√√√√√ONESHOT ONLY√√√√√

12 6 0
                                    

•••This is a work of fiction
Characters, events are illusory.



Sa aking apartment kada gabi madalas akong sumisilip sa bintana para madungaw lamang ang mga nag-sisi gandahan at nag-sisikislapang mga ilaw dala ng mga sasakyan,maging ang mga nag sisilakihang building sa tapat ng aking apartment.

Maya-maya ay nagulat ako dahil may sumulpot na paniki palipad lipad sa bintana ko,isinara ko ito kahit na mainit, maging ang aking kurtina ay ibinaba ko para matakpan ito.

gawain ko na tuloy ang paglalagay ng kutina sa bintana ko,dahil kada gabi ay nakikita ko ang palipad lipad na paniki na hindi manlang makapirmi kung saan nga ba ito lulugar.

Nang kinagabihan ay hindi ako umuwi sa apartment ko dahil nag-over night ako sa trabaho ko,busy talaga ako whole day na iyon kaya naisipan kong umuwi nalang kinabukasan ng gabi.

One time dahil sa salimuot ng gabing iyon at sa sobrang busy ko sa trabaho ko,binuksan ko ang bintanang iyon...
napakalamig ng simoy ng hangin,na animoy papatulugin ka nito ng mahimbing.

Agad na akong nagtungo sa kama ko para makapag-pahinga ng mahimbing.
-
-
-
-
-
-
-
-

Tumagilid ako ng maramdaman kong parang may katabi ako sa bandang kanan ko at ang lakas pa ng hangin na dumadapo sa aking mga balat.

Medyo kinabahan ako ng mga oras na iyon at bahagyang may mainit na humihipo sa aking dibdib,taas baba nitong ginagawa ng marahan, sa pag-kakataong iyon ay ramdam ko na isang babae ang katabi ko ngayon....Sa katunayan ay napakadilim ng paligid ko at hindi ko manlanlang maaninag ang mukha nito.

Kinaumagahan lahat ng kutob ko ay Tama,pero papaano at bakit?!....



Day off ko ngayong araw na ito.

Napatayo ako kaagad dahil isang Napakagandang babae ang nakatabi ko buong gabi...Napakaganda at ani moy may pagka curly ang haba ng kanyang buhok.

Dahil siguro sa tagal kong pagkakatitig rito ay bigla itong nagmulat ng mata at agad-agad na umupo,Nanlali ang dalawa kong mga mata ng makita ko ito na wala manlang saplot...Sa katunayan wala ako ni isang damit pambabae kaya ipinahiraman ko nalang ito ng aking mga damit,mabuti nalang at bakante ko ngayong araw na ito kung hindi, siguro kanina pa ako late.


One time Tinanong tanong ko ito kung anong pangalan nito at kung may pamilya nga ba ito o sadyang naliligaw lang ito!
Pero ang tanging sagot lamang nito ay Hindi ko Alam!

Napaka misteryoso naman nitong babae para saakin..

Kanlaunan din ay naging okay naman ang pakikitungo nito saakin napakabait nito at wala ka talagang masabi.



Lumipas ang maraming buwan



At nang gabing iyon ay napaisip ako kung nasaan na nga ba ang paniki na bumabagabag saakin kadagabi sa bintana.

"Keil,tama na yang kakaisip ang mabuti pa ay matulog na tayo" ani nito saakin habang nakatayo ako sa harap ng bintana.
Sa katunayan maka ilang araw palamang ang lumipas ng maging kami ni Agatta (Unknown girl).

Habang patagal ng patagal ang pagsasama namin ni Agata sa aking apartment ay nakakaramdam ako ng pagtataka,dahil kokonti lamang ang kanin na kinanakin nito at mapili rin ito pagdating sa ulam,

May time na parang nagbabali buto ito mag-isa,maging ang kanyang ulo ay panay ikot....nakaramdam ako ng kaba.
Maya-maya ay lumapit ako rito at hinawakan ko ito magkabilaang braso....nagulat ako ng maging okay ito,

Nang isa pang ikinagulat ko matapos ang pangyayaring iyon ay naaalala nya na daw ang kanyang mga nakaraan maging ang kanyang mga magulang.

Nawala ang kaba ko at napalitan ito ng saya and That time nangako ako na bukas na bukas ay ihahatid ko ito sa kanyang tunay na tahanan kahit na gaano pa man ito kalayo.

Kinabukasan maaga kaming gumising, sa katunayan Hindi muna ako pumasok sa trabaho ko para lamang maihatid ko si agatta sa kanyang mga magulang,siguro miss na miss na nito ang kanyang mga magulang at maging ang kanyang mga kapatid.

Nagsimula na kaming mag-lakbay,medyo may kaba sa aking dibdib dahil ngayon lamang ako nakatunton sa lugar na ito.
Ani moy kagubatan ang itsura,walang mga kabahayan ang maaaninag at may lawa ka pang matatanaw sa banda roon.

Sa paglalakbay namin ay inabot na kami ng dilim,naglakas loob akong magtanong kay agatta kung malapit na nga ba kami sa kanyang tahanan.

"Keil,dito na ang aking tahanan...MATULOG KA MUNA" *PAKKKK* isang malakas na hampas ang dumapo sa kanyang ulo kaya naman ay nakatulog ako ng mahimbing.

Nagising nalamang ako ng makaramdam ako ng kirot sa ulo ko at isa pa ay napaka ingay ng nasa paligid ko,maraming tao na hindi maipinta kung ano ang kanilang mga itsura.

"Lolo,isa nanaman po iyan sa aking nabiktima,Sana po magustuhan mo" isang pamilyar na boses ang narinig ko papalapit saakin,may galak ito habang sinasabi nito sa kanyang lolo."lo,pano pala yan tatanggalin mo na yung sumpa ko na maging paniki?may iaalay naman na tayo,Pleaassee lo." nag-makaawa ito hanggang sa pumayag naman na ang kanyang lolo sa kanyang kagustuhan.

Nasaktan ako ng labis at napag-isip-isip ko na gagawin lamang akong isang alay para mawala ang sumpa kay agatta.


Nakahanda narin pati ang malaking apoy malapit-lapit sa akin.

Hindi na ako nag-pumiglas pa,sa totoo lang napamahal na ako kay agatta.

At kasalukuyan na dinadasalan ang aking katawan,bigla nalamang pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan.


"Keil gumising kana,diba ngayon yung ipinangako mo saakin na ihahatid mo ako sa tahanan ko at sa magulang ko?" Pangungulit ni agatta saakin.

"I'm sorry agatta,buti ginising mo ako but busy ako sa work ko ngayon,hindi muna kita maihahatid" siguro ito nalang ang daan para hindi ako matulad doon sa panaginip ko este sa bangungot ko.

Panatilihing isarado ang bintana,BAKA MALAY MO IKAW NA PALA ANG SUSUNOD NA BIKTIMA....JUST KIDDING❤

Thank's for Reading
I hope you like it❤

Stray Bat out of my window (ONE SHOT)Where stories live. Discover now