Let her cry, for she's a lady (she's a lady)
Let her dream, for she's a child (child)
Let the rain fall down upon her
She's a free and gentle flower, growing wild

Let her cry, for she's a lady
Let her dream, for she's a child
Let the rain fall down upon her
She's a free and gentle flower, growing wild

Let her cry, for she's a lady (she's a lady)
Let her dream, for she's a child
Let the rain fall down upon her
She's a free and gentle flower, growing wild
She's a flower growing wild

Binitiwan nila ako noong marinig ang musika. "Oo nga pala Evan, may isasubmit tayo sa lab ngayon. Anong oras na ba?" tanong ni Lippi.

"Its 11am oh my G! Late na tayo." ang sagot ni Evan sabay bitiw sa akin.

"Sige Blas, pag bibigyan ka namin ngayon. Pasalamat ka at mayroon kaming isusubmit ngayong araw." hirit ni Lippi at pareho silang nag aapurang umalis at iniwan akong nakatayo sa hallway na mag isa.

"Blas, anong nangyari sa iyo? Balita ko nag away kayo ni Yuji." ang bungad ni Bam noong makita akong nag lalakad sa hallway.

"Ayokong pag usapan. Napapagod ako, gusto kong umuwi, matulog at mag pahinga." ang sagot ko sabay tapik sa balikat niya. Sa halip na lumiko ako pa direksyon ng classroom at lumiko ako sa gate palabas ng campus.

Mabagal ang aking pag lalakad ngunit hindi ko na ito namamalayan. Pakiwari ko ay nawala ang tao sa paligid at tanging ako lang ang natitira na humahakbang sa isang sira at baku bakuhg daan.

"Teka Blas, bakit aalis ka?" tanong ni Bam.

"Masakit ang ulo ko. Kailangan kong mag pahinga." sagot ko.

Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit nang hihina ang katawan ko. Pakiwari ko ay nawalan ako ng lakas at may kung anong mabigat na bagay ang naka dagan sa aking likuran. Kahit huminga ako ng malalim ay hindi naalis ang bigat ng aking dibdib, sa bawat pag hakbang na aking ginagawa ay gumuguhit ang kakaibang awa ko sa aking sarili. At sa tuwing maalala ko ang nangyari sa amin n Yuji ay natatahimik nalang ako at napapatulala, walang direksyon ang aking iniisip, basta nakatayo lang ako na parang estatwa at pinag mamasdan ang mga taong nag lalakad patungo kung saan.

"Halika na." ang wika ng isang lalaki na hindi ko namamlayang sumulpot sa aking tabi. Masyadong malalim ang aking iniisip, hindi ko na nakita pa ang kanyang pag dating.

"Ikaw pala Nixon. Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko

"Hindi naman, nakita kong nakatulala ka kaya nilapitan kita. Bumili ako ng mga gamit ko sa katawan doon sa store. Okay ka lang ba? Parang putla ka yata?" tanong niya.

"Okay lang ako."

"Siguro gutom lang iyan, lika kain tayo." naka ngiti niyang sagot para sa taxi. Dito ay sumakay kaming dalawa at nag pahatid sa isang kainan malapit sa seawall. 15 minuto ang byahe mula sa aming kinalalagyan patungo doon.

Pag dating dito ay pumili kami ng di mataong kainan, yung medyo malapit sa karagatan para mas presko. Umorder kami ng pag kain at inumin, mayroon ring dalawang bote ng alak at pulutan.Tahimik lang ako habang naka upo at naka tanaw sa magandang paligid..

Tumungga si Nixon alak. "Nastress ka ba talaga gay magazine ang kinalabasan ng larawan natin?"

"Noong una, first time ko kasing makita ang mukha ko sa issue ng isang babasahin."

"Dapat ay masanay kana dahil after nito ay marami na ring kukuha sa iyo. Noong una ay nahihiya rin ako. Hanggang sa dumating ang oras na nakasanayan ko nalang." ang wika niya habang naka ngiti.

Maya maya ay kinuha niya ang kanyang cellphone. "Alam mo ba na ngayon nakakarating ako sa iba't ibang bansa dahil isa na akong pornstar." ang dagdag pa niya sabay pakita ng kanyang video na may tinitirang isang negro, para silang asong nakatuwad. "Malaki ang kita bilang pornstar, nag simula lang ako bilang alter sa twitter hanggang sa may nakasex akong isang mahusay na director at isinama niya ako sa kanyang porn movie bilang guest. Hanggang sa nag sunod sunod na ang aking project. Gusto mo ba gumawa tayong dalawa ng video? Iiyutin kita tapos mag kakapera tayo kapag iniupload natin ito sa pornsite. Believe me, malilibog ang mga pinoy, lalo na yung mga batang pasibol palang na nagiging bakla. Mga batang gumagawa ng iba't ibang identity sa social media para makatakas sa panget at hindi kaaya ayang mundo nila."

"Pero hindi ko kayang gawin iyan. Magagalit ang mga magulang ko at tiyak na mapapatalsik ako sa paaralan ko."

"Who cares sa school mong pinag haharian ng bobong F4? Alam mo ba na may atraso sa akin si Yuji Guarin at ngayon palang ako maniningil?"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Anak lang naman ako ng isang beteranong guro at pinatalsik niya, inalisan ng trabaho at sinipa pa siya sa mukha. Kaya naman naisip kong gumanti sa kanya. At iyon ay nag sisimula na ngayon." ang wika niya at dito nakaramdam na ako ng pag bigat ng aking ulo, napatingin ako sa alak na aking ininom at dito nakita kong nakangisi si Nixon habang hawak ang isang bote ng gamot na pampahilo.

Nanlaki ang aking mga mata at pag katapos ay bumigat ang talukap nito saka ako nasubsob sa lamesa..

Wala na akong naalala.

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now