Chapter 6

244 11 0
                                    

Hannah's POV

It's been three weeks since nag proclaim si President Luis ng total lockdown sa buong Luzon to quarantine us. I'm so damn bored na dito sa bahay! Oh, and btw I'm so happy because Kuya got to record his newly released song "Just Like That" with the help of Raine.

I never thought talaga that she has the talent! Unang kita ko noon sa kanya, I thought she was just that "super nerd" girl kasi to be honest, hmmm hindi naman sa iniinsulto ko sya or what! Kasi, the first time I saw her she was wearing a long skirt as in long hanggang paa then with a loose shirt! Ang badoy ah! Pero, I understand naman because sa province nila, they don't do a lot of porma naman daw and they don't usually follow trending fashion styles like that.

I'm in my room right now, nakahiga and nagsasagot ng mga tanong kasi nag pa #AskHannah ako on twitter. I just finished filming another new vlog for my youtube channel, when someone slowly knocked on the door three times.

KNOCK KNOCK KNOCK - ah si Raine. Sya lang naman kumakatok ng tatlong beses with a slow speed sa door ko.

"Raine?" tawag ko sa kanya habang nakahiga sa parin sa kama ko.

"Oo ako to Hans."

"Pumasok ka nalang bukas yan'"

"Na-lock mo hans" sagot nya naman. So, I hurried to the door and opened it for her.

"Sorry sa istorbo ah!" she said with a very apologetic voice.

"No, its fine! I'm not doing anything naman eh." I smiled at her.

"Kasi, kanina pa namin hinahanap ni Sola si Kiwi. Nandito ba sya?"

"Huh? Wala! I thought you were feeding him kanina?" I asked worriedly

"Oo nga eh. Kaso, tinawag kami ni Lola kanina habang kumakain sya. Pagbalik namin wala na sya." She said in a very calm and worried tone.

" She's inside the house lang naman siguro. She can't go out naman kasi doors are closed."

"Oo nga eh. Sige magpapatuloy nako sa paghahanap sa kanya."

"Si Kuya did you ask him?"

"Ay oo nga pala ano. Sige pupuntahan ko sya."

"Sige! I'll help narin. So we could find him fast."

"Okay." She nodded and then she rushed out of my room.

Kiwi, is our dog. Matagal na siya samin. Were so happy every time we go home from somewhere, siya ang nagsasalubong samin! He's' such a stress reliever for everyone in the house. But now, hindi naming sya Makita! He is nowhere to be found KUNO.

Raine's POV

Kanina pa namin ni Sola hinahanap si Kiwi. Sinamahan ko sya kaninang pakainin ito sa may dog house, pero tinawag kasi kami ni Lola para kumain narin ng umagahan. Pagbalik namin wala na sya. Kaya hinalug-hog naming ni Sola ang buong bahay.

Tinanong ko narin si Hannah kanina kasi, baka kinuha nya ito at nakipaglaro sa kanya or nag photography session na naman sila (lagi niya iyon ginagawa kay Kiwi sabi nga nya meron na din itong instagram account, pinapagawa nya nga rin ako ngunit di naman ako mahilig doon).

Pagkagaling ko sa kwarto ni Hannah, dumiresto ako sa kwarto ni Donny kasi sabi ni Hannah baka nasa kanya si Kiwi kaya pupuntahan ko. Sa kanyang pinto meron doon na nakalagay na sign minsan naka "DON'T ENTER" , dahil may ginagawa siyang trabaho sa loob. Gaya ng pag-live sa instagram, o yung mga ginagawa nilang mga live concert dalawang oras tuwing Sabado at Linggo ng gabi na napapanuod na Live sa TV . Ngayon naman ay naka "FREE TO ENTER" ang sign, ibig sabihin pwede akong kumatok, pumasok at istorbohin sya. Kumatok ako ng tatlong beses at walang halong kaba na binuksan ang kanyang pinto dahil hindi naman ito naka lock.

"Donny naki-" di ko na natapos ang aking sasabihin dahil nakita ko siyang naka harap sa kanyang kompyuter, naka headphones at marami syang kinakausap! Potek nakakahiya!!!!

