Prologue

14 1 0
                                        

"My heart become a broken compass. Everytime I try to leave you, I always find myself running back into your arms." - Michael Faudet

"Love naman, sorry na. Patawarin mo na ako." halos nagmamakaawa kong sabi, kulang na lang lumuhod ako sa harapan niya pero tingin lang ang binabalik niya.

Mapait na tingin, puno ng galit, ng lungkot, ng hinagpis. Kitang-kita ko ang pagtitiis at pagpigil ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Ngayon hihingi ka ng tawad? Naisip mo man lang ba 'yong mararamdaman ko 'nong mga panahong naisipan mong gawin 'yon?" nagpipigil luha niyang sabi, hinawakan ko ang mga kamay niya pero agad din niya itong binawi.

"Hindi ako pinapatulog ng sakit, kung alam mo lang kung gaano ko sinisi sarili ko tapos ngayon gusto mong patawarin kita?" napayuko ako, ilang beses ko nang sinubukang lumapit pero mukhang ganun nga talaga ang galit at sakit na naidulot ko sa kanya.

"Love," sinubukan kong lumapit sa kanya ngunit umatras siya, ang sakit. Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko.

"Love, hindi ko sinasadya. Masyado akong nadala ng emosyon, akala ko 'yon 'yong gusto ko pero hindi pala. Pakinggan mo naman ako." pagmamakaawa ko, hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan sa kanyang nagsisisi na ako pero handa kong gawin lahat.

"Don't call me love, tapos na tayo. Tapos na tayo dahil sa kagaguhan na ginawa mo, Eoin. Wala na akong dapat marinig at wala ka nang dapat ipaliwanag. Sapat na lahat ng nakita at narinig ko." tumalikod siya sa akin at tuluyan nang umalis, naiwan akong mag-isa sa harap ng bahay nila. Hindi ko man lang magawang magpaliwanag.

Ang tanga ko, hindi ko alam kung paano ulit makukuha 'yong babaeng mahal ko. 'Yong babaeng mahal na mahal ko, 'yong nagturo sa akin kung ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig. 'Yong kasiyahan ko, 'yong mundo ko, 'yong buhay ko. Dahil sa kagagawan ko, isang iglap nawala siya sa akin.

Pinipigilan kong humikbi, alam kong kahit ilang beses akong umiyak o magwala rito sa harapan ng bahay nila hinding-hindi niya ako lalabasin. Hinding-hindi niya ako papakinggan.

Agad akong pumasok sa kotse ko at nagdrive papunta sa pinakamalapit na club. Narinig ko ang mga ingay ng tugtog at mga sayahan sa loob ng club, madilim sa loob at halos lahat ay may kanya-kanyang mundo. Araw-araw na akong nakatambay sa iba't-ibang mga clubs at bar, drinking myself out. I don't care kung ako lang mag-isa or may kasama ako, gusto ko lang maging manhid ako sa lahat ng nagawa ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, kinuha ko 'yon mula sa bulsa ko. Tumatawag si Mike, siguro hinahanap na naman niya kung na saan ako. Dinecline ko 'yong tawag, hindi ko kailangan ng karamay. Kailangan ko ng alak, 'yong mailalabas lahat ng nararamdaman ko.

Uminom pa ako ng ilan pang shots hanggang sa nararamdaman ko ulit ang pagvibrate ng cellphone ko, tawag na naman mula kay Mike. Dinecline ko ulit 'yon, once kasi na sinagot ko 'yon panigurado susunduin na ako 'non at papauwiin. Hindi pa tapos 'yong gabi ko, marami pa akong kailangang inumin.

Nagtagal din ako ng halos ilan pang oras sa club na 'yon, may mga lumalapit sa aking mga lalaki pero hindi ko na sila pinansin. Para naman akong tanga kung nagmamakaawa ako kay Jami na bumalik siya pero mag-eentertain ako ng iba. Nararamdaman ko nang umiikot 'yong paningin ko at nananakit na 'yong ulo ko, kailangan ko pang makauwi. Maaga pa akong pupunta kila Jami bukas para magmakaawa ulit.

20 ang missed calls ni Mike, may mga iniwan din siyang messages pero hindi ko 'yon binasa. Bukas na lang siguro ako magpapaliwanag. Paika-ika akong pumunta sa parking lot para hanapin ang sasakyan ko, halos wala na rin masyadong mga nakapark kaya mabilis ko 'yon nahanap.

Nang makasandal ako sa pinto ng aking kotse, may isang lumapit sa akin. Lalaki, matangkad at moreno. Malaki ang built ng katawan. "Hi, free ka tonight?" sabi nito. Tinitigan ko lang siya ng masama, "Hindi brad, ayokong magalit lalo girlfriend ko." natawa siya sa sinabi ko. Nakakapikon ha, "Ikaw? May girlfriend? Sa lagay mong 'yan?" hindi ko na siya pinansin at dumeretso na sa loob ng sasakyan.

Baklang bakla nga ako, sino bang mag-aakalang magkakagirlfriend ako? Sinimulan ko na ang pagpapaandar ng sasakyan ko. Medyo lumalabo na ang paningin ko dala ng kalasingan, madilim na ang daanan. Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho, wala namang ibang nasa kalsada.

Hindi ko alam kung gaano kabilis ang pagpapatakbo pero naghahabol ako ng oras para makatulog, kailangan maging presentable ako bukas pagpunta kila Jami. Nakita kong umiilaw ang cellphone ko at nanlaki 'yong mga mata ko sa nabasa ko.

Tumatawag si Jami, agad ko 'yong sinagot.

"Hello? Eoin asan ka? Kanina ka pa hinahanap ni Mike." ramdam ko ang inis sa boses niya kaya napangiti ako.

"Hindi naman ako nawawala, pauwi na ako." kalmado kong sabi, tumahimik muna ng ilang segundo bago siya nagsalita ulit.

"Lasing ka ba? Puro ka na lang inom, ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo ha?" miss na miss ko na 'yan, yang mga sermon niya. Mahal bumalik ka na,

"Kaya ko pa naman, 'wag ka nang mag-alala sa akin." hindi ko napansing hindi na pala ako nakatingin sa kalsada habang kausap ang babaeng mahal ko, nakatingin na lang ako sa pangalan niyang nakasulat sa cellphone ko.

"Magmessage ka kay Mike pag-uwi mo-" hindi ko na naintindihan 'yong iba niyang sinabi, nasilaw ako sa liwanag ng ilaw na nasa harapan ng sasakyan ko.

Alam kong hindi pa napuputol ang tawag pero nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng truck sa harapan ko, sinubukan kong iliko 'yong manibela pero huli na, bumangga na ako sa truck na kasalubong ko.

Naririnig ko ang mga sinasabi ni Jami sa kabilang linya pero hindi ko na 'yon maintindihan. Kasabay 'non ang paglabo ng mga mata ko, at ang pagdilim ng paningin ko. Unti-unting pumikit ang aking mga mata, hindi ko man gustuhin pero siguro ito na. Ito na ang wakas ko.

ArbitraryStories to obsess over. Discover now