"At sino ka naman? Ah oo, naalala ko na ikaw yung pornstar na kaibigan ni Blas. Anong kailangan mo?" tanong nito

"Bakit ikaw ang may kailangan sa akin pare."

Napakunot ang noo ni Yuji "niloloko mo ba ko?"

"Hindi kita niloloko pre, ang totoo noon ay hawak ko si Blas, hawak ko lang yung taong itinuturing mong prinsipe." ang natatawang wika ni Nixon at maya maya itinapat niya sa akin camera ng cellphone niya.

"Nakita mo pare? Naka hubad na oh, makinis din pala ito. Parang babae, mukhang masarap!" pang aasar nito.

Gulat na gulat si Yuji. "Putang ina mo! Papatayin kitaaa! Asan kaaaa?!" ang galit na sigaw nito.

"Yuji, huwag kang pupunta dito! Kaya ko ang sarili ko! Huwag kang pupuntaaaaaa!" ang sigaw ko dahilan para sipain ako ni Nixon at matumba. "Tumahimik kaaa!"

"Ano pare, kita mo na? Tara dito sa bakanteng gusali sa dulo ng siyudad."

"Mag kano kailangan mo?" seryosong tanong ni Yuji

"Patawa ka ba? Hindi ko kailangan ng pera. Pumunta ka dito bago mag alas 3 ng hapon. Kapag nahuli ay papadalhan nalang kita ng sex video namin ni Blas." pang aasar niya sabay patay sa cellphone.

Lumakad sa akin si Nixon "ayaw kitang saktan Blas, pero kung di ka aayon sa nais ko ay mapipilitan akong idamay ka."

"Hindi pupunta si Yuji." sagot ko.

"Hindi pupunta? Kitang kita ko sa mukha niya ang pag aalala. Tama nga ako, ikaw ang kahinaan ng gago. Hindi ako nakamali na sinundan ko kayo at nag manman ako sa inyong mga lakad. Dito nabuo ang aking plano na ikaw ay gawing hostage para mapasunod ang gung-gong na iyon." ang sagot niya sabay senyas sa kanyang mga kasama na mag handa.

"Relax lang tayo mga kasama! Ipunin niyo ang galit niyo kay Yuji at pasubugin natin ang mukha niya." ang excited na salita ni Nixon sabay upo sa kanyang silya.

Eksakto alas 2:45 ng hapon, bumukas ang pinto ng gusali at dito ay dumating si Yuji. Gulat na gulat ako noong makita itong mag isang lumalakad patungo sa amin. "Bakit nag punta ka pa dito?! Napaka bobo mo naman!! Alam mo naman na gugulpihin ka nila pero na punta ka pa rin!!" ang sigaw ko.

"Nag punta ko dito para iligtas ka. Ipikit mo nalang ang mata mo." ang wika niya at dito ay pumalibot sa kanya ang mga kasamahan ni Nixon.

"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ni Yuji.

"Naalala mo ba yung guro doon sa campus na si Cesar Nartiko? Inalisan mo siya ng trabaho, hinayaan mo siyang hiyain at pag tampulan ng tuwa ng mga estudyante. Buhat noong makatanggap siya ng red card ay hindi na siya iginalang at sinaktan pa siya ng mga ito. Noong araw na pinaalis mo siya ay nagawa mo pa siyang sipain sa mukha hanggang sa mag dugo ito. Wala kang awa Yuji. Bakit ko ito ginagawa? Dahil si Cesar Nartiko ay ang aking ama. At gagawin ko ang lahat upang ipag higanti siya." ang wika nito.

Noong mga sandaling iyon ay nag balik sa aking ala-ala ang eksenang iyon kung saan saksi ako sa ginawa ni Yuji sa guro.

FLASH BACK

"Tsk tsk. Huwag ka ngang lumuhod sa akin, nadudumihan ang sapatos ko. Umalis kana ngayon din. Ang mga katulad mong matatandang hukluban ay dapat nasa bahay nalang at nag aalaga ng pusa sa adorable homes. Hindi kana kailangan ng campus, may nakuha na silang kapalit mo." ang wika nito.

Hinalikan ng matanda ang paa niya. "Master Yuji, malaking pag kakamali ang ginawa ko. Nag sisisi na ako. Paki usap patawarin mo ako!"

"Umalis ka nga sa harap ko! Mahal ang sapatos ko at hindi sapat ang labi mo para halikan ito. Tatadyakan na kita dyan! Bibilang ako ng tatlo, kapag di ka umalis dyan ay sasamain ka sa akin! Isa.."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon