"Bakit,ano ang iyong gagawin?"tumawa ulit ito pero muling sumeryoso."Narito kami upang bawiin ang lupa at ang bahay nila!Wala silang ibinayad na buwis sa isang buwan sa pamahalaan kung kaya't nararapat lang sa kanila ang mawalan!"

Iyon lang?tapos kukunin nila agad ang ari-arian nila nanay?damn politics.

"Ilan ba?"tanong ko pero napangisi lang ito tila isang kahibangan ang naging tanong ko.

"Mababayaran mo ba ito?"sa paraan ng tono nito ay parang nanghahamon ito sakin."Dalawapu lang naman iyon,"anito at ngumisi.

Sa ilang linggo kong nakatira dito aking napagtantong napakalaking halaga ng bente pesos.Maaari ka ng makabili ng lupain at makagawa ng bahay.Pero masyado naman iyong kalaking buwis para sa isang dukhang mga mamamayan tulad nila nanay.Naghihirap nga silang kumita ng limang piso sa isang araw pero kung makasingil sila ng buwis ay parang isang maharlika ang mga mamamayang pilipino na itinuring rin lang naman nilang mga indiyo.

Walang kurap ko siyang tinitigan at kinuha ang 50 pesos sa bulsa ng sayal ko.Binigay ko 'yun sa tapat ng kanyang mukha.

"Maliit na bagay ngunit bakit humantong pa sa ganito?"mayabang kong wika.

I saw how his lips parted in shocked.Well dapat lang talaga, huwag niya akong e-understimate.Kilala yata niya ako.

Naitikom niya ka-agad ang kanyang bibig nang mapagtanto ang kanyang ginawa at muling sumeryoso ang tingin.Tiningnan niya ang perang nakalabandara sa mukha niya at sakin.Napataas ang dalawang kilay ko.

"Hindi mo ba ito kukunin?"nakangisi kong sabi at winagawayway pa ito sa kanyang mukha.Inis niyang hinablot ito,aba?

"Marahil ay ninakaw mo ito,"mapang-akusang niyang wika.Nagsalubong ang kilay ko.Hinahamon niya siguro ako?tsk sisiguraduhin kong hindi ka na pa aabutan ng buhay bukas ng umaga.

Imbes na sagutin ang inakusa niya sinubukan ko na lang ilihis ang usapan,ayoko ng gumawa pa ng eksena dito.Ang daming mga tsismoso't tsismosang naka-abang at nakatanaw hindi kalayuan.

"Dalawang buwang bayad na ang pamilyang ito.."tinuro ko sila nanay."At wag mo nang isauli ang sukli,iyo na at Isaksak mo sa baga mo."hininaan ko ang huli kong sinabi.

Sinamaan pa niya ako ng tingin bago niya sinenyasan ang mga kasamahan niya na pakawalan na mula sa pagkahawak sila nanay.Pagkatapos 'nun ay ibinaba rin niya ang kanyang hawak na pistola.

"Humayo na tayo!"anito sa kasamahan.

Nang mawala ng tuluyan sa paningin namin ang mga gwardiya sibil ay duon pa lamang nakahinga ng maluwag ang mga tao at pati na rin sila nanay.Nanghihinang napaluhod ito na agad rin namang inalalayan ni tatay ramon.

Dahang-dahang lumapit sakin si Hilda na umiiyak na ngayon.Umiwas ako ng tingin.Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga taong ginawan ako ng kabutihan.At  gusto kong suklian ang kabutihang iyon.

Pero nagtaka rin ako.Naalala ko binigyan ko sila ng 50 pesos iyong natira sa 100 pesos na panalo ko sa karea ng kabayo.Hindi ko alam kung saan nila iyon nagamit?nabili ko na ang lahat na kailangan sa bahay.Wala na akong ibang alam sa maaari nilang paggagamitan niyon.Malaking halaga 'yon at impossible ring maubos agad kung meron man silang binayarang mga utang.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko.

"Z-zeime,m-maraming salamat.Napakadami mo nang nagawang tulong sa amin.."aniya at humingos-hingos.

Tumango ako at napalingon sa mga taong papalapit sa amin ngayon.

"Isa kang bayani binibini!nawa'y pagpalain ka ng panginoon sa iyong kabutihan."ani sakin ng isang ginang pagkatapos ay lumapit na kay nanay laura at dinaluhan.

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon