Pakakasalan kita, Anong pangalan mo?
By Jill-Azi
Ang mundo ay kasalukuyang naka Lockdown, dahil sa Pandemic na kumakalat.
Hayyyy, alam niyo ba na magto-two months na kong nasa bahay lang? Alam niyo yung feeling na ansakit na ng ulo niya kakahiga? kakapuyat, kakanood ng Korean, Thailand, Chinese or Netflix and Chill?
Sawa na kong manood ng Movies or kahit ano. Hindi rin naman ako makakalabas dahil panigurado huhulihin ako. Hmm pwede kong tawagan si Ken ang Boyfriend kong masipag HAHAHA alam ko sasabihin niyo maharot ako kasi kahit naka Lockdown ang bansa eh inuuna ko to.
"Oy Ken! hehe miss na kita uwu. Pwede ba tayo magkita? Magdadala nalang ako ng damit para sainyo muna ako kahit isang araw lang."
"Baliw ka Ana! Gusto mo ba mahawaan ng sakit? Wag muna ngayon, after this Lockdown promise magkikita tayo!"
"Hmm ayoko na dito sa bahay, grabe nahihilo na nga ako kada tatayo kasi puro higa, kain tulog nalang ginagawa ko, kaya please?"
"Ana makinig ka sakin, wala kang masasakyan at sigurado akong sa boundary palang mahuhuli ka na nako!"
"Ah basta! Makikita mo nalang na nandiyan na ko! Babush! Labyu ken muwah"
"Tekaa--" Hindi pa siya tapos magsalita eh pinatayan ko na HAHA ngayon ko lang gagawin sa buong buhay ko to kaya kinakabahan ako. Maya maya may nag-pop up na message at si kentot pala haha pinatay ko yung cellphone ko at nag ayos ako ng konting damit.
Nga pala nakatira ako mag-isa sa inuupahan ko, 2 years ago namatay ang Papa ko at noong nawala siya natigil na din yung suporta ng Tito ko financially para sakin, yung mama ko naman may ibang asawa matagal na, hindi naman ako masusuportahan noon dahil sarili niya nga di niya masuportahan hehe. Kaya eto ako, sinubukan ko mag working student, Kaya pa naman kaya tuloy parin sa pag-aaral and nandiyan naman si ken na tinutulungan ako kasi nagtatrabaho na siya.
Tinuloy ko muna yung pag-aayos ng gamit ko at pumunta na ko kay Aling tess, nagpaalam ako na aalis mga ilang araw. Alam ko wala na akong babalikan kasi ayaw niya akong paalisin dahil baka ako raw ang makadala ng sakit dito, natawa lang ako tsaka umalis sa harapan niya.
Pag dating ko sa sakayan wala talagang mga sasakyan kaya napagdesisyunan kong maglakad hanggang pa para makakita ng habal habal na pwede kong masakyan. Hindi ko pala nasabi na taga Quezon City ako at si Ken taga Batangas HAHAHAHA trip ko lang talag gumala kasi naman! ano na walang magawa tsaka mawawalan na ko ng budget kailangan ko si ken dahil walang padalahan na bukas hehe.
Mahigit 5 hours na akong naghihintay pero yung mga habal habal ayaw pumayag hanggang Batangas dahil sa malayo daw at pwede lang sila maghatid pag malapit lang. Psh mga ilang minuto lang nakakita akong naka-car sosyal! Bumaba siya at bumili sa tindahan dito sa tabi ko. Habang bumibili siya may naisip ako!
Paalis na siya ng lumapit ako sakanya.
"Hello!" Dito ko magagamit ang kakapalan ng mukha ko
"Hi? Bakit?" Kakapalan ko na promise!
"Ahm pwede ba akong sumabay sayo? kailangang kailangan kasi e, wala na akong pera pang budget, working student ako kaya balak ko sana pumunta sa Boyfriend ko para makituloy muna at para maka-survive ako" Tae, sabi ko kakapalan ng mukha pero bakit nagpaawa ako? hays! bahala na.
"Pwede ba?" tanong ko ulit. Mukhang hindi niya ko papasakayin anong gagawin ko??
"Hanggang saan ka ba sasakay? May ubo ka ba? Lagnat? Nahihirapan huminga? Alcohol?" Hays pinatapos ko lahat ng tanong niya kasi kung hindi baka mabastusan siya hindi niya ko pasakayin.
"Wala po hehe. Malakas po resistensya ko wala po akong sakit"
"How sure you are? Kahit malakas tinatamaan ng sakit kaya hindi mo masasabi yan" Bwisit parang napasama pa yung pag approach ko sakanya tss.
"Pero sige wala rin naman akong magawa kaya ihahatid na kita sa Boyfriend mo, Saan ka ba?" Papayag din pala! AHHHHHHHH ihahatid niya daw ako?
"Ay talaga? Sa Batangas kasi yon? Sure ka? Hindi ba tayo mahuhuli?"
"Hmm not sure kung hindi. Susubukan natin" Pumayag naman ako. Desperada ako, wala na akong pera.
"Ay teka! Babayaran nalang kita para hindi nakakahiya sayo" Last na pera ko na yung hawak ko, mukhang makakalusot naman kaya ibabayad ko na sakanya.
Sumakay na ko sa car niya pero nag alcohol muna ako. Tinanggihan niya rin yung ibabayad ko sana kasi hindi naman daw niya kailangan.
--X--
Hi! Vote, Comment and Follow if you love!
YOU ARE READING
Pakakasalan kita, Anong pangalan mo?
Short StoryCan you fall in love with a stranger?
