Saddest anniversarry

43 37 1
                                    

"Tss.. Anong oras na, bat wala parin siya?" Bulalas ko sa aking sarili at panay tingin sa aking relo.

I'm waiting for my boyfriend to arrive here in our favorite place para i-celebrate ang aming 5th anniversarry, dito sa isang malaking puno na nasa park. It became our favorite place kasi dito kami unang nagkakilala. Dito kami laging pumupunta para magcelebrate ng aming monthsarry, anniversarry, kapag gusto naming mag-solo, at dito kami laging pumupunta pag nagdedate kami.

Mahigit isang oras na akong nag-aantay sa kaniya. Ano ba yan. Medyo kinakabahan na rin ako kaya tinawagan ko na siya.

"Sorry, the number you have dialed is cannot be reached please try again later." Ilang beses ko pa siyang sinubukang i-contact but he didn't answer my calls.

"Babe, please. Nag-aalala na ako, asan ka na ba?" maiyak-iyak na saad ko.

"Kring...Kring..."

Biglang tumunog yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, pangalan ni Ashton yung nakalagay doon kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello. Asan kana ba? Kanina pa ako naghihintay sayo dito. Nag-aalala na ako." ani ko.

"Ah ma'am, sorry po. Kayo po ba si Cheska? Yung girlfriend po ni Ashton Perez?" sagot ng babaeng nasa kabilang linya.

"Opo. Ako nga si Cheska. At sino ka po? Bat nasa iyo yung cellphone ng boyfriend ko?" tanong ko pa.

"Ako po si nurse Sanchez. Pumunta po kayo dito sa ******* hospital. Nandito po yung boyfriend----"

"A-ano?" napasigaw ako. "A-anong nangyari? B-bat n-nasa ospital siya?" Naiiyak kong tanong.

"May lalaki pong nagdala sa kaniya dito. At ayon pa ho sa kaniya, nabangga raw po ang kotseng minamaneho ng boyfriend niyo sa isang puno." ani niya.

"S-sige po. Pupunta na po ako diyan." Sabi ko at binabaan na yung tawag. Dali-dali akong nagtungo sa hospital na sinabi niya. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko na napigilang mapaluha.

Sobrang nag-aalala ako. Sana ligtas siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sa kaniya.

AS SOON as I arrived in the hospital, bumaba agad ako ng kotse at nagtungo sa loob. Nahanap ko naman agad yung nurse na nakausap ko.

"Nurse a-asan na po s-siya?" tanong ko sa kaniya.

Ngunit tiningnan niya lamang ako ng may bahid na lungkot sa kaniyang mata. At napahagulgol ako sa naging sagot niya.

"Ma'am pasensiya na po. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya. We tried to make him survive, but he didn't make it. We're so sorry."

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ashton is the best definition of perfect boyfriend for me. Hindi siya yung tipo ng lalaking magsasabi sayo kung gaano ka niya kamahal dahil kusa niya itong ipaparamdam sa iyo. Lagi niyang ipaparamdam sayo na espesyal ka, na hindi ka nag-iisa. Lagi ka niyang pasasayahin, patatawanin sa mga corny jokes niya. Niminsan ay hindi siya nagloko, niminsan ay hindi niya hinahayaang maghiwalay kami ng magkagalit. Siya yung tipo ng lalaking hindi ka kayang tiisin. Hindi siya magsasawang lambingin ka hanggat hindi napapawi ang galit mo sa kaniya. Siya yung lalaking sobra kung magmahal. Sweet at maaalahanin. Pero ngayon wala na siya. Wala na ang lalaking pinakamamahal ko.

Sa isang iglap lang ay nawala na yung taong nagpapasaya sa akin. Yung taong  dahilan sa bawat pag ngiti ko. Yung taong bumubuo ng araw ko. Yung taong lagi kong nakakasama sa kasiyahan at kalungkutan. Yung taong akala ko.... Akala ko na makakasama ko sa aking pagtanda. Wala na. Iniwan na niya ako.

IT'S BEEN A YEAR since nawala siya. 2 years to be exact. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nawalay siya sa aking piling. Dalawang taon na ang nakalipas at marami na ang nagbago pero yung nararamdaman ko para sa kaniya? Eto, hindi nabawasan. Gaya parin ng dati, ng dating pagmamahal ko para sa kaniya.

"Babe, kamusta ka na diyan? Okay kana ba? Masaya ka ba diyan sa piling ni lord? Babe miss na miss na kita." Nag-uunahan na sa pagtulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan habang sinasambit ko ito.

"Babe, 7th anniversarry natin ngayon. Pero ako nalang mag-isa ang nagcecelebrate. Two years have been passed pero ikaw parin yung mahal ko. Babe, pwede bang bumangon ka muna diyan, gumising ka muna, kahit ngayon lang. Gusto lang kitang mayakap at mahalikan. Babe, please." Pagmamakaawa ko sa puntod niya.

"Babe I love you. Mahal na mahal na mahal kita. Forever and always."

___________
End
   ~ MonstrousHell

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now