Chapter 1

13.7K 249 5
                                    

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

BY...EMMZ

CHAPTER 1..,,

Puerto Prinsesa Palawan...

Pagkagaling ni Louise sa binyag ng anak ni Farah at Matt na si baby Morris ay ibinagsak nito ang kanyang katawan sa kawayang sofa ng kanilang bahay saka ipinatong nito ang paa na nakasuot pa ng rubber shoes at sakto namang pagdating ng kuya Larry nito ang panganay na anak ng tatay Lando na kapatid ng kanyang yumaong nanay..

"Oh bunso bakit ba parang biyernes santo ang mukha mo?..sino ba ang umaway sayo at ng maturuan ko ng leksiyon?....birong tanong ni Larry ng makita nitong nakasimangot si Louise..bunso ang tawag nila sa kanya dahil mas bata ito sa kanila ni Leonard...

"Hmp!..yun kasing si Emmz napaka arte akala mo kung sinong sexy!...kunwari pang hindi marunong magkarga ng bata eh ang tanda tanda na niya!...pairap na sumbong nito sa kanyang kuya Lando...

"Ah si Emmz ba!...naku bunso wag mo ng pansinin si Emmz dahil ganon lang talaga iyon pero mabait naman siya eh!..naglalambing lang iyon saiyo!..,turan ni Larry kay Louise na ipinagtaka nito...

"Akala ko ba kuya na tuturuan mo ng leksiyon si Emmz bakit ngayon eh sa kanya ka pa kampi huh?!...nakataas ang kilay na turan ni Louise sa kanyang kuya Larry...

"Hindi ah kampi kaya ako sa bunso namin kaya lang diba kaibigan mo si Emmz?...nakangiting tanong ni Larry kay Louise..

"Oo kuya bakit?...hmm wag mo g sabihing type mo siya!..naku kuya sinasabi ko sayo mas magandang si Elsa nalang ligawan mo yung nagka crush sayo sa may bayan na nagtitinda ng lutong ulam sa may paradahan!...nakaingos na wika ni Louise sa kanya g kuya Larry...

"Bakit eh crush lang naman at saka wala naman akong balak na ligawan siya dahil alam ko naman na hindi siya nababagay sa akin at pang mayaman lang ang beauty niya ano!...pero talaga bunso crush ko lang siya!....muling saad ni Larry kay Louise...

"Crush lang kuya ah hindi love!?...naninigurong tanong ni Louise sa kuya nito...

"Oo bunso crush lang promise!...natatawang sabi ni Larry kay Louise saka itinaas pa nito ang kanang kamay na nanunumpa sa kanyang sinabi...

Lingid sa dalawa ay kanina pa natatawa si mang Lando sa hitsura ng dalawa na sina Louise at Larry dahil sa pagkukulitan ng dalawa....dahan dahan siyang lumapit sa kanila at naupo sa tabi ni Louise saka biglang hinablot nito ang panyo na nakatali sa kanyang ulo na ginawang sombrero nito...

"Tatay ano ba bakit po ninyo inalis ang panyo sa ulo ko!...,nakakunot ang noong tiran ni Louise at akma sanang ibabalik ito ngunit i awat ng kanyang tatay Lando...

"Anak babae ka hindi ka lalaki kaya wag mong gawing lalaki ang iyong sarili dahil hindi bagay sa iyo!...tingnan mo ang ganda ganda mo kahit na hindi mo man lang sinusuklay ang iyong buhok at pwede bang pahabain mo ang iyong buhok para maging ganap ka namang dalaga anak...,kasi sa hitsura mo eh mas macho kapa sa mga kuya mo eh!....wika ni mang Lando saka sinusuklayjito ng daliri ang buhok ni Louise na hanggang sa taas ng tainga ang ikli nito...

"Tatay naman eh!..alam naman ninyong ayaw na ayaw ko g magpahaba ng buhok at saka mas gusto ko ng buhok na ganito at mas presko pa!...sagot ni Louise saka hinaplos haplos nito ang kanyang buhok saka sinipat ang sarili sa salamin na nakabitin sa may sala nilang maliit...

"Wala talaga kailan ka kaya magbabago?...kailan mo kaya babaguhin ang pananaw mo sa buhay?..babae ang pagkatao mo anak at hindi lalaki kaya wag mong baguhin ang katsuhan mo dahil isang kasalanan iyan,..kung ano ang ibinigay sayo ng Panginoon ay dapat mo itong pagyamanin at wag na wag mong babaguhin dahil tanging ang Diyos lamang ang may alam ng lahat at pwedeng bumawi at bumago sa bawat bagay dito sa lupa mapa materyal na bagay man o may buhay!...saad naman ni mang Lando saka muling bumaling sa may pintuan at tamang tama namang pagdating ni nanay Dalia at ni Leonard na kagagaling sa bayan...

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon