01

25 7 2
                                    

"Hoy Irish! I have a chikaa !!". Valerie said, nagkasalubong kami sa corridor, kasama nya si Lianna na nagbabasa ng libro.

"Oh?". Sagot ko habang nag iipit ng notes sa libro ko.

"Sungit naman!". Sabi nito tsaka tumawa. I'm not in the mood, 2 weeks palang nakakalipas simula nung nag pasukan andami na agad pinapagawa sa amin.

"Spill the chika na, I've got to go to my research team pa." Sabi ko sabay tingin sa kanila.

"O eto na eto na, naalala mo? Yung sinabi ni Ms. Faustino? Na baka daw mag dagdag ng section dito?". Napataas ang kilay ko habang inaalala yung sinabi nya na yon.

"Oh, what about it? For sure it's not possible considering the rainy season. Mahihirapan silang magtayo ng building." I answered and rolled my eyes.

"Huh? They already finished the building! Matagal na!". Tumawa sya tsaka ako hinampas.

"Wala naman akong nakikitang building dito. Anong sinasabi mo?". Tinaasan ko sya ng kilay.

Totoo naman? Yung building na 'to ganun padin. Malaki man, pero sa tagal ko na dito, nalibot ko na to at wala pa kong nakitang bagong gawang building or what.

"Lika dali, I'll tour you there." Hinatak nya ang kamay ko tsaka ako kinindatan.

"Uh, you guys can go. May quiz pa kami." Lianna waved at us. Tumango kami sa kanya.

Inisip ko pa kung iba kaming gagawin bukod sa research mamaya, wala naman tsaka vacant naman next so sumama na ko kay Valerie.

"Ang layo naman." Pag rereklamo ko habang nakahalukipkip sa mga librong dala ko.

"Shh, malapit na. Kung binaba mo muna kase sa locker 'yang mga libro mo diba?". She said habang naglalakad kami.

"Duh, malay mo may maka bunggo saking pogi, tapos mabagsak yung libro ko, tapos tutulungan nya kong kunin yon tapos mahahawakan namin yung parehas na libro tas yung kamay nya nasa ibabaw ng kamay ko tapos-".

Napahinto ako sa sinasabi ko ng may makabunggo saking lalaki.

He was wearing a black hoodie tapos naka headset na black. He was tall, hanggang balikat lang nya siguro ako. Hindi nya ko pinansin nung mabunggo nya ko. Maraming student syang kasama, tropa siguro?

"Anuba naman! Di mo ba ko tutulungan?". Sumigaw ako para makuha ko ang atensyon nya. Medyo malayo na kasi sya sakin.

Bago mag sink in sa utak ko na baka this is it!!

Lumingon sya para paulanan ako ng tingin. Tingin na di mo gugustuhin.

"You're old enough, kaya mo ng ayusin mag isa yan." Sabi nito tsaka namulsa at nagpatuloy maglakad paalis.

Para akong binaril ng mga salita nya kasi di ako nakagalaw. Tumingin yung iba sa amin. Tinulungan ako ng Valerie na kunin uli yung libro ko.

"Ano bang pinag iinarte mo dyan? Eh dalawang manipis na libro lang naman yang hawak mo?".

Inirapan ko si Valerie dahilan para tawanan nya ko. Pake nyo kung dalawa lang!

"O sya, nandito na nga pala tayo." Tinuro nya ang malawak na lugar.

Para syang main kung baguhan ka or first time mo makapunta doon. Malawak, may mga studyante sa grass na nakaupo, may malaking fountain sa gitna at ang building pa U sya na mataas at madaming floors.

"Wow."

"Ganda no? Kasama nila dito mga college kaya wag kang magtaka kung bakit madami ring tao." Alam kong may mga college dito pero di ko alam na dito nila sinama yung ibang section pa.

Ganon na ba kasikat yung school na to para dito sila mag aral lahat? Lol.

"Excited na kong makasama tsaka makita sila!". Sigaw namin ni Valerie ng sabay. Natawa kami tsaka naglibot doon.

Umupo kami duon sa may grass tsaka pinagmasdan yung mga college na dumadaan.

"I wonder kung ilan ng gr12 yung nakita ko pero inakalang college sila hahaha!". Tumawa ako, napailing si Valerie tsaka nangiti.

"Paano naman natin sila makaka interact, eh malayo sila sa atin?". Nag kibit balikat ako sa tanong nya.

"Bakit ba kase sa college sila hinalo, malay mo nandon na pala yung poreber ko diba?". Nag pout ako tsaka nya ko inaya tumayo.

Tumawa lang kami tsaka bumalik na sa building namin.

"Sige sis, punta na ko sa mga ka group ko. Baka sabihin nila pancit canton lang nanaman ambag ko." I joked.

"Byebye! goodluck!". She waved and walk towards to her room.

Paakyat ako ng third floor, kasi ang usapan sa library kami. Kumatok muna ako tsaka pumasok sa loob.

Nakita ko silang busy sa mga laptop nil doon sa may bandang likod. Pumunta ako doon kaya tiningnan ako nung leader namin.

"Bakit ngayon ka lang?". Tanong nya sa akin habang nakatutok sa laptop nya.

"Ah, may pinuntahan lang." Sagot ko. Binaba ko ang bag ko tsaka ang librong dala ko.

"Yung mga notes kanina na pinahanap ko sa'yo nasaan na?". She said, hindi naman sya galit stress lang kaming lahat kaya I understand.

Binuksan ko yung librong dala dala ko, pero wala duon yung notes. Binuklat ko ulit yung mga pages pero wala parin.

Kinabahan na 'ko, hindi kaya nalaglag kanina nung nabunggo ako nung lalaki?

"Oo! Sabi ko na!". Sumigaw ako, dahilan para magtinginan sakin lahat at iring nung librarian yung bell.

"Sorry, isesend ko nalang sayo." Bulong ko, good thing tinype ko yon sa laptop ko kanina. Phew! I'm safe.

Mabuti talagang laging may back up, kasi kung wala. Katapusan ko na.

"Sent." Sabi ko tsaka ngumiti, tinapos ko na rin yung iba pang naka assign sakin.

Tumingin ako sa clock sa library, it's almost 6pm na. Isa isa ng nagpaalam sakin mga kasama ko.

"Maam-" naputol yung sinasabi ko ng may estudyanteng nag soli ng libro. Pinakita nya muna yon sa librarian tsaka inislide ID nya duon sa may tapat namin para malaman na naisoli na ito at nag log in sya sa library.

Paalis na sana yung lalaki ng hinawakan ko yung kamay nya.

"You're the hoodie guy!". Tumingin sya sa kamay ko, pero hindi man lang ako pinaulanan ng tingin.

Binitawan ko sya tsaka sya umalis.

"I have a name Ms." Sagot nito, nakatalikod sakin.

"And what is it? You owe me an apology!". Sabi ko, nagiintay ng sagot nya.

"Is it a special thing for you to know?". Sagog nito, medyo tumagilid. He smirked.

"And I don't need to say sorry, because you are the one who bumped on me." He smirked again.

Napaawang ang labi ko, akmang may sasabihin pero hindi ko alam. Di ko makapa kung ano sasabihin ko, ako pa nga ngayon may kasalanan huh? Kapal ng mukha.

"Wow? Ang kapal ng mukha mo." Sabi ko sabay irap.

"Lalo ka na."

Tsaka sya umalis papalayo at sinara ang pinto.

Nakakainis! Makakaisa rin ako sayo, hoodie guy.

So CloseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz