Chapter Two

5 0 0
                                    


   Saan ba ang punta namin? Pier na itong nakikita ko. Inalalayan niya ako sa pagbaba ng sasakyan pero agad ako dumistansya.

   Di dahil sa ayaw ko sa kanya kundi sa naiilang ako. Para kaseng napakalabo sa akin ng mga nangyayari. Almost five years kaming di nagkita tapos ang masama e alam ko'ng may karelasyon siya noon. Iyon nga ang dahilan kaya di na ako bumalik at nanggulo e.

   "Ahh, saan ba tayo pupunta?"tanong ko sa kanya habang inililibot ang paningin sa paligid. Isang yate lang kase ang nakikita ko. Wag niya sabihing doon kami sasakay?

  Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya kaya gulat ako ng bigla niya ako'ng hilain sa kamay na agad ko namang tinutulan.

  "Wait, Ano kase may pasok pa ako sa trabaho mamaya. Pwede bang malaman kung saan ba talaga tayo pupunta?" pagsisinungaling kase nga day off ko ngayon diba.

  Di ko man gusto magsinungaling pero gusto ko talaga kase malaman kung saan kami pupunta. Karapatan ko naman siguro iyon diba?

  Pero imbes na sumagot e hinila na naman niya ako. Pero hinila ko ulit ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

  Galit na humarap siya sa akin.

  "Simula ngayon di ka na papasok ng trabaho." pagkasabi nun ay hinala na naman niya ako pero di padin ako nagpahila sa kanya. How dare him to decide for me. "What is your problem? Bakit parang ayaw mo'ng hinahawakan kita!" galit na singhal niya sa akin.

  Nang una'y nagulat ako at nakaramdam ng takot pero kalaunan ay napalitan ng galit at inis.

  "E, Ikaw bakit di mo ako papasukin sa trabaho?  Sino kaba sa buhay ko para diktahan kung ano ang gagawin ko!" galit na singhal ko. Bakit napakainit ng ulo niya. Saka ano naman kung umiwas ako sa mga hawak niya e di naman kami.

  Tsk, remember he cheat on me. Binalikan niya ang ex niya.

  "I thought you were smart. Diba magpapakasala na tayo , so technically I will have the all rights to mess with your life."

   Sandali akong nakaramdam ng saya pero bigla ko naisip na pinagpalit nga pala niya ako noon. Kaya bakit niya ginagawa to?

  "Sino naman nagsabi sayo na papayag ako?" nakataas ang kilay na tanong ko.

   Pero nginisihan niya lang ako.

  "Sure ako na gusto mo din kaya ka nga nandito ngayon kasama ko e." lakas ng hangin ng lalaki na to'.

   Bago pa man ako makasagot ay bigla na lamang niya ako binuhat na parang sako ng bigas.

  "Wahhh!! let me go. Ibaba mo ako, Vicmar!!!"sigaw ko pero para lang siyang binge na patuloy sa paglalakad. "I swear lagot ka talaga sa akin mamaya."banta ko.

    "You should be the one to be get ready. Lalo na sa honeymoon naten." sabi niya na nagpatahimik sa akin.

  Seryoso ba talaga ang lalaki nato'.?
  Magpapakasal ba talaga kami?

*******

   2hrs na kaming nagbabyahe gamit ang isang yate na pagmamay-ari pala ni Vicmar. Masyado ko kaseng nilibang sarili ko sa ibang bagay e at di na ako masyado nagtanong sa mga pinsan ko ng balita tungkol sa kanya.

   Matagal na pala niyang itinigil ang pagiging cyclist niya. Ngayon isa na pala siyang CEO ng isang kumpanya. Kung paano diko din alam. Pero never naman ako nasilaw sa mga materyal na bagay kaya parang balewala lang sa akin ang mga nalaman ko. Pero I am proud of what he achieved. Nakikita ko namang magaling siya sa bagong prosesyon niya.

  Sa loob kase ng 2hrs na byahe namin sa yate ay wala siyang ginawa kundi ang magtrabaho dahil 2weeks daw kaming mawawala. Tinawagan nadin pala niya ang pinapasukan ko'ng grocery store at nagsabi siya na ipapasa ko na lang tru email ang resignation letter ko. So, it means plinano talaga niya ang lahat.

Married To My ExWhere stories live. Discover now