Maling Hinala

7 2 0
                                        

Itago mo na lang ako sa pangalang Leslie, 18 taong gulang at estudyante sa isang pribadong unibersidad sa Pangasinan. Simple lang naman akong babae, mahaba ang buhok at maputi ang balat. Aminado rin akong marami ang aking manliligaw na nagbabalak angkinin ang aking puso subalit sadyang mapanuri lamang akong lubos pagdating sa pakikipag-relasyon.

Hanggang sa isang araw ay nagtungo kami sa Abba's Dagupan kasama ang aking matalik na kaibigan at doo'y manananghalian. At dahil dalawa lang kami ng kaibigan ko ay may ekstra pang upuan na kung saan ay may isang lalakeng nakiusap na kung pwede sana ay makisabay kumain dala ang kaniyang order.

Nagpakilala siya bilang si Allen, isang Senior High School student sa isang pampublikong paaralan dito sa Dagupan. Payat, maputi at singkit, ganiyan ko siya ilarawan Papa Lester.
Sa kagustuhan naming umiwas sa katahimikan ay nagbiro ang aking kaibigang si Rose na tanungin si Allen patungkol sa past relationships niya and he answered honestly na hindi pa naman raw nasubukang manligaw.

Malapit na ang 1pm kaya binilisan na niya ang kaniyang subo dahil hinahabol ang kaniyang klase sa hapon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakiusap siya na kung maaari bang kunin niya ang pangalan ko sa facebook para raw doon niya ako kausapin. ''Ahhhm, Ate, okay lang bang kunin ang pangalan mo sa facebook para makapag-send ako ng friend request''? tanong niya at hindi ko naman siya pinahiya kaya binigay ko naman.

Kinagabihan ay nagkaroon ako ng matagalang oras sa paggamit ng facebook at doo'y nakita ko ang friend request ni Allen na agad ko namang tinanggap. tumagal rin ang panunuri ko sa kaniyang mga posts and siya 'yung tipong moderate user ng facebook app, marahil sa online games ang kinahuhumalingan niya dahil wala siyang mga latest posts man lang.

Nagsimula ang palitan namin ng chat hanggang umabot nga sa mahigit isang linggo ay wala naman akong nakikitang pagbabago. Nakilala kong mabait, mabait pa rin kahit na sa messenger lang ang aming komunikasyon.

Malambing siyang mangumusta at magpa-alala sa oras na kakain na. Hanggang sa isang araw habang abala ako sa panonood ng youtube ay biglang tumunog ang aking messenger at sa hindi inaasahang pagkakataon ay si Allen. "Leslie, unang kita ko pa lang sayo ay nakitaan na kita ng mga bagay na nakakahanga. Sa iyong ngiti ay parang napagmamasdan ko ang ganda ng mundo, mundo na kung saan ay gugustuhin kong mamuhay ng matagalan. Ipagpaumanhin mo subalit hindi ko tiyak maipaliwanag na may mga katangian kang mahirap hanapin sa iba. Leslie, kung ang paghanga ko sa'yo ay isang kasalanan, mapapatawad mo pa kaya ako?" sambit niya na sa totoo lang ay kinikilig na ako. at lalo akong napatahimik at pansamantalang itinigil ang pinapanood ko sa ikalawang katanungan niya; "Kung hindi mo sana mamasamain, papayagan mo ba akong alagaan ang puso mo? Mabibigyan mo ba ako ng pag-asang ingatan at ipagtanggol ang buhay mo?" Sa katanungan niyang iyon ay nagsimula na akong manginig. Walang makakapagsabi kung ang mga binitawan niyang salita ay pawang katotohanan o isang hamak na biruan, subalit ang totoo Papa Lester, nahulog na rin ang loob ko sa kaniya. Hindi ko pa nasasagot ang katanungan niyang iyon subalit sumunod na araw ay inulit na naman niya. Wala namang mali sa pag-ibig at tanging pinanghahawakan ko ay susubukan kong sumugal - na kapag naloko, otomatikong talo!

Nagdaan ang ilang araw, buong akala ko ay walang pagbabago ang kalambingan niya, February 25 simula sinagot ko siya at ngayon ay March 24 na kung saan ay bukas sana ay unang buwan namin bilang mag-dyowa. Alas-onse na ng gabi at gaya ng nakasanayan ko ay titignan ang messenger ko kung may chat na, sa kasamaang pagkakataon ay active 25 minutes ago na hindi man lang ako nagawang i-chat o hindi man lang nagsabi sa kung ano ang plano niya para bukas.

March 25 ng umaga dali-daling minonitor ang inbox kung may pabati bang natanggap, Papa Lester sa totoo lang ay inaasam-asam ko at gustong masubok ang pakiramdam na binabati ng taong pinakamamahal mo subalit text or call or chat ay wala akong natanggap. Isa sa pinakamasakit na katotohanan subalit ayokong pangunahan ang dikta ng aking isipan na kung saan ay mas pinili ko pang antayin ang chat niya kesa husgahan siya.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 15, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Maling HinalaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang