CHAPTER 01

207 73 15
                                    

ZIO

Naalimpungatan si Zio dahil sa lakas ng ring ng kaniyang cellphone.

Lindsay is calling...

"Hello?"

"Zio! Anong oras na bakit wala ka pa dito sa Salon? May aayusan ka pa nakalimutan mo ba?"

"Teka nga lang, Alam ko naman yon. Maaga pa naman ah alas tres palang ng umaga mamaya pang alas Singko ung time natin" kinusot kusot ni Zio ang kanyang mata at tumingin sa bintana na natatakpan ng kurtina.

Nakita niyang medyo madilim pa kaya nasisiguro niya na alas tres palang.

"Zio! Ano ba? Alas seis na, ano bang nakain mo at hindi kana marunong tumingin ng oras, ah? Tignan mo ng maigi orasan mo at bilisan mo na kung ayaw mong magbreak ka na naman ng 1week?!"

Napaigtad si Zio ng makita ang oras sa kaniyang Cellphone. Akala niya binibiro lang siya ni Lindsay 'yon pala ay totoo.

"Shit! No no no! Lagot na talaga ako kay Madam nito!" agad niyang tinignan ang Alarm sa cellphone niya na mas lalong nakapagpainis sa kaniya ng makitang naka alarm ito ng 4:00 pm at hindi 4:00am "BWISET!"

Dali-dali siyang pumunta sa CR para mag toothbrush at mag hilamos, napagisipan niya din na wag muna maligo kasi mas lalo siyang ma l-late.

Dumiretso kaagad siya sa Closet at nagbihis ng simpling white off-shoulder at black jeans.

NANG makarating siya sa salon bumungad kaagad sa kaniya ang kaniyang Madam Dawan na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

"Zio Anne Gray" Madiin ang pagtawag nito sa pangalan niya.

"Maguusap tayo mamaya asikasuhin mo muna gagawin mo. Pagkatapos mo pumunta ka sa QR" kalmadong sabi nito pero alam niya na galit ito sa kaniya.

Ibinaba niya ang kanyang sling bag at lumapit kay Taramn, ang matalik niyang kaibigan simula pa nung bata pa sila, nasaktuhang din na siya ang napiling magaayos dito.

Mabilis niyang tinakbo at niyakap ng mahigpit ang matalik niyang kaibigan na ngayon niya nalang ulit nakita dahil sa pagkabusy nilang dalawa sa kaniya-kaniyang trabaho.

"God Taramn! I miss you!" nagtatatalon siya sa tuwa.

"Oh. Hi din Zio! How are you? I miss you too" hayst. Hindi nagbago. Mahinhin padin talaga si Taramn, hindi siya si Taramn kung hindi siya tahimik at mahinhin.

"Hmm. Okay lang naman buhay pa naman" mahina siyang natawa sa kaniyang sinabi dahil sa dami niyang ginagawa ay buhay pa nga talaga siya "So, simulan na natin?"

She just nodded.

She started applying Moisturizer and Primer. Zio also put a foundation that has the same shade with Taramn.

Hindi niya na dinamihan ang paglalagay kasi tisay naman si Taramn hindi niya nadin na nilagyan ng Concealer, okay lang naman 'yon kasi optional lang naman ang paglalagay ng concealer.

Sinimulan niya ang paglalagay ng Eyeshadow. She is using a neutral orange shade to complement the eyes and to give a fresher look. She used only one shade to maintain the natural look. She applied Eyeliner and Mascara too.

And for her lips.... Actually doesn't know what she color she will put.
She did a Light Makeup to Taramn's face.

"Taramn? What do you Prefer? Light Red or Nude Pink?" nagdadalawang isip na tanong niya kay Tara.

"It's up to you"

"I think Light Red nalang? Hindi naman sobrang kapal nito eh"

"Okay" tipid nitong sagot sa kaniya.

Nilagay niya ang Light Red sa lips ni Tara na bumagay naman sa Make up nito.

"Tada! Natapos din. Ang ganda mo talaga Taramn kaya ang daming nagkakagusto sayo" tinutusok tusok pa niya ang tagiliran ni Tara dahilan para makiliti ito.

"Ano ba Zio! Tigilan mo na nga ako nakakakiliti" pilit na ni nilalayo ni Taramn ang kamay niya kaya tinigilan niya na ang pangingiliti dito.

"Ang ganda mo Taramn pero ang ganda din ng buhok mo" natawa siya makita ang buhok nito. Gulo-gulo at mukhang madaliang tali lang ang ginawa.

Tumingin si Taramn sa salamin at tinanggal ang pagkakatali ng buhok niya, inayos niya ito pero magulo padin.

"Come Here" pinaupo niya ulit si Taramn at kinuwa ang curler.

Sinuklay niya muna ang buhok at sinimulang kulutin ang baba ng buhok nito.

"Tada! Ayan mas mukha ka ng tao kaysa kanina" Nakangiting tumingin ito sa kaniya at niyakap.

"Salamat ah buti nalang ilaw ang napiling mag make-up sa akin"

"Oo nga eh, suwerte din pero anong salamat ka diyan? May bayad yan kaya magbayad ka na sa Cashier"

"Akala ko libre mo?"
birong tanong nito sa kaniya.

"Ako? Ililibre ka? Ako nga itong nangangailangan ng pera ako pa manlilibre dapat ikaw nga nanlilibre" pareho silang natawa sa sinabi ni Zio may pera naman siya kahit papaano pero hindi sobrang dami hindi katulad ni Taramn na sumu sweldo ng malaki lalo na assistant siya ng may ari ng Andrada Airport.

"Sige na Aalis na ako pagkatapos kong magbayad kasi late nadin ako sa pupuntahan ko eh"

"Sige ingat ka ah tawagan nalang kita. Kita tayo ulit." tumango ito at nginitian nalang si Taramn bilang sagot pero agad din namang nawala ang ngiti niya ng maalalang pinapa punta nga pala siya ni Madam Dawan sa Queen Room.

Kinakabahan siya habang pumapasok sa Queen Room "Zio Anne Gray kalma ka lang hindi nangangain si Madam" mahina siayng natawa dahil sa sinabi niya.

"Madam Dawan? Good morning po. Bakit mo po ako pinapapunta dito?" kinakabahang tanong niya kay Madam Dawan pero sa totoo lang ay alam niya na ang sagot kung bakit.

"Alam mo na naman siguro kung bakit?" walang ganang sagot nito. Habang patuloy padin ang paglalaro sa Cellphone na hawak nito.

"Kasi Late po ako kanina" napatungo nalang si Zio dahil sa hiya at kaba na nararamdaman niya.

"At anong parusa kapag na-late?"

"Hmm... Isang Linggo po na hindi papa---" naputol ang sasabihin ni Zio ng mag salita si Madam Dawan.

"Isang Buwan" Namilog ang mata niya sa gulat at bahagyang bumuka din ang bibig ng marinig niyang isang buwan siyang hindi makakapasok.

"Madam naman wag naman po isang buwan madam pag katapos po ng isang linggo babawi po ako promise Madam kailangan ko po ng pera" lumapit pa siya sa table nito para makiusap pero ni-hindi siya tinitignan ni Dawan halatang walang pakielam.

"Makakaalis ka na Ms. Zio Anne Gray" hindi niya na alam ang gagawin kung patuloy padin siyang magmamakaawa dito o umalis nalang pero mas nanaig ang pangalawa.

Wala siyang ibang nagawa kundi umalis nalang sa Salon dahil alam niya din naman sa sarili niya na hindi niya mapipilit si Madam Dawan pero nagtataka padin siya kung bakit naging isang buwan ang isang linggo na parusa nito kapag late.

Napagisipan niya na maglakad nalang hanggang makarating sa bahay niya.

Nang makarating siya sa bahay agad siyang humiga at nagmamaktol habang pinagbabato ang mga unan.

"Bwiset!Bwiset! Argh! Wala na naman akong trabaho! Argh! Bwiset!" nagsisigaw ito at pinagsusuntok ang unan pati ang kaniyang kama.

Kumalma siya at napatingin sa kisame at malalim na nag iisip kung anong gagawin "Makauwi na nga lang ng Probinsiya"

•JOYFUL•

STAY UPDATED ❤

Exquisite Love 1: His ParloristaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz