"Welcome po sir. Magandang gabi." ang naka ngiti at magalang na bati ni Darrio.

Ngumiti rin ako "Magandang gabi Sir, ano po ang sa inyo?" tanong ko na parang ibang tao ang aking kaharap. Iniisip ko nalang na hindi siya nasa harap ko ngayon.

Inikot ni Yuji ang kanyang mata. "Anong klaseng lugar ba ito? Malaki pa ang CR ng kwarto ko dito." ang wika niya. Naka ngiti lang ako at hinahayaan siyang mag salita ng kung anu ano bagamat gusto ko nang sumagot sa kanya kaso nandyan naman si boss kaya tiyak na pagagalitan niya kami.

"Pasensiya na po sir. Ano po ang order ninyo?" tanong ni Darrio.

"Yung pinaka mahal at pinaka masarap na cake, yung hindi kaya iafford ng ordinaryong tao. At bigyan mo rin ako ng dalawang pinaka masarap na drinks. Table for two." ang sagot niya.

"Okay po sir aayusin ko na." ang wika ko sabay punta sa mga table. "Nasaan po ang kasama mo?" tanong ko.

"Kasama ko yung baby ko." ang wika niya habang naka ngisi.

"May anak na po pala kayo sir. Ang bata niyo naman po nag karoon ng anak." ang sagot na kunwari ay hindi ko siya kilala.

"Tigilan mo na nga ako, gusto mong iutos ko sa manager mo na ialis ka dito? Gusto mo bang sa iba pulutin?" tanong niya.

"Saan naman ako pupulutin?" tanong ko.

"Dito sa puso ko. Upo na!" ang wika niya sabay hila sa akin sa bangko.

"Hindi pwede, nasa oras ako ng duty. Ano bang ginagawa mo sir? Wag po sir!" ang wika ko.

"Itigil mo na nga iyang pag papanggap mo na hindi mo ako kilala. Bibigwasan na kita dyan e." ang sagot niya dahilan para lumapit sa amin ang aking manager.

"Excuse sir, ako po ang may ari ng store. May problema po ba?" tanong niya.

"Gusto ko siyang itable." ang wika ni Yuji sabay turo sa akin.

"Itable? Anong akala mo sa akin barayang babae sa bar?" galit kong tanong.

"Pasensiya na po sir pero isang cake shop at tea house po ito. Hindi maaaring itable ang mga empleyado." ang sagot ng manager.

"Hindi mo ba ako kilala?" tanong ni Yuji.

"Eh sino po ba kayo sir?" tanong ng manager

"Ako lang naman si Yuji Guarin. Ang taga mana ng Guarin business empire. At itong shop mo na kasing laki ng bathtub ko ay maaari kong ipasara ngayon din." ang sagot ni Yuji dahilan para mashock ang aking boss.

"Ah e kayo po pala si Mr. Guarin, hindi niyo naman po sinabi sa akin agad. Ahehehe!" ang nahihiyang sagot nito sabay hirit. "Sige po Mr Guarin, pwede niyo na pong itable si Blas, pasayawin niyo na rin po siya ng naka hubad dito sa ibabaw table, pwedeng pwede po."

"Boss, ano ba yang sinasabi mo? Bakit tumiklop ka?" tanong ko.

"Wag kana maraming tanong, umupo kana dyan at mag sayaw kana rin!" ang sagot nito sabay tulak sa akin sa silya. "Ayan po Mr. Guarin, iyong iyo na si Blas."

"Akin naman talaga kahit hindi mo sabihin. Doon kana nga tanda." ang gagong sagot ni Yuji tumingin ito sa akin saka ngumiti. "Bakit parang hindi ka masaya na makita ang boyfriend mo?" tanong ko niya

"Hanggang kailan mo ba ako pag lalaruan? Siguro ay pustahan niyo lang itong mag kakaibigan mo? O kaya ginagawa mo to para mahulog ako sa iyo at pag katapos ay iiwanan mo akong wasak na wasak." ang sagot ko.

"Alam mo iyan ang sobrang epekto ng pag babasa mo ng kwento sa wattpad. Lahat ng masamang posibilidad ay naisip mo na. Ako? Kailangan mo ako iisipin?" tanong niya.

"Sir eto na po ang oder niyo, ang ultimate chocolate cake with super crunchy crispy and yummy..." natigilan ang waiter.

"Wala akong paki sa sinasabi mo, ilagay mo na iyan dyan sa mesa." ang sagot ni Yuji. "Saan na nga ba tayo?"

"Doon sa kailangan kita iisipin." sagot ko

"Oo! Kailangan mo ba ko iisipin? Ikaw takbo ka ng takbo sa utak ko. Kagabi nag salsal ako niimagine ko na niroromansa mo ako."

