Kung hindi niya lang nabasa ang buong novela, iisipin ni Charlie na ang babaeng nasa harapan ng salamin— ang katawan na kaniyang hinihiram ngayon ay siyang bida ng nobela.

❦❦❦

At sumapit na nga ang araw ng koronasyon sa loob ng Goldton Empire, halos lahat ng mga aristocrats sa iba't ibang parte ng empire ay dumalo sa na sabing pagsasalo.

Mula sa iba't ibang parte ng Gazina, lahat ng mga kilalang tao sa buong kontinente ay nagtipon sa iisang lugar para salubungin at  makipagdiwang sa pagiging crown prince ni Argus.

Kabado naman si Ellis matapos makita ang iba't ibang tao na galing sa mayayamang pamilya na dumalo sa koronasyon ng kaniyang kapatid. Iniisip niya na kailangan niyang maging matibay lalo na't magiging isa itong malaking labanan.

Labanan ng mga mayayaman.

Mula sa ulo hanggang paa ay mamatahin ka nila at oobserbahan lahat ng ginagawa mo upang makahanap lamang ng kamalian sa iyong pagkatao. Madalas niyang mabasa ito sa nobela dahil isa ito sa laging problema ng bidang si Lucille.

Ngunit na isip niya na siya nga pala si Ellis, si Ellis na nag uumpisa lagi ng gulo at nang ikapapahiya ng isang tao.

Siya ang dapat katakutan ng mga bisita dahil siya ang Villainess ng nobela, isang babaeng matabil ang dila at huhusgahan ka.

"Oh my Lady Ellis, kamusta ka? Nabalitaan ko ang aksidenteng pangyayari sa iyo nung nakaraan lang, nakikilala mo pa ba ako?" Tumingin si Ellis sa isang dalaga, may mahaba at kulay tyokolate itong buhok na aabot sa kaniyang bewang, matangos ang ilong at may berdeng kulay ng mga mata.

Maganda ito at halatang parte ng isang mayamang pamilya, ngunit ang problema niya ay hindi niya ito maalala kaya naisipan na lamang ni Ellis na umiwas at itanggi upang tigilan na siya nito.

"Ah— ipagpaumanhin niyo po ngunit hindi ko po tandan, Lady?" Kumunot agad ang noo ng babae sabay takip ng pamaypay nito sa kaniyang bibig.

"Ahaha, kung ganoon ipapakilala ko na lang ulit ang aking sarili, anak ni Marquess Allen Nicole— si Jade Cao," hinawakan nito ang magkabilang dulo ng kaniyang gown at nagbow sa harap ni Ellis bilang pagbati.

"Ikinagagalak din kitang makilala muli Lady Cao," at ginawa niya rin ang pagbati ng babae saka mabilis na iniba ang usapan upang makatakas na kaagad sa nagbabadyang gera na maaaring mag-umpisa sa pagitan nilang dalawa.

"Nais ko pa sana makipagkwentuhan sa iyo ngunit malapit na lumabas ang Crown Prince, ipagpaumanhin niyo sana ako." Halatang iritable sa kaniya ang babae at niyuko niya na lamang ang kaniyang ulo sa harap ng binibini saka umalis.

Kilala niya ang babaeng iyon, isa iyon sa naging kontrabida sa buhay ni Lucille sa loob ng nobela, anak ni Marquess Allen at may ari ng minahan sa Goldton Empire. Matapobre at madalas silang kasali ng kaniyang ama sa kurapsyon na nagaganap sa loob ng Emperyo.

"Papasok na ang Emperor," anunsyo ng isang kawal at bumukas ang pintuan papunta sa malaking upuan na trono ni Emperor Stephan. Sa kaniyang likuran ay nakasunod na paglalakad ang kaniyang anak na si Argus at ang Royal guard commander na si General Shalom.

Nagbigay pugay ang lahat at nang makarating na ang Emperor sa kaniyang trono ay itinaas nito nang bahagya ang kaniyang kamay na nagpatahimik sa buong lugar. Lahat ng kanilang ginagawa ay kanilang itinigil, pati ang mga musikero ay ibinaba ang kaniyang mga intrumento, tumigil sa kanilang mga usapan ang bawat bisita at ipinukaw ang atensyon sa emperor.

Halos kilabutan si Ellis matapos niyang makita ang kaniyang ama na hindi niya na sisilayan sa loob ng tatlong buwan. Masyadong malakas ang kapangyarihan nito na nakakapagpatahimik sa buong lugar gamit lang ang isang kamay.

Re:WriteWhere stories live. Discover now