siya pala ang magugustuhan mo?"

Paano kung isang araw. . . . .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be my LASTStories to obsess over. Discover now