"Bastos! Gabi gabi rin kita iniisip at ipinag darasal ko na huwag na makita sa campus dahil tiyak na pag ttripan mo na naman ako katulad ng ginagawa mo ngayon. Aminin mo na sa akin na ang misyon mo ay maging pa-fall para masaktan ako."

"Hindi ah. Ang misyon ko ay mahalin ka, gawing baby, ibigay ang gusto mo at mag maging alipin mo." ang sagot niya na naka ngiting aso.

"Yung ngiti mo ay nakaka loko, halatang di ka nag sasabi ng totoo." ang sagot ko. Kaysa makipag away sa kanya ay inayos ko nalang ang mga plato sa mesa, hiniwa ko ang cake at inilagay sa kanyang ang pinaka best na parte. Ako na rin ang nag timpla ng inumin niya at nag lagay ng straw dito. Para siyang isang batang inasikaso ko, samantalang siya naman ay pinapanood lang ako sa aking ginagawa.

"Kain kana, masarap iyan." ang wika ko.

Tahimik.

Kumain ito ngunit naka tingin sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.

"Wala naman, hindi ko akalain na kahit madaldal ka na parang babae ay maasikaso ka rin pala." tugon niya at habang nasa ganoong posisyon kami ay may pumasok na lalaki sa shop at lumapit sa amin. "Master Yuji, narito na po ang mga ipinakuha niyo." ang wika nito sabay abot ng isang malaking shopping bag.

"Ibigay mo sa kanya." ang utos nito at iniabot sa akin lalaki ang bag.

"Ano to?" tanong ko.

"Buksan mo." ang sagot niya.

Binuksan ko ang bag, nag lalaman ito mga damit, kwintas na alahas at isang kahon ng cellphone. At mayroon pang gold na card na nakadikit sa box nito. Kinuha ko ito (card) at tiningnang mabuti. "Ano ito?"

"Isang money card. Nag lalaman iyan ng malaking halaga para di kana mag hirap sa baon mo sa paaralan. Kumikirot ang dibdib ko kapag naalala ko yung laman ng pitaka mo. Nandyan na rin ang pang tuition fee mo at pambili ng kung ano ano. Tapos eto ang kapalit ng cellphone mo na sinira ko. Siguro naman ngayon ay wala ka nang reason para hindi sagutin ang mensahe ko." ang naka ngiti niyang salita habang binubuksan nag cellphone at inilagay ang kanyang numero. Kapansin pansin rin ang wallpaper nito na mukha niya, halfbody naked.

Nawalan ako ng kibo.

"Bakit natahimik ka? Masaya ka ba? Ang mga damit diyan ay branded." ang dagdag pa niya

Tumingin ako sa kanya. "Masaya ako, pero hindi sa ganitong paraan. Kaya ako nag tatrabaho ay para kumita ako ng pera at matulungan ko ang sarili ko. Mali na tanggapin ko ito dahil sa gusto ko lang mapadali ang buhay ko. Yuji, wala kang responsibilidad sa akin. At hindi mo tungkulin na bigyan ako ng kung ano ano. Hindi ko ito matatanggap." ang wika ko.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Blas, huwag mong ipahiya ang pag kalalaki ko." ang wika niya.

"Yuji, hindi mo ako nauunawaan, kung tatanggapin ko ito ay para ko na ring ipinag bili ang prinsipyo ko. Maraming salamat dito ngunit para sa akin ay mali na tanggapin ko ito." ang sagot ko na may mahinahong tinig. Kinuha ko ang kanyang kamay at iniabot ang card, pati ang bag ay ibinalik ko rin.

Natahimik si Yuji at gumuhit sa mata niya ang kakaibang emosyon. Halatang halata ito dahil namula ito na parang may nang gilid na luha. "Ngayon lang ako napahiya ng ganito Blas." ang sagot niya sabay tayo sa aking harapan. Kinambatan niya ang kanyang mga body guard na lumapit sa kanya. "Kunin niyo ang mga gamit na iyan at itapon niyo sa basurahan" ang utos niya.

"Yuji, please naman. Huwag ka magalit sa akin." ang sagot ko sabay pigil sa kanyang bilugang braso. Tumingin siya sa akin at inalis niya ito.

Umalis siya sa aking harapan ng walang kibo bagamat ramdam ko ang pinag halong lungkot at galit sa kanyang dibdib lalo pa noong tumingin ako sa kanyang mata.

Nag lakad siya palabas sa shop at iniwan akong nakapako sa aking kinatatayuan..

Itutuloy..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon