Masakit diba kapag yung mahal mo Kaibigan lang Tingin sayo?
Madali talagang mahalin ang isang tao na nakilala mo na nang matagal na Panahon, Kase marami kanang alam tungkol sa kanyang Pagkatao.
Masarap ma inlove sa isang kaibigan, pero minsan masakit lang isipin kong ikaw lang mismo ang nagmamahal para sa inyong dalawa.
Minsan naman kase may mga kaibigan na mas pinipili na lang na magkaibigan sila kaysa mahalin nila ang isat-isa.
Natatakot kase sila paano kapag naghiwalay hindi na maibabalik yung dating friendship at ang dating pinagsamahan.
Maaring may magbabago na kaya minsan yun ang naiisip nilang right Choice, Mahirap mamili kung friendship ba o yung isinisigaw nang iyong puso.
Pero meron naman na nagsisimula sa frienship at napupunta sa Relationship, Masarap kase kapag kaibigan mo yung taong minamahal mo, alam mo ba kung Bakit kase hindi kana nahihiya sa kanya.
Naging tapat na kayo sa isat-isa napagsasabihan muna siya ng mga Problema mo, Compare sa tao na bago mo pa lang nakilala nahihirapan ka magtiwala agad.
Kaya maganda rin na yung kapag nagmahal ka magsimula kayo bilang magkaibigan, kilalanin muna ninyo ang isat-isa bago kayo pumasok sa isang relationship.
Ayos lang ma friendzone malay mo naghihintay lang din yan siya nang tamang panahon at pagkakataon kaya huwag mawalan ng Pag-asa always think possitive lang..
YOU ARE READING
Word of Wisdom?
SpiritualMensahe na makakapagbigay inspiration sa bawat mambabasa^^
