"God, hindi ko ineexpect na ang maamong mukha ni Blas ay gagawa ganyang kalaswaan. Ang mga model ng magasin na iyan ay kinukuha ng mga international porn director para gumawa ng mga bold video sa porn sites. Im sure kapag nadiscover si Blas ay magiging sexy star na rin ito." pang gagatong ni Evan.

"Eto yung lalaki kausap niya noong isang araw." ang tugon ni Yuji.

"Ah iyan ba? Iyan si Nixon Jim o mas kilala sa twitter at sa social media bilang PowerNixon. Siya isang famous na alter sa twitter at isa na rin siya international porn star ngayon. Tingnan ko kapag sinearch ang mga video niya ay lalabas lahat ang mga ginawa niyang porn." wika ni Evan

"Kaya naman pala PowerNixon ay dahil isa siyang power top. Tingnan mo ang jutay ng ari pero hanep kung bumayo, parang pang circus ang performance." ang wika ni Lippi sabay pakita ng video kung saan ipinakita si Nixon na nakatayo habang binibira ang isang amerikanong pornstar na naka sabit sa tali na parang isang karneng baboy.

"Famous na pornstar si Nixon kaya imposibleng hindi iyon malaman ni Blas." saad ni Lippi.

"O baka gusto rin ni Blas na makatikim ng isang porn actor. Diba hirap sa pera si Blas? Baka nga nag registered na rin iyan para maging isang pornstar. Nakakahiya talaga, dadalhin namin ito sa head office para mapatalsik si Blas dito sa school dahil isa siyang kahihiyan!" ang sagot ni Evan.

"Baka nga noong nashoot iyan ay nagalaw na si Blas!" hirit pa ni Evan na kunwari ay concern pero paninira ang layunin.

Gumuhit ang isang malaking galit sa dibdib ni Yuji, nabasag nito ang kanyang hawak na baso gamit ang kanyang kamay. "Oh my Gewd, dumudugo ang kamay mo Yuji. Let me help you." ang wika ni Lippi.

"Umalis kayo!!! Alisss!" ang sigaw nito na galit na galit. Kinuha pa niya ang cellphone niya at saka binasag sa sahig sa sobrang pang gigigil.

Dahil sa takot ay walang nagawa sina Evan at Lippi kundi ang umalis sa harapan ni Yuji at lumabas sa gusali. "Humanda ka ngayon Blas, yan ang dapat sa kanya." ang wika ni Evan

"Makakaganti na rin tayo kay Blas! Sa wakas, tapos na ang fairy tale days niya. Social Climber! Hindi naman siya maganda at hindi rin siya lalambutin like us!" ang gigil na salita ni Lippi habang pareho silang rumarampa sa hallway.

*****

Mag aalis 11 noong makabalik ako sa campus galing sa book store. Noong papasok ako sa likod na tarangkahan ay nakita ko agad si Nixon. Masaya niyang iniabot sa akin ang sobre na nag lalaban karagdagang bayad para sa aming pictorial "Salamat, teka gusto mo bang mag miryenda?" tanong ko.

"May lakad pa ako Blas, next time nalang. Diba sabi mo ay lalabas tayong dalawa pag may time?" ang naka ngiting wika niya sabay sakay sa kanyang motor.

"Oo nga pala, salamat dito ha."

"Wala iyon, basta kapag may rocket pa ulit ay sasabihin kita para makatulong ako sa iyo. Aalis na ako. Mag ingat ka." pag papa alam niya sabay start sa kanyang motor.

Isang matamis na ngiti ang aking isinukli habang pinag mamasdan ko siyang umalis. Napatingin ako sa sobre at malaki laking halaga ito. Mukhang kumita nga ng husto ang magasin. Iyon lang ay isang gay article pala ito. Pero wala naman akong malaswang larawan. Tatlo lamang ang larawan ko, isang naka uniforme, isang half body at isang close up. Wala namang masama kung tutuusin.

Habang nag lalakad ako sa tabi ng mini pond ng garden patungo sa aming building ay bumulaga sa akin si Yuji hawak ang isang magasin. Noong makita niya ako at ibinalibag niya sa akin ito at tumama sa aking katawan.

Gulat na gulat ako sa kanyang ginawa. "Ano bang problema mo?!" tanong ko.

Lumapit siya sa akin. Dito ay nakita ko ang walang kapantay na galit sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at saka inambaan ako ng suntok. "Ikaw ang problema ko! Binababoy mo ang sarili mo! Ganyan ka ba kababa?!" tanong nito.

"Wala naman akong ginagawang masama!" ang depensa ko.

"Wala? Nag pose ka sa isang gay magasin halos lahat ng lalaki sa loob naka hubo? Gago ka ba? At iyang pinag mamalaki mong lalaki na si Nixon unggoy ay isang pornstar! Ano ginamit kana ba niya? Nag pagamit ka diba?!" ang sigaw niya sa aking harapan

"Hindi ko naman alam na sa gay magazine ilalagay ang larawan namin! Wala akong alam!"

"Wala kang alam kasi nga ay TANGA ka!" ang sigaw nito. "Umamin ka na! Nag pagalaw ka diba? Ginalaw ka na niya dahil madalas kayong mag kasama!" ang galit na galit sa salita nito habang inuuga ang aking katawan. Ramdaman ko ang galit sa kanyang pag hawak ng madiin at mahigpit sa aking braso.

"Masarap ba? Ano?! Sagot!!" ang sigaw niya.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin?"

"Oo, dahil mukha kang pera! Desperado kaaa!" ang bulyaw nito sa aking mukha kaya naman gumalaw ang aking kamay at sinampal ko siya.

Nabaling ang kanyang mukha pa kanan dahil sa lakas ng aking sampal. At pag harap niya sa akin ay inambaan niya ako at halos maidikit na niya ang kanyang kamao sa aking mukha. Pero nahinto siya at napatingin sa aking hawak na sobreng may pera.

Hinablot niya ito sa aking kamay. Kinuha niya ang pera sobre. "Binaboy mo ang sarili mo sa kaunting barya?" tanong niya. Sa kanyang galit ay pinunit niya ang pera at itinapon sa mini pond.

"Bakit mo tinapon? Pang matrikula ko iyon!" ang sigaw ko sabay lusong sa tubig at kinuha ko ang sobre pero di na rin mapakikinabangan dahil punit na ang pera dito.

Napaluha nalang ako at napaiyak sa matinding sama ng loob habang nakalusong sa maduming pond.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla akong hinila ni Yuji patungo sa likod ng isang malaking puno ng mangga, galit na galit na parang papatay ng tao. Hinawakan niya ang aking leeg at winasak ang aking polo hanggang lumabas ang aking katawan. Hinalikan niya ako ng marahas sa labi, dahil galit nito ay nakagat niya ang gilid ang aking nguso kaya nag dugo ito.

Hingal na hingal siya na parang nawala sa sarili noong mga oras na iyon. Hinalikan niya ang aking leeg pababa sa aking dibdib at muling bumalik sa akin mukha.

Ako ay umiyak nalang sa takot at kaba. Mas matindi pa ito sa pisikal na papanakit. Ang mga salitang binitiwan ni Yuji ay parang patalim na tumarak sa aking puso ng paulit ulit..

Napahinto sa pag halik sa akin noong makitang tumutulo ang dugo sa aking labi, humalo ito sa aking uniporme..

Sa galit niya ay sinutok niya ng paulit ulit ang puno at saka sumigaw ng malakas..

"Bakit ginawa mo iyon?!!" tanong niya.

Humarap ako sa kanya at sumagot. "Dahil iyon lang yung kaya kong gawin para sa sarili ko. Alam mo kung ako ang pamimiliin hindi ko gustong mag trabaho habang nag aaral. Kasi pagod na yung utak ko, pagod pa rin ang katawan ko, pagod yung buong pag katao ko. Wag mo itanong sa akin kung bakit kasi nga tanga ako, salat ako sa lahat ng bagay. Ang gusto ko lang naman ay matulungan ko ang sarili ko dahil gusto kong mag aral, may pangarap ako na nais kong matupad. Ngayon kung kasalanan ko na ganito lang ako ay pasensiya kana. Sorry kung mahirap ako, sorry kung wala akong pambayad ng tuition fee at sorry rin kung nag ambisyon akong matulungan ang sarili ko sa paraang kaya ko. Ako lang ito e, ako lang ito Yuji. Pero kahit na ganito lang ako ay nirerespeto ang sarili ko at hindi ko magagawa ang mga ibinibintang mo." ang umiiyak ko salita sabay tulak ng mahina sa kanyang dibdib. Nanginginig aking katawan sa matinding takot..

Nag lakad ako palayo sa kanya na umiiyak pa rin..

Pilit kong inayos ang aking punit na uniporme, isinampay ko sa aking balikat ang wasak na mangas nito..

Sinundan ako ni Yuji. "Blas, mag usap tayo." ang wika niya sabay hawak sa aking braso pero inalis ko ito. Marahil nag sink in na rin sa kanyang utak yung ginawa niyang pag halik ng marahas sa akin na parang rape kung tutuusin.

Patuloy akong lumakad palayo sa kanya. Nanginginig pa rin ang aking katawan at alam kong ramdam niya ito..

"Blas, huwag kang umalis."

Hindi ko siya pinansin..

Niyakap niya ako mula sa likuran. "Please, mag usap tayo. Sige na. Huwag kang umalis."

Inalis ko ang kanyang pag kakayakap sa akin. Humarap ako sa kanya at nag wika "Ayoko nang makita ka."

Nahinto siya at ako naman ay tumalikod at nag tatakbo palayo..

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Where stories live. Discover now