Nakakamiss din pala
Mga panahong kasama kapa
Mga panahong tayo'y masaya
Mga panahong karamay pa kita
Sa bawat problema mo
Ako ang syang kasangga mo
Siyang unang tumutulong sayo
Siyang unang karamay mo
"Buti kapa merong ako"
Yan ang sabi ko sayo
At ang isinagot mo
"Meron ka namang ako"
Ngunit ngayon nasaan ka
Mga panahong kailangan kita
Bakit hindi kita makita
Ni maramdaman ang iyong presensya
Kaibigan ngaba talaga kita
O kaibigan lang dahil may kailangan ka
Kinaibigan lang dahil bored ka
O baka hindi talaga
Ang sabi mo andito lang ako
Ngunit bakit akoy iniwan mo
Mga pangakong binitawan mo
Hindi naman pala totoo
