"Right, isang violation ang mga post ang isang student sa malaswang magasin. Automatic expel siya o mateterminate ang kanyang scholar. PERO magaganap lamang ito KUNG ang isang student na naka post dito ay naka hubo't hubad, naka pose ng malaswa at nag papakita ng pagiging imoral. Base sa pag rereview ng buong magasin, tatlo lamang ang larawan ni Blas, isang close up, halfbody shot sa bathtub at whole body na nakasuot ng complete uniform. So walang nilalabag na batas si Blas. Infact, karamihan sa mga students natin sa upper upper ay mga model ng underwear pero hindi sila maalis dahil wala silang rules na bina-violate." paliwanag ng council.

"So meaning? Clear ang name ni Blas sa issue na to?" tanong ni Lippi.

"Yes 100% clear!" masayang wika ng council dahilan para mapa busangot si Evan.

"Kung ganoon may isang pang rules na nilabag si Blas. At iyon ay ang babaihan rules! Una, hindi siya maganda, lalaking lalaki at tinutubuan ng bigote at balbas. Ikalawa, hindi siya lalambutin, hindi siya very feminine sa kilos, sa salita, sa isip at sa gawa. At ang ikatlo ay hindi siyang barbie! Which is unacceptable sa babaihan society!" ang maarteng hirit ni Lippi.

"Mr. Fralipo Lippi Sanbedran walang kinalaman ang campus ng Empire University sa babaihan society ninyo. Walang kasalanan ni Blas at siya ay malayang makakapasok pa rin dito sa campus. Bumalik na kayo sa inyong mga klase." ang utos ng council kaya naman tumayo kami at lumabas sa silid.

Pag labas namin dito ay bumulaga sa akin si Yuji naka upo at nag hihintay pero hindi ko siya pinansin, ni tingnan ng matagal ay hindi ko rin ginawa. Mabilis akong nag tungo sa hagdan para bumaba kasunod sina Evan at Lippi na bigo sa kanilang misyon ng pag papa talsik sa akin.

"Alam mo Blas, gustong gusto kana talaga naming ihulog ngayon dito sa hagdan, right here, right now, yeah yeah, yeah yeah!" ang wika ni Lippi sa aking harapan.

"Oo nga Blas, kaso masyadong mababa itong hagdan, baka mabalian ka lang ng kaunti. Alam mo gigil na gigil na talaga ko sa yo! A G R H H H!" ang tugon ni Evan

Humarap ako sa kanila. "Alam niyo? Hindi ko alam kung bakit galit na galit kayo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa inyo."

"Anong wala? Matapos mo kaming api-apihin? Lahat ng ginawa mo sa amin ni Evan ay hinding hindi namin malilimutan. Over our dead sexy body!" sagot ni Lippi

"Pwede tigilan niyo na ako? Nakakapagod makipag away sa inyo." sagot ko at mas binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating sa hallway.

Pero hinabol ako ng dalawa..

Hanggang sa harangin nila ako..

Nag palagutok ng buto sa kamao sa Evan samantalang si Lippi at nag inat at binaluktot ang kanyang leeg. "Alam mo Blas, nag sanay kaming dalawa ng karate para maitumba ka. Gusto na namin itong subukan ngayon."

Tumingin ako sa kanila..

"Wala naman kayong mapapala kung aawayin niyo ako." tugon ko sabay lakad pero hinila nila ang braso ko. "At saan ka pupunta? How dare you?! Dont test me! Do you know the flower language of Matthiola Incana?" ang hirit ni Lippi na parang voice line ni Guinevere sa larong mobile legends.

"Baliw, bitiwan mo ko." ang sagot ko sabay tingin sa kanila at habang nasa ganoong posisyon kami ay tumugtog ang isang musika sa hallway dahilan para mapahinto sila Evan at mapalunok ng walang laway.

MUSIC PLAYING

She's faced the hardest times, you could imagine
And many times her eyes fought back the tears
And when her youthful world, was about to fall in
Each time her slender shoulders
Bore the weight of all her fears
And a sorrow no one hears
Still rings in midnight silence, in her ears

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon