Chapter 10

42.9K 715 17
                                    

"Do you think they will like it?" tanong sa kaniya ni Kiefer sa hawak nitong laruan. Katatapos lang nilang bumili ng damit at sapatos ng kambal tapos ngayon sa laruan naman na...

"That's enough Kiefer. Ayaw kong masanay sa materyal na bagay ang kambal"

Tumango lang ito at binitawan ang hawak nito....

"Let's go sweetie. I badly want to see them now"

Hindi niya alam kung matatawa o ano si Cassandra sa inaasal ni Kiefer.. Nasa labas na kasi sila ng bahay ng mga magulang niya and para itong kiti kiti na hindi mapakali..

"Stay still Kiefer! Nahihilo na ako sayo!"

Nilingon naman siya nito at bumuntong hininga....

"I'm sorry sweetie. Kinakabahan kasi ako. What if they're mad at me?"

"No. They're excited to meet you."

Bumuntong hininga nalang ulit ito at sabay silang naglakad papasok sa bahay ng magulang...

"Upo ka muna jan. Tatawagin ko lang ang kambal" tumango ito at ako naman ay tinungo ang kwarto ng kambal .

Nadatnan niya ang mga ito sa higaan na naglalaro. Nagdodoktor doktoran ang anak niyang babae samantalang anak niyang lalaki ay nakahiga at kunwaring ginagamot ito ng kakambal. Tinignan niya ang anak na lalaki na hindi maipinta ang mukha dahil mukhang napipilitan lang gawin ito para sa kapatid... Napangiti naman siya. Kahit kasi mukhang isnabero ang anak kapag sa kakambal nito ay malambot ito. Hindi niya kayang di pagbigyan. At sa nakikita niya nakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili dahil kahit mag isa niya ay kinaya niyang palakihin ng maayos ang kambal.. Nang maramdaman ng mga ito ang presensya niya ay sabay nag angat ng tingin...

"Mommy!"

Lumapit naman siya at hinalikan ang mga ito....

"Mga anak. I want you to meet someone. He is downstair"

Biglang lumiwanag ang mukha ng anak niyang babae...

"Is that daddy?" naghugis puso ang mata nito.

Tumango siya at siyang ikinasaya nito..

"Let's go mommy. I want to meet him na. OhmyGod. I'm so excited mommy! "

Lumingon naman siya sa isang anak niya na hindi umiimik... Lumapit siya dito at kinausap...

"Aren't you excited baby? You're going to meet daddy" umiling lang ito at magsalita ng ikinalungkot niya

"I don't need him mommy. Nabuhay tayo ng wala siya at kaya nating mabuhay kahit wala siya"

"You're so bitter kuya. " irap ng anak niya sa kuya nito....

"If you want to meet him go now... But don't expect me to be excited like you . I don't need a father."

"Kyle!" napalakas ang sigaw niya sa anak niya dahil sa sinabi nito.. How come that a four years old kid can say those harsh words to his own father.

Nanubig naman ang mata nito dahil sa pagsigaw niya. Never in her life na napagtaasan niya ng boses ang kambal ngayon lang... Napabuntong hininga nalang siya at yinakap ang anak.

"I'm sorry baby. I didn't mean to shout at you"

Humihikbi na ito.  Oh my poor baby. Kahit kasi mukhang matured ito ay bata parin ito. Naaawa naman siya sa anak dahil nasigawan niya ito..

"Hush baby. I'm sorry "

Sa ganung tagpo naman nadatnan ni Kiefer ang mag iina niya..

Narinig niya kasi ang pagsigaw ni Cassandra kaya umakyat na siya dahil baka ano ang nangyare...

"What happened?" sabi niya dito pero bigla siyang natulos sa kinakatayuan ng bumaba ang tingin niya sa batang babae na kamukhang kamukha niya pero ang buhok ay labi nito ay nakuha kay Cassandra. His daughter. His own blood and flesh.. 

