Nanlaki ang ang mata ko at tumingin sa kanya. Hinampas-hampas ko siya.

"Anong mabuti? Baliw ka ba?" inis kong sabi.

"Para wala ka nang kawala sa akin" humagalpak siya ng tawa at umakbay sakin.

Tinampal ko kamay niya. Baka mabuntis talaga ako. Shet naman oh!

"Pano kung mabuntis talaga ako ha?"

"Edi mas masaya. Gusto ko ngang magka-anak tayo."

Hinampas ko ang dibdib niya.

"Baliw ka ba? Nag-aaral pa tayo. Baka palayasin rin ako sa amin. Pag nangyari yon!"

"Don ka titira sa amin para masundan agad!" nag-ngising aso pa ang timang.

"Ang manyak mo talaga!" saway ko.

Di namin namalayan na nakarating na pala kami. Sa tuktok ng bundok. Naghiyawan ang mga kaibigan namin dahil sa sobrang ganda. Ang ganda ng sunset! Shet alas 6 na kasi ngayon. At naging kahel na ang langit. Bumitaw ako kay Kim at tumakbo. Tsaka kinuhanan ng picture ang langit. At makikita mo rin ang buong lugar. Mga building mga bahay! Wow! At ang kulay ng damo ay medyo brown rin siya. Dahil mainit. May mga tent rin mga apat. At ang layo ng agwat. May nag camping pa pala. At mga couples pa. Sana all hahahahha.

Naghanap kami ng pwesto kung saan ilagay ang aming tent. At luckily nasa gitna kami. Kung saan nakaharap kami buong syudad! Wow! Tumalon-talon pa ako. Tumawa naman sila sa inasal ko.

"Ang ganda!" manghang sabi ko.

"Mas maganda ka." bulong ni Kim sa aking tenga.

"Ayyyyiiiiiiieeeeee!" tukso na naman nila.

Inirapan ko silang lahat at natawa rin.

"Alam mo panira ka talaga!" hinampas ko siya.

At tinalikuran upang tumulong sa pagbuo ng tent namin. So good for 5 persons yong tent namin. At dalawa lang ang dala namin. For sure kasya kaming mga babae rito. Kahit 6 kami payat naman kami lahat char! Di naman ako masyadong taba nu! Sakto lang. Ewan ko lang sa mga boys. Iba ang tent ng girls. At boys, baka kasi may gagawin silang kababalaghan kong mag partner ang magsama sa isang tent. Lalong-lalo na si Kim!

Problema na nila. Kung magkasya sila. Edi sa labas matulog ang isa hahahahaha. Mukhang di kami matutulog eh. May dalang alak G.S.M blue pa. 6 na bote pa ang dala wow ha! At may isang boteng beer. Paktay! Nabuo na ang tent namin at inayos na rin namin ang higaan. Nagdala pa kami ng foam char. At tsaka unan at kumot.

"Magkasya kaya sila don?" si Careanne na abala sa pag-aayos ng unan.

"Problema na nila yon!"

"Sana nag dala pa tayo ng isa. Dito alam kong kasya tayo dahil payat naman tayo. Pero sila." may bahid na pag-aalala sa mukha ni Careanne.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now