II - Ang Tatlong Muskitero

11.3K 384 150
                                    

"Nandyan na pala kayo—" Nakangiting sabi ng isang matandang babaeng kulot ang buhok, nakasalamin at may suot na apron. Siya si Inay—ang Lola ko.

"Dapat nga kanina pa kami nandito e—" Sagot ni Papa habang tinutulungan si Inay sa pagbubukas ng gate.

"Maaga pa naman—aba e mainam yan. Pasok na kayo at titignan ko pa 'yung tilapia sa kusina at baka sunog na." Pabirong sabi Inay, dali-daling dumiretso na ito sa kusina.

"Ang tahimik a?" Bulong ko sa sarili.

Medyo naninibago ako ngayon sa bahay ni Lola, ang tahimik kase—kadalasan kase kapag ganitong oras maingay na. Pero ngayon... ang tahimik—kailangan kong magtanong, kaya pinuntahan ko si Inay.

"'Nay anong oras pupunta sina Paolo dito?" Tanong ko habang tinatapat ang hawak-hawak kong baso sa gripo.

"Naku! Hindi ko alam kung pupunta 'yong mga 'yon dito. Tawagan mo—" Sagot ni inay na abala sa pagbabaliktan ng piniprito nitong tilapia.

"Hala naman..." Sagot ko. Uminom ako ng tubig at dumiretso sa salas kung saan naroon ang telepono.

Kahit hindi naman ako palaging nandito sa probinsya, alam ko naman ang mga telephone numbers ng mga pinsan ko dito—mabuti na rin 'yon kaysa naman sa tanungin ko ulit si Inay.

Ayaw na ayaw nun ng kinukulit.

"Hello." Sabi ko ng marinig kong may sumagot na sa kabilang linya. "Si Paolo po?"

"Sino 'to?" Sagot ng isang pamilyar na boses. Ang tita ko 'yon—si Mama luchie.

"Hello Mama Luchie, si Kelvin po ito." Sagot ko.

"O—kadarating n'yo lang? Teka tawagin ko si Paolo." Sambit ni tita, narinig kong ipinatong lang n'ya ang telepono at saka tinawag ang anak.

Maya-maya pa ay narinig kong inangat muli ang telepono, at sa pagkakataong ito ibang tao na ang nagsalita.

"Hello, Kuya Kelvin!" Sagot ng isang batang tuwang tuwa.

"Hello Paolo, pupunta kayo dito?" Tanong ko, napapansin kong napapangiti na rin ako.

"Hindi ko alam, wala kasing pasok sina Mama—daan ka nalang dito."

"Sige. Papunta na ako d'yan." Sagot ko.

Hindi ko na tinapos magsalita si Paolo at ibinaba ko na kaagad ang telepono, tumayo ako, nagpagpag ng pantalon—humarap sa salamin—nagsuklay at dali-daling pinuntahan si Papa na nakatambay sa tindahan sa harap ng bahay ni lola.

"O san ang punta mo?" Tanong ni papa ng makita akong papalabas ng bahay.

"Kina Paolo." Sagot ko.

Tinignan lang ako ni Papa.

"Maglalakad ka lang? Tignan-tignan mo ang mga sasakyan at baka mahagip ka." Sagot nito.

Napangiti na lang ako at nagtatakbo papuntang labasan, isa lang kasi ibig sabihin ng sagot na 'yon ni Papa: pinayagan ako.

Kung tutuusin, malapit lang naman ang bahay nina Paolo kina Inay. Kung tumatakbo ka na kasing bilis ko—mga limang minuto, kung ita-tricycle mo mga two minutes hehe.

Punung puno ng makikipot na eskinita itong lugar nina Inay, maliliit at dikit-dikit pa yung mga bahay; parang malaking compound na hinde.

Hindi ko naman pwedeng sabihing iskwater's area 'to dahil hindi naman iskwater ang mga nakatira dito—sakto lang, dikit-dikit lang talaga ang mga bahay at literal na one way lang ang eskinitang dadaanan mo papuntang labasan, literal kasing isang tao lang kasya at kelangan mo pang huminto at tumagilid 'pag may kasalubong ka.

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently EditingWhere stories live. Discover now