Lumapit siya dito at lumuhod para magpantay ang mukha nila. Pinagkatitigan niya ito at ganun din sa kaniya ang anak niya ng biglang tumili ito.  Nagulat siya pero napalitan ito ng saya ng bigla siyang yakapin nito. Napapikit siya at dinama ang sarap ng pagkakayakap sa kaniya ng anak niya. He can't explain how happy he is. After long years. He is able to meet his child and nadoble ang saya niya ng mapag alaman niya na kambal pala ang anak nila ni Cassandra...

"Daddy! You're so handsome po. Look kamukhang kamukha mo po kami. Look at Kyle po kamukhang kamukha niyo po siya. But he is a bit snob po" bulong sa kaniya ng anak niya ang huling salita...

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya pero isa lang ang masisigurado niya . Happiness. That is what he is feeling now. Finally mabubuo na din ang pamilya niya. He know that Cassandra is still mad at him because of what he did 4 years ago but he will work hard for them to have a complete family.

Matapos ang yakapan session nila ng kaniyang anak na babae ay nailipat ang tingin niya sa isa pa niyang anak. Mukhang dito siya mahihirapan dahil ramdam niya sa mga mata nito ang galit sa kaniya. He know that he deserve it but he will do everything for his family.

"Son." he whisper.

Lalapitan na sana niya ito ngunit mabilis na umiwas ito sa kaniya at patakbong lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga nalang siya...

"I'm sorry about that" mahinang sabi sa kaniya ni Cassandra..

"It's okay. I can understand.I deserve it. "

"Don't worry Daddy I know that one of these days po makakausap mo na ang kambal ko. " napangiti naman siya sa sinabi ng anak niya...

"You're such an angel baby"

Ngumiti naman ito at nagpabuhat sa kaniya....

"Daddy. Let's play!" masiglang sabi ng anak niya na di niya kayang tanggihan...

"Ofcourse baby. Pero I'll talk to your mommy muna,okay? "

"Okay po daddy"

Napabaling naman ang tingin niya kay Cassandra ng maramdaman niya ang titig nito...

"I'm sorry about Kyle. It's my fault. Kung hindi lang ako naging duwag para harapin ka noon sana hindi siya galit sayo ngayon"

"Wag mo sisihin ang sarili mo Cassandra. I know its my fault. Babawi ako. Bubuuin ko muli ang pamilya natin.... "

"No. Umuwe ako para makilala mo ang kambal. But its not about us Kiefer. Matagal na tayong tapos"

"Why? Do you have someone else now?" nagdilim naman ang mukha ni Kiefer sa sinabi nito....

Umiling naman si Cassandra dahil wala naman siyang iba e.
Hindi siya umimik dahil wala naman siyang masasabi dahil mula noon ay hindi siya nagkaroon ng iba dahil ito ang unat huling minahal niya but hindi siya aamin dito. Natatakot na kasi siya na baka maulit ang dati. Baka masaktan lang ulit siya.

Ngumisi ito.

"You're mine Cassandra. Whether you like it or not.. Kasal ka parin sakin kaya sisiguraduhin kong mabubuo ang pamilya natin..."

Matulos sa kinatatayuan si Cassandra ng maramdaman niya ang malambot nitong labi sa kaniya. Napakasarap nun... Matagal na rin mula nung maramdaman niya ang labi nito sa labi niya. Tutugunin na sana niya ang halik nito ng biglang dumistansya..

Napatulala nalang siya ng wala na sa harap niya si Kiefer at nakikipaglaro na sa kaniyang anak... Umayos ka Cassandra... Umayos ka. Napabuntong hininga nalang siya at hinanap ang anak na lalaki para kausapin ito....


A/N: So nahanap ko na po kung saan po kayo nalilito. 4years old sila then next na sinabi ko dun is 6 years ago! Sorry lutang lang ako that time. Btw. Thank you for all the positive comment 💜

The CEO's Secret Wife(COMPLETED)Where stories live. Discover now