Mabilis na tumatakbo si Jake dahil malelate na naman siya sa kanyang klase. Nang makapasok na sya sa campus ay bigla syang nadapa. Naging dahilan ito para pagtinginan sya ng ibang estudyante. Hindi kilala si Jake sa school nila dahil isa lamang syang 'NOBODY' na hindi mahilig nakipagsocialize sa mga tao.
Agad syang tumayo na parang walang nangyari at agad na pumasok sa kanilang building. Nang makarating siya ay laking pasalamat nalang niya dahil hindi siya nalate. Pumunta sya sa upuan nya at nagsimulang magbuklat ng libro habang wala pa ang kanilang guro.
Siya si Jake Fortez, bata pa lamang ay mahiyain na siya. Kahit na magsalita ng malakas ay di nya magawa. Hindi sya mahilig magayos tulad ng ibang bata noon na nakakalaro niya.
Kung pagmamasdan ang itsura nya ay di mo aakalaing isa syang Fortez. Ang Fortez ay kilalang apelyido dahil sa mga sikat na fashion clothes na pinamamahalaan ng magasawang sina Kristine at Christian Fortez. Ang magasawang ito ay sikat sapagkat noong kabataan pa nila ay isa silang kilalang model.
Hindi kita sa itsura ni Jake na anak sya ng mga model. Dahil siguro ito sa mahaba nyang bangs na umaabot na sa kanyang mga mata at makapal na salamin na lagi nitong suot. Ngunit kung ihahawi niya ang kanyang buhok at tatanggalin ang makapal na salamin ay makikita ang kanyang tinataglay na kagwapuhan. May singkit itong mga mata. Matangos na ilong at makapal na kilay na kababaliwan ng mga tao.
Pero hindi. Dahil sa mahiyain ito ay mas gusto nyang tinatago ang kanyang muka. At dahil nga doon ay bukod sa mga pinsan nito ay wala na syang iba pang kaibigan.
Nagsimula na ang kanilang klase at nagpatuloy ito hanggang sa dumating na ang break time. Ito ang oras kung saan pupunta sya sa garden upang magbasa ng libro. Habang nagbabasa ay may lumapit sa kanyang isang dalaga.
"Excuse me? Can i ask where's the dean's office?" Tanong nito sa kanya
Napatigil ito sa pagbabasa at nang tingalain niya ang babae ay natulala siya sa angking kagandahan nito. Matangkad at maganda ang kurba ng katawan na parang isang model o artista
"Ah excuse me?" Sabi nito at agad na bumalik ang diwa niya
"A-anu po yun?" Nauutal na tanong niya
"Saan dito ang dean's office?" Tanong ng babae
"A-ah sa building na yon" turo nya sa isang building
"Can you escort me? Kasi baka maligaw ako eh" sabi ng dalaga sa kanya
Nahihiya man ay tumayo si Jake upang ihatid ito. Tahimik silang naglakad papunta sa building nang marinig ni Jake ang bulong ng kanyang mga kaeskwela.
"Dba si Monica yan? Don't tell me dto sya magaaral?"
"Oo nga. Ang ganda nya din sa personal ah"
Bukod sa naririnig nyang bulungan ay may mga kumukuha rin ng litrato kung kaya't lalo syang nailang.
"Sorry for bothering you ah" pagpaumanhin ng dalaga sa kanya
"Wala yun" sagot ni Jake ngunit naka yuko lang sya
Nang makarating na sila sa tapat ng dean's office ay nagpasalamat sa kanya ang dalaga.
"Thank you ah, by the way i'm Monica, Monica Vargas." Sabi ng dalaga sabay lahad ng kanyang kamay
Dahil sa sinabi ng dalaga ay agad na napatingala si Jake na para bang hindi ito makapaniwala. Tinitigan nya ito sa mukha.
"Nica?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jake
"Ah you know me?" Sabi nito at binawi ang kamay na parang napahiya dahil hindi ito inabot ng lalaki
"Syempre naman k-kasi--" naputol ang sasabihin nya dahil biglang nagsalita muli si Monica
"Of course you know me, well sikat nga pala ako haha tanga ko naman" sabi nito at kinatok pa ang ulo
"Ah k-kasi.. Anoo.." Bulong ni Jake
"Kailangan ko ng pumasok, may aasikasuhin pa ko eh. Thanks ulit" sabi ni Monica at pumasok na sa loob ng silid.
YOU ARE READING
Fated To Meet You
Teen FictionFortez, sikat na apelyido dahil sa kilalang model na magasawang Kristine at Christian Fortez. Pero si Dennis Jake Fortez na kanilang nagiisang anak ay naiiba. Hindi nito hilig ang pagm-model pero nang dahil sa isang batang babae na nag ngangalang Mo...
