Kabanata 1

36 7 2
                                    

***

Nakakabinging ingay ang sumakop sa tenga ko habang papasok sa Gymnasium. May bisista ang aming eskwelahan, which is Cabanatuan National HighSchool. As a greeting, lahat ng highschool students ay pupunta dito sa gym. I guess, mag ispeech ang mga bisita, habang kami ay nakikinig, sitting in the cold cement of this place.

Humalukipkip ako habang naka pila. Nasa likod ko si Leina, habang si Eza ay nasa pinaka harapan. Nagdadabog nga ito, sabi niya, masyado daw naaapi ang height niya. Tinawanan lang namin siya. Sa kabilang banda, andun si Oliver, nakapila sa mga lalaki.

Ang section namin ay LUKE, ang sumunod ay MATTHEW at ang huli ay JOHN. Nasa baitang siyam na kami.

Nagsimula na ang maliit na programme. Nagpalakpakan ang lahat nung pinakilala na ang mga bisita. Kinalabit ako ng nasa likod ko, nilingon ko ito at nagtaas ng kilay.

"Ang boring, mas gusto ko pang makinig sa discussion sa room. Atleast, nakaupo sa disenteng upuan. Unlike here!" reklamo ni Leina.

Inayos ko ang pag ka indian seat ko. Hinawi ko ang buhok ko bago magsalita.

"Well, wala tayong choice Leina."

Patuloy siyang nagmaktol at nagmura sa likod ko. Hindi ko na siya pinansin at ginala nalang ang mga mata. Tumingin ako sa harapan, nagtama ang tingin namin ni Eza. She giggled. At tinituro ang kung ano. Sinundan ko ang dulo ng daliri niya.

Mga estudyante ng Matthew. Binalik ko sa kaniya ang tingin ko. Nakakunot ang noo at nakahawak ang mga kamay sa beywang. She said something, ngunit sa layo namin at sa pagpalakpak na naman ng crowd eh hindi ko siya marinig.

"Whatever." I said at iniwas ang tingin sa kaniya. Not sure kung narinig niya ito, ngunit sa aksyon ko ay narealized nya na siguro na hindi ko siya maintindihan.

After some speeches and reminders from the visitor. Pinabalik na kami sa mga kaniya kaniyang kwarto. Nasa dulo ng Gymnasium ang mga Grade 10 students kaya sila ang nauna.

Habang naghihintay, pinapadyak padyak ko yung black shoes ko habang nakanguso. Napukaw ang atensyon ko ng isang lalaking dumaan sa gilid ko. Sinundan ko siya ng tingin. He's tall, ang buhok niya ay kulot. At ang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga kamay niyang maugat. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Umusad na ang pag-labas ng mga estudyante. Nilingon ko ulit ito. Sa ngayon, ang mukha niya naman ang binigyan ko nang pansin. Ang gwapo niya.

Sinundot ko ang tagiliran ni Leina. Napalundag naman ito, nagulat sa biglaan kong kilos.

"Ano?"

I licked my lips.

"Sino 'yon?" tanong ko.

Luminga linga naman siya. "Huh? Sinong "yon"?"

Hinanap ito ng mga mata ko at inawakan ang balikat ng kaibigan, inikot kung saan makikita niya si Curly Boy. Itinuro ko ito.

"Him." sabi ko sa napapaos na boses.

Ngumiti si Leina sa mapang-asar na paraan. Inirapan ko siya agad. Ang bruha na ito, nagtatanong lang ako kung ano ano na agad iniisip.

"Why? Do you like Brix?" she squinted her eyes while poking my stomach.

Tumawa ako at hinila na lamang siya papalabas. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hawak ko pa rin si Leina.

I cleared my throat.

"Well, I kinda admire his physical appearance, Lei. But that doesn't mean na crush ko siya. Sorry to burst your bubble." I explained.

"Huh? Sino?" napabitaw ako sa hawak sa kaibigan nang sumulpot si Eza. Nagkatinginan kami ni Leina.

Ugh. For sure, kakalat na sa room ito. Sa daldal ni Eza, it's not impossible.

"Anong sino? Pinag sasabi mo Eza." Please maniwala ka. I don't want this little admiration of mine to spread like a wild fire.

Ngumiti siya. "Nako, ako pa lokohin niyo. Dali na, promise, I'll be quiet."

Nagbuntong hiningi ako at inakbayan silang parehas at nagsimulang maglakad papasok sa classroom. Nagreklamo pa si Leina, nga naman, mas matangkad siya. Pati nga ako nahirapan. Tss.

Pinag usapan namin si Brix. Bakit ganon? Hindi ko siya kilala.  Habang etong dalawa, kala mo expert sa pagkilala dun.

"Yung boses ni Brix! Grabe! Ang manlyyyyy!" tili ni Eza.

"Yes you're right! Narinig mo na ba boses niya?" tanong sakin ni Leina.

Umayos ako sa pag kakaupo. "Of course not, kanina ko nga lang siya nakilala."

Natigilan si Eza at tila artista sa TV na may lumabas na bumbilya sa taas ng ulo niya dahil sa reaksyon ng mukha niya. Dali dali siyang tumayo at luminga linga. Pinanood namin siyang lapitan yung kaklase namin.

"Ay! Oo nga!" Leina giggled.

At para akong tangang hindi ma-gets kung anong pinaggagawa nila. Sumipsip nalang ako ng malamig na tubig sa tumbler ko. Bumalik si Eza  sa aming pwesto, kasama si Krisa.

"Nakalimutan ko. Kapatid nga pala ni Krisa si Brix." she announced.

Halos maibuga ko sa mukha ng kaibigan ang tubig na iniinom ko. Seryoso? Magkapatid sila? I didn't know? Bakit ba andami kong hindi alam dito sa campus ha?

"Ano ba yun Eza? Leina? Katana? May ginagawa ako eh. Sabi ni Eza may itatanong kayo sakin." sabi ni Krissa habang sinusulyapan ang naiwang requirement na ginagawa sa kaniyang upuan.

I glared at Eza. "Huh. Wala yun Krissa. Alam mo naman si Eza, palabiro, pasensiya ka na sa abala. Sige balik ka na." wika ko.

Lito niya kaming pinagmasdan at inayos ang salamin niyang nahuhulog sa ilong niya. Nagexcuse ito at umalis na. Sumalampak naman si Eza sa upuan niya.

"Eza, inabala mo pa yung tao. Wala naman kaming itatanong. Sabi ko nga, hinahangaan ko lang yung itsura niya. Ang gwapo kase. Pero hindi ibig sabihin nun, crush ko na siya at sisipsip tayo sa kapatid niya." i explained to my brat friend.

"Okay whatever. Sorry." Eza said while rolling her eyes. Mahinang tawa lang ang ginawad sa kaniya ni Leina.

Tumango lang ako sa kaniya at nilisan ang reading corner. Umupo ako sa proper seat ko at nag hintay ng guro. Napahikab ako. Gusto ko nang matulog.

"Last subject nalang Kat, tiis tiis." Alu ko sa sarili.

Thank God, mabilis lumipas ang isang oras. Kumaway ako sa mga kaibigan at sumakay na sa nakuhang Tricycle ni Kez. Sabay kaming umuuwi minsan, kapag sabay ang dismissal namin, or kaya sari sariling uwi kapag hindi.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at sumilip sa driver.

"Tara na po, Manong."

One Step AwayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora