Marahan ko siyang binatukan. "Nasa hapag-kainan ka tapos hawak-hawak mo ang cellphone mo. Ano ba yan, Kuya?" Napairap pa ako bago dumiretso sa tapat ng kinauupuan niya.

"Ito na po, ma'am, bibitawan ko na nga po, oh?" aniya habang iyon ay ibinubulsa. "Ang tagal mo na ngang nakatulog pero daig mo pa sa kasungitan 'yong babaeng ilang linggo nang nireregla."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bumalik ka na nga doon sa condo mo, nakakaasiwang makita ang pagmumukha mo." Ano naman kasi ang alam ng isang ito tungkol sa buwanang dalaw, 'di ba?

"I love you too, little bean," natatawa niyang sambit.

Tiningnan ko ang nakahaing pagkain at napalabi nang makitang may kasama iyong french fries. "Kuya, french fries . . ."

Napangiti siya, tila nahihimigan kung ano ang nais kong ipahiwatig sa katagang aking sinambit. "Change your clothes, I'll wait for you at the garage."

Malapad ang ngiti akong tumingin kay Kuya Aaron. "I love you na talaga, kuya Aaron!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa aking silid.

"Aria! What do I always tell you about running?!"

Agad akong huminto at humarap kay Kuya, itinaas ang kanang kamay, tanging ang hintuturo at hinlalato lamang ang nakalabas. Ngunit pagkatapos no'n ay muli akong tumakbo paalis, hindi ininda ang muling pagsaway sa akin ni kuya Aaron.

Tatawa-tawa ang nakakasalubong kong mga kasambahay, marahil nasilayan ang kaninang anghel na lumabas sa aking kaloob-looban.

Pinili kong magsuot ng hapit na pantalon at maluwang na pang-itaas. Nagmamadali kong isinuot ang puting sapatos at nagtatakbo papunta sa garahe. Doon nga ay naabutan ko si kuya Aaron na nakasandal sa pinakamamahal niyang kotse—ang McLaren MP4-12C. Ang perang ibinili no'n ay galing mismo sa sarili niyang bulsa—pinagtrabahuhan at pinaghirapan.

"Mauubusan ako ng t-shirt nang dahil d'yan sa ginagawa mo, eh," pagsalubong niya sa akin at inakbayan ako para guluhin ang aking buhok.

Napahagikgik ako at sinabing, "Marami ka namang pambili, Kuya. Buy some more, so I can wear them."

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit lagi mo akong tinatanggihan kapag inaalok kitang bilhan ng mga shirt na kasukat ng mga ginagamit ko." Mahina niyang pinitik ang kaliwa kong tainga. Pinagbuksan niya ako ng pinto at iginiya ako papasok ng sasakyan. "You're bothering my closet . . . oh, that poor thing."

"Mas masarap kasing suotin kapag pinitik lang sa damitan ng iba," natatawa kong sambit habang inaayos ang pagkakakabit ng sinturong pang-upuan.

Hindi niya naman napigilang makitawa. "I like the term you used, Aria. Pinitik lang pala, ah . . ."

"Ako lang ito, Kuya, ako lang ito," sabi ko kaya't nakatanggap ako ng mahinang pagtulak sa aking sintido.

Siniguro muna niyang maayos na ang lagay ko sa aking kinauupuan bago niya isinara ang pinto at umikot papunta sa aking tabi. Binuksan niya ang makina at nagsimula nang magmaneho.

Napansin ko ang biglaang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Kung ano-ano talaga ang nasasagap mo kay Laena, lumayo ka nga sa babaeng 'yon. Baka mamaya, mahawaan ka na rin ng pagiging partygoer no'n. Tsk, bad influence talaga ang war freak na 'yon." Halatang-halata sa kaniyang pagkakasambit ang pagkaasar.

"What happened?" tanong ko at tumingin sa banda niya.

Bumuntong-hininga siya. "Nothing . . . . Don't mind what I've said," tanging naisagot niya.

Hindi na ako muling nagtanong dahil alam kong hindi ko naman makukuha ang hinahanap kong sagot.

"Aria, can you get my phone, please?" pakiusap niya sa akin.

Agad namang nahagip ng aking mata ang aking hinahanap. Bahagya iyong nakalabas sa napsak na nakapatong sa harapan ng loob ng kotse.

"Play a song," sunod niyang utos pagkatapos kong makuha ang kaniyang selepono. "I miss hearing you sing, little bean, it's been awhile . . ."

Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula nang huli kaming nakalabas ng magkasama . . . . Pinagkaitan ng pagkakataong magsaya nang walang pag-aalinlangang may kapalit iyong lumbay.

How long have you been smiling?
It seems like it's been too long
Some days I don't feel like trying
So what the fuck are you on
Whoa, ohh

Ibinaling ko sa mga establisyementong nadaraanan namin ang aking atensiyon habang sumasabay sa pinatugtog kong kanta.

I think too much, we drink too much
Falling in love like it's just nothing
I want to know where do we go
When nothing's wrong

Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata, dinadama ang bawat salita sa liriko ng kanta.

'Cause all the kids are depressed
Nothing ever makes sense
I'm not feeling alright
Staying up 'til sunrise
And hoping shit is okay
Pretending we know things
I don't know what happened
My natural reaction is that we're scared . . .
So I guess we're scared.

Sumilay ako sa labas ng aking bintana. Tirik na tirik ang araw at ang mga ibo'y malayang lumilipad. Mapait akong napangiti nang maramdaman ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.

"Don't live by their rules, Aria, just don't."

---

Featured song:
all the kids are depressed by Jeremy Zucker

Unedited.

Sana'y nagustuhan mo ang mga nilalaman ng kabanatang ito. Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli!

Facebook: SY Treccaña
Twitter: deityyyyyy_

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jan 19, 2021 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Always and ForeverKde žijí příběhy. Začni objevovat