Donny's POV

I wake up at around 6:00 am today and I just read the messages of Kuya Robi. In his message he said:

From: Kuya Robi D.

Received: 5:45 am

Hey Dons. I just had received a text from the VJ Anton, inviting you to be part of the MYX LIVE later at 10:00 to 11:00 am I think. Are you free?

Received: 5:55 am

Ofc I know your free! Wala ka namang pupuntahan eh. Hahaha. Kaya I said yes kay VJ Anton. Just, be ready mamaya! Okay bye labae. J

As soon as I read his messages I hurriedly stand up from my bed and do my morning routines ngayong naka quarantine kami dito sa bahay. Usually kasi, I do my exercise in the nearest gym dito din sa loob ng village namin. But now, hindi pwede. Meron kaming room dito sa bahay na kompleto sa gym equipment's yung iba naman nasa rooftop. I went there and exercise for 1 hour.

Pagkababa ko, dumaan ako sa kitchen and I saw them having breakfast. Nag toast ako ng bread at kumuha ng bacon and egg at nagtimpla ng fresh lemon juice. Sa taas ako kakain ngayon para maka pagready na ako after. Pabalik nako sa room ko with my food when, I saw Kiwi eating alone sa may dog house. So kinuha ko sya and sabay kaming kumain sa room ko.

Exactly 10:05 live stream na. Nag-umpisa na kaming magusap ng mga VJ. Apat kami ngayong nasa live. Ako, Kuya Robi, VJ Edward at si VJ Anton. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, may narinig akong tatlong katok sa pinto ko.

"Di ba nila binabasa yung sign sa labas?" inis na tanong ko sa isip ko.

Naguusap-usap parin kaming tatlo tungkol sa kahit anong bagay lang. May mga tinatanong kasi sa amin si Kuya Robi. Questions from twitter rin nang biglang. . . .

"Donny naki-" I was shocked sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwal nito ang parang bagong gising at wala pang ligong si Raine! Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin at isinara ang pinto.

"Hoy, ano yun Donny?" natatawang tanong ni VJ Anton mula sa live.

"Huh? Ah wala." I shyly said. Hindi naman sa kinakahiya ko si Raine, baka mas mabash kasi sya pag sinabi kong sya iyon.

"Weehhh? Donny ha, nag quarantine lang tayo!" Si VJ Edward habang sobrang tumatawa naman silang lahat. Kaya para hindi narin magkaroon ng issue tinawag ko nalang si Raine upang ipakilala sa lahat.

Raine's POV

Naku!! Pagagalitan talaga ako nun mamaya!! Nakakahiya pa naman yung ginawa ko!!! Live yunn eh maraming nakakita panigurado!! Ba't kasi hindi nya pinalitan ang sign. Potragis naman oh!!! Nakasandal parin ako ngayon sa pinto nya, aalis na sana ako ng bigla itong bumukas.

"Do you need something?" tanong nya parang hindi naman sya galit.

"Donny sorry talaga di mo kasi pinalitan yung sign." Turo ko sa pinto nya..

"Don't worry. Mas maganda nga to makikilala ka nan g mga tao. Go inside. I'll introduce you to everyone, Live!" sabi niya. Di ko alam pero kinakabahan ako ng bongga!! Huhuhu! Si kiwi lang ang hinahanap ko hindi gulo. Jusko po...

Pinapasok ako ni Donny sa loob. Naka live parin sila at nakikita ko parin dun sa screen ang tatlong lalaki na kanina pa nya kinakausap.

"Sorry viewers kung nagulat kayo kanina. Ako rin naman!" sabi nya habang nakatingin sa maliit na bilog don sa harap ng computer at naka all out smile pa ang mukha nya.

Hindi ko alam kung anong irereact nung pinakilala na nya ako.


________________________________________________________________

Late update hehhe!! Sana po ay wag nyong kalimutang mag vote and comment! Wag kayon silent readers guys gusto ko rin malaman ang inyong mga hinaing tungkol sa story ko. Please leave a comment....

Follow nyo rin ako dito readers. Thankyou!!!!

YOU ARE MORE THAN THAT (COMPLETED)Where stories live. Discover now