Ito ang pinakaunang pumasok sa isipan ko nang ako'y magising. Hindi ko napigilang mapabuntong hininga sa kaalamang kailangan ko nanaman magtiis ng napakaraming buwan sa paaralan.
"Kai!"
"Kai! Gising na!"
"Kai Joshua Nishida, anong oras na?!"
Rinig na rinig ko ang galit na boses ni mama mula sa kusina. Dali-dali naman akong bumaba at kumain agad ng almusal para makaligo na.
"Kay Kuya mo na ikaw sumabay ha?"
"Eh, Ma, mabagal kumilos si Kuya baka ma-late pa 'ko, 'di ba pwedeng ikaw nalang?"
"Kai, alam mo naming kailangan ko dumiretso sa café. 'Di naman pwedeng alang mag supervise sa staff tsaka, kaya niyo naman na ng kuya mo yan. Malaki na kayo"
Natahimik nalang ako sa sinabi ni mama.
Madalas busy si Mama kasi maaga siyang pumuputa sa café namin kaya si Kuya yung madalas kong kasama, si Papa naman matagal nang wala. Noong 5 pa ata ako? Hindi ko na rin masyado maalala pero masaya naman ako na kasama sila Mama tsaka Kuya.
"Kuya, bilisan mo nga!"
"Oo, eto na, nagbibihis nalang!"
Habang hinihintay ko si Kuya, biglang may nag text saakin.
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
"Kuya malelate na ako oh"
Pagtingin ko sa orasan 6:30 na. Patay. Sakto namang lumabas si Kuya sa kwarto niya at nagmamadaling nilabas yung sasakyan sa garahe.
"I-lock mo na yung bahay, 'wag mo kalimutan yung susi"
Pagkasakay ko sa sasakyan ay umandar na agad si Kuya. Bakit nga ba ako nagmamadali? Bilang isa sa mga PINAKAresponsableng estudyante ng school naming, bawal akong ma-late at isa pa, kasama ako sa welcoming committee ng school kaya dapat maaga akong dumating lalo na't first day ngayon. Mabuti nalang at wala masyadong sasakyan ngayon kaya medyo mabilis na rin kaming nakarating.
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
"Kuya, bababa na ko! Bye bye!"
"Mag-ingat ka!"
Hindi ko alam kung bakit di pa ko sa main gate binaba ni Kuya edi sana mas madali akong makarating sa flag area pero wala naman na akong magagawa kung magrereklamo ako kasi nakababa na ako.
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Dahil sa inis, di ko na napansin yung mga tao sa paligid ko habang nagmamadali nang bigla akong nadulas.
"Puta" Napabulong ako pero lalo akong napamura nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Huy, oks ka lang ba?" Putangina. Nadulas ako sa harap ni Yvonne. Sa lahat ng pwedeng makakita, si Yvonne pa talaga? Tangina nakakahiya.
"Kuha ka nalang ng I.D sa office ni Ms. A tapos diretso ka na doon sa flag area, naghihintay na rin yung mga seniors".
"S-sige" Nakakahiya talaga. Iyon lang ang nasabi ko sakanya. Imagine-in mo yun. Sa harap ng taong pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa school niyo, madudulas ka? Nakakahiya diba?
"Oh, tumayo ka na diyan" Inabot niya saakin ang kanyang kamay at tinulungan akong bumangon. Pagkatapos non, umalis na rin siya at mukhang nagmamadali rin pero teka, ba't nga ba ako hiyang-hiya sakanya?
At ayon na nga si Yvonne Salazar. Ang babaeng pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa campus naming. Lumalaban pa 'yan sa mga Math competitions kaya kilala din siya ng mga students ng ibang school. Matalino, maganda, mayaman. Lahat na ata ng maganda nasakanya kaso di lang sila sigurado kung lalaki ba o babae ang gusto niya. Kung iisipin naman, baka boyish lang talaga siya. Pero ang astig kasi kahit ang galing-galing na niya, 'di siya nagiging mayabang.
Para bang siya na yung tinutukoy kapag sinabi mo yung salitang...