[03] Next Time, Be Careful

11 1 1
                                    

Nakatulala lang talaga ako eh, patipid-tipid maglakad at pasipol-sipol. Kaya ito nga ako nakatulala na naman at sa isip ko ay nagtutula.

"Tulala ka ata diyan?" Kinalabit ako ni Ate Ars at napatango lamang ako. Wala akong masagot na matino sa kaniya eh. Hanggang tango lang muna sa ngayon ang magagawa ko.

Napapakapa na lamang ako sa bulsa ng aking pocket pants at puro nagbalatan ng kendi ang nahahanap ko. Teka, naubos ko na ba ang lollipop na andito paminsan-minsan? Marahil ay linanggam na iyon, dahil nga dalawang linggo na iyon sa aking bulsa.

"Ang gwapo niya..." Haynako nakabusangot siya pero ang guwapo pa rin niya tapos iyong accent niya. Shemaaay! Si mahangin naman aka kumuha ng laptop ko gwapo rin pa-cool nga lang.

"Hoy! Laway mo tumutulo na oh!"

"Ay! Piste, teka anong palaka ka!" Napatalon pa ako sa gulat ng dahil doon.

"Anong palaka ang pinagsasabi mo riyan? Kumatok ka na sa pinto ni Rach oh." Napatingin naman ako sa harapan ng isang building at teka nga, dito ba siya nangungupahan?

Isang katok, wala. Pangalawang katok, wala pa rin. Pangatlo na sana... Ayun nagbukas na rin bigla ang pinto.

"Oh! Ars! Rhein! Kayo pala! Hali kayo at pumasok!" Binuksan niya agad ang pinto at halatang abala ito sa pagliligpit. Marahil ay abala rin siya ngayon kasi nga Sabado at tuwing Sabado sa boarding niya ay hindi siya umuuwi sa kanila.

Mas pinipili na lamang niyang gawin ang mga proyekto niya at sinusulat na bagong kuwento dito kaysa naman sa gumastos pa siya ng pamasahe pauwi ng probinsiya raw. Sabagay, ang pagkokolehiyo kasi ay magastos. At isa pa, para makaahon mula dito ay kailangan marunong kang magtipid.

"Mukhang abala ka ah?" Ayan sinimulan na ni Ate Ars ang pagtatanong at napatango naman si Ate Rach.

"Siya nga pala, dala mo ba, Rhein?"

"Po? Ay opo! Ito po!" Bigla kong binigay sa kaniya ang laptop, babawiin ko na sana pero huli na ng mabuksan niya.

"Teka nga, hindi ito ang wallpaper mo ha? Ang pagkakaalam ko ay mga miyembro ng bangtan ang wallpaper mo, pero bakit miyembro ng isang kalalakihang banda naman ito?" Ayan na nagsalubong ang kilay ni Ate Ars. Lagot na, hindi ko alam paano magpapaliwanag.

"Siguro may nobyo na kaya ayan." Nagawa pang mang-asar ni Ate Rach eh. Hmm, lagot.

"Ehh, mga ate! Ganito kasi iyan, iyong lalaki kanina sa coffee shop, Ate Ars. Nagkapalit kasi kami ng laptop..." Napakagat daliri pa ako na nakatingin sa sahig dahil sa takot na makita ang reaksiyon nila.

"ANO?!" Aaaah, ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang lakas nila makasigaw.

"Edi paano na iyan? Paano mo mababawi ang laptop mo?" Ayan nagtanong na si Ate Rach sa akin.

"Oo nga, paano kung idelete niya account mo or may mga i-post na hindi kaaya-aya?" Eh, ito namang si Ate Ars eh, dumagdag pa. Huhu.

Tinaas ko sa kanila ang Flash Drive ng lalaki kanina. Napaangat naman sila ng noo.

"Bigay niya sa akin, andiyan yung mae-edit na story na cinocompile natin." Agad ko itong inabot sa kanila upang masalpak na at ako naman?

Ito nagbukas muna ng messenger ng may nakita akong message request. Hmm, mabuksan nga.

Sino kaya ito? Hmm.

You have one message request from Lee...
Lee: Hi, duck! You look cute. Haha.
Lee: Meet me on this location...Starbucks. Bye, duck : )

What the fu-
Sino ba kasi iyon?!

"WAAAH!" Napasigaw na lamang ako sa taranta. Kung sino man iyon.

"Oh napano ka diyan? May masakit ba sa iyo?" Linapitan ako ni Ate Ars, pero umiling lamang ako.

"May nag message request sa akin, duck tawag sa akin. Wala akong kaalam-alam kung sino iyon. Pa-trace ko kaya kay Kuya Rai?"

Oh, speaking of the devil. Nag-message. Mwehehe. May kailangan ito panigurado.

Raian Klein: Hoy Rhein, bayaran mo na iyong utang mo sa akin. Kung ayaw mong sabihin ko kela Daddy at Mommy ang tungkol do'n. Grounded ka panigurado. : p

GRR! Nakakainis iyong pangit na yun. Hays, after ng dalawang oras nakatapos na ng tatlong revised chapters sila Ate Rach at Ate Ars. Mabuti naman. Huhu. Ihahatid na rin daw ako ni Ate Ars sa sakayan ng jeepney.

Kaya bago ako makasakay ng jeep may sinabi sa akin si Ate Ars, "Next time, be careful."

BZZT BZZT!

Ate Rach: Ingat kayo sa pag-uwi niyo.

PS. I dedicate this chapter to ChildishNAManhid18 and yellowgreen15

Stranger's LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz