"Love, let's go! " tawag sa 'kin ni Liam, my boyfriend.
"Wait lang, patapos na! " pagkatapos kong magpaganda ay lumabas na ako ng kwarto.
"Let's go! " nakangiti kong sambit sa kanya, s'ya naman ay nakatingin lang sa 'kin, parang ewan. Haha.
"Hey, love, I said let's go! " I said again as I snapped my fingers in front of him.
"I'm sorry, love, natulala ako sa ganda mo, eh, " natawa naman ako bigla sa sinabi n'ya.
"Nako, nangbola pa! "
"Lagi kang ganyan, lagi mong iniisip na binobola lang kita, " bigla naman akong nakonsensya sa sinabi n'ya.
"Eh, ikaw din kasi! You're always telling me how beautiful I am, kahit alam ko naman sa sarili kong hindi. "
Nagulat naman ako ng yakapin n'ya ako.
"Kasi, you're beautiful. You're the most gorgeous lady that I've met, and I hate it when you're dragging yourself down, " wika n'ya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Hmp, halika na nga at baka ma-late pa tayo sa reunion. "
Umalis na kami sa bahay namin at nagtungo na sa venue ng reunion. When we get there, nand'on na ang mga batch mates namin.
"Hay nako, five years na ang nakakalipas, pero kayong dalawa, always late pa rin! " sabi ni Karen. Natawa na lang kami sa inasta n'ya.
'Yong reunion namin ay ginanap sa isang resort, at mukhang dito kami magpapalipas ng gabi. Kaming mga girls ay busy kaka-swimming, ang mga boys naman ay nag-iinom. Naisipan kong umahon sa tubig at nagpaalam sa mga kasama ko na hahanapin ko lang si Liam. Wala lang, na-miss ko lang s'ya. Hehe.
Akmang lalapitan ko na sana s'ya nang makita ko s'ya, pero pinigilan ko kaagad ang sarili ko nang marinig ang sinabi ni Daniel, my ex.
"Grabe, pare, ha? Ang tagal n'yo na ni Zoey, five years na rin. Pa'no mo natagalan ang ugali n'ya? I mean, bro, she's toxic. Puro hinala, puro pagdududa, kaya nga iniwan ko, eh. Paniguradong puro away din kayo kagaya ng sa 'min, hahaha! " mahabang litanya ni Daniel. Narinig ko namang tumawa si Liam.
"Alam mo, p're, Zoey is not toxic. Ang healthy nga ng relationship namin, eh, kabaliktaran ng sinasabi mong puro away. "
"Sure ako, ikaw lagi ang umiintindi sa kanya, gan'on naman ang babaeng 'yon, eh, gusto s'ya lagi ang iniintindi, " napakunot-noo naman ako sa sinabi ni Daniel. Pa-victim naman 'tong hayop na 'to.
"Nope. We give and take. Tsaka, ano naman kung ako lagi ang umiintindi sa kanya? I love doing it for her, sa mga oras na malungkot s'ya at tinotopak, alam kong mas kailangan n'ya ako sa panahon na 'yon. 'Yong sinasabi mong puro s'ya hinala at pagdududa? No, pare, she has been the most understanding girlfriend that I had. Tsaka, ba't naman s'ya magdududa, eh, hindi ko naman s'ya binibigyan ng rason para magduda, " nakangiting sagot ni Liam.
"Eh, ba't sa 'kin, gan'on s'ya? Hindi rin naman ako nagbibigay ng dahilan para magduda s'ya tapos pinapalayo n'ya pa ako sa mga barkada ko? Bro, nakakasakal s'ya! " med'yo na-hurt ako sa sinabi ni Daniel. Haist, oo nga't nakakasakal ako, baka si Liam din nasasakal na sa 'kin kasi pinalayo ko din s'ya sa mga barkada n'ya.
"Alam mo, ako rin, pinalayo n'ya ako sa mga barkada ko hahaha! "
"O, ba't parang masaya ka pa? "
"Hindi lang parang, masaya talaga ako! Imagine, those friends of mine before were bad for me, and I thank Zoey for keeping me away from those kind of people. Niyayaya ako nang niyayaya magsigarilyo, maginom kahit sobrang aga pa, at higit sa lahat, mambabae! Kaya nga naiintindihan ko si Zoey kung ba't n'ya ako pinalayo sa kanila. Ayaw n'ya lang na mapahamak ako, at ayaw n'ya lang masira kami, and the feeling is mutual, ayaw ko ring magkasira kami ng dahil sa barkada kong hindi kayang i-respeto ang relasyon namin, " nakita ko namang napatahimik si Daniel. Hah! Ano ka ngayon, ha?
"You know what, Daniel, thankful ako kasi pinabayaan mo s'ya. Thankful ako sa'yo kasi hinayaan mo s'yang magkagan'on, kung 'di mo siguro ginawa 'yon, hindi kami magkakakilala ng isa sa pinaka-amazing na babae sa mundo, hahahaha! Advice ko lang p're, ha, if you currently dating someone, iparamdam mo kung gaano mo s'ya kamahal, accept her flaws. 'Wag ka rin gagawa ng ikakaselos n'ya, para iwas away, kahit pa minsan tinotopak s'ya, intindihin mo. Sino ba ang pumasok sa buhay nila? Sino ba ang nanligaw? Sino ba ang nangako na hindi mo s'ya sasaktan? Diba, ikaw? Don't make her feel na sa una ka lang magaling, don't make her feel na sa una lang s'ya importante, don't make her feel na sa una lang s'ya mahalaga. Oo nga't sinagot ka na n'ya, pero p're, courting her doesn't stop there. Court her every single day. Simple lang naman ang mga babae, eh, they don't need expensive things para mapasaya mo sila, just buy her a food or watch a movie with her, sapat na 'yon sa kanila. Tandaan mo 'to, 'wag mong gawing girlfriend lang ang girlfriend mo, look at the bigger picture, kasi kung wala ka namang gawing asawa 'yang girlfriend mo ngayon, then leave her. They don't deserve a man that will leave them kapag wala ng spark, kapag hindi na masaya. Love is about staying with that person thru your ups and down, it's all about staying with that person even if you've seen the bad side of them, and it's about accepting that person no matter what happen, kasi lahat tayo may bad side, lahat tayo may pangit na ugali, and we need someone who will accept us on our worst, but at the same time, will make us change for the better, " I was stunned by what my boyfriend said. That was.. heart melting. Kahit sinong babae ang makakarinig ng gan'ong salita galing sa boyfriend nila ay maiiyak. Gaano ba ako kabait ay binigyan ako ni Lord ng isang Liam sa buhay ko?
Pagkatapos kong marinig 'yon ay dumiretso na ako sa kwarto naming dalawa saka naligo, pagkatapos n'on ay naabutan ko s'yang nakahiga na sa kama.
"How's your bonding with the girls, ha? Nag-enjoy ka ba? " tumango lang ako saka s'ya niyakap.
"Liam, I love you. "
"I love you more, Zoey. "
"I'm so lucky to have you, I'm so lucky to have you in my life. Thank you, Liam, for accepting my bad side, and thank you for making me a better person, " mangiyak-ngiyak kong sambit. Bumitaw s'ya sa yakap saka ako tiningnan sa mata.
"Mas maswerte ako sa 'yo. Teka nga, iiwan mo na ba ako kaya ka nagsasalita ng ganyan? " natawa naman ako sa sinabi n'ya.
"Alam mo, panira ka ng moment! Hahahaha! Ano ka ba, hindi kita iiwan, okay? Kakasabi ko nga lang na swerte ako sa 'yo ta's iiwan kita? Narinig ko kasi kayo ni Daniel na nag-uusap kanina, eh, and my heart melted when I heard those words from you. "
"Ay sus, naging chismosa ka na naman pala! Narinig mo pa tuloy ang kakornihan ko, " natatawang sambit n'ya.
"Hindi kaya 'yon corny! Heart melting nga, eh. Alam mo, thankful din ako kay Daniel kasi sinaktan n'ya ako, kasi kung hindi n'ya ako sinaktan, hindi kita makikilala. "
"Gan'on kita kamahal, kaya 'wag mo 'kong iiwan kasi mababaliw ako, " napangiti naman ako sa sinabi n'ya.
"Sus, baliw ka na nga sa 'kin, eh, " biro ko pa sa kanya.
"Hindi lang baliw, baliw na baliw na ako sa 'yo! " at nagtawanan naman kami dahil sa sinabi n'ya.
Tama s'ya, love is about accepting someone's flaws and imperfections, but at the same time, it's also about making that someone to be a better person.
