And just like that, Cheryl's senses goes haywire. Ang emosyong hinahanap niya kahapon noong kasama si Macky ang mismong nararamdaman niya.

"Cheryl, pigilan mo ako. Sisikmuraan ko 'yan kapag di ako nakapagpigil!" ani Aileen na tumayo at humarap kay Marson. Itinaas pa nito ang manggas na akala mo'y makikipagbuno.

"Hindi kita pipigilan. Sige lang. Gawin mo ang gusto mo," aniya na sinabayan ng kibit-balikat.

Si Shaine naman ay tumayo rin sa swing at hinigit si Aileen palayo, "Halika na. Maraming pag-uusapan 'yang dalawa."

Nagsalubong ang kilay ni Cheryl at tiningnan nang may pagdududa ang kaibigan, "Sinabi mo sa kanya yung sinabi ko sa inyo kahapon?"

Napakagat-labi si Shaine, gumuhit ang guilt sa mukha, "Sorry. Hindi ko instensyong lampasan ang boundary ko na ikwento sa iba yung nangyari sa buhay mo noon. Kaya lang kasi nainis din ako nung malaman ko na pinagpustahan ka lang nila kuya. Nasabi sa akin ni Euan dati na madalas sila ni Kuya ang pasinumo nang pustahan noong kabataan nila. Kaya ayon, inaway ko siya kahapon. Akala ko kasi kakontsaba siya ni Kuya. "

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Cheryl. Hindi niya alam kung maiinis o natotouch dahil gano'n pala siya kaimportante sa kaibigan.

"Pwede bang kausapin ko muna si Che nang sarilinan?" ani Marson habang nakatingin kay Aileen.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Sagot ni Cheryl.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti, "Marami, Che. Marami tayong pag-uusapan. May nangyari pala dati na hindi mo man lang sinabi sa akin. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. At ngayong alam ko na yung maling nagyari noon, itatama ko na ngayon," bakas ang determinasyon sa mukha nito.

"Nakaraan na iyon. At wala naman nang mangyayari kahit itama mo pa ngayon," aniya bago humakbang palapit sa mga kaibigan.

"Gan'yan ba talaga kayong magkakaibigan? Imbes harapin ang problema, tinatakasan?"

"Aba, busina naman muna. May nasasagasaan," ani Aileen na biglang nanghaba ang nguso. At kung kanina ay ito ang hinihigit ni Shaine, ngayon ay ito na ang humihigit sa kaibigan nila. "Tara na nga, Shaine. Baka kung ano pa ang marinig ko. Nandadamay itong pinsan mo. Isa pang salita nito at tinamaan ako, tatamaan din sa akin ito."

Natawa si Shaine pero nagpahigit na palayo kay Aileen.

"Kung may problema man, baka ikaw lang. Dahil as far as I know, wala akong problema," ani Cheryl.

"Kung wala kang problema, ako meron. At ikaw lang ang solusyon," ani Marson, humakbang ito palapit sa kanya. Ang intensidad ng emosyon sa mga mata nito ay halos magpalambot ng tuhod ni Cheryl. Tumigil ito sa mismong harap niya. "Mahal kita, Che. At gagawin ko ang lahat para pagtiwalaan mo ulit ako, hanggang sa mahalin mo ulit ako." A knowing glint shine in his eyes.

Napaawang ang labi ni Cheryl pero wala siyang maapuhap na salita. Unwittingly ay ibinuko siya ng kaibigan. Ito mismo ang iniiwasan niya, ang malaman ng binata na minsang mabihag nito ang puso niya.

"Mahal kita. Noon, hanggang ngayon..." Ang deklarasyong kasasabi lang nito ay bakas sa mga mata ng binata. Nangungusap, nanunuyo.

Pakiwari ni Cheryl ay nalulunod siya. Pumikit siya at huminga ng malalim. Hinamig niya ang sarili at nang muling magmulat ng mga mata ay mas matibay na ang resolve niya.

"Niloloko mo ba ako?" Ngumiti siya nang mapait, "Ako pa mismo ang nakarining sa sinabi mo kay Bianca. Nasa Rose and Grace kayo noon. Naka blue na polo ka, naka floral dress naman si Bianca."

"Kung ano man ang narining mo, hindi iyon totoo. Si Bianca talaga ang pinagpupustahan namin."

"At palagay mo ba'y ikatutuwa ko iyan?" Hindi napigilan ni Cheryl ang pag-angat ng kilay. "You'd only proven that you're a jerk, a liar. Kung nalaman ko iyon noon, kahit hindi ako ang pinagpustahan ninyo, hindi pa rin kita sasagutin. Hindi ko ibibigay ang puso ko sa taong walang ginawa kundi manloko at manakit ng puso ng ibang babae." Taas-noong sagot ni Cheryl.

Lumamlam ang mga mata ni Marson, bakas doon ang pagsisisi, "Inaamin kong loko-loko ako noon, pero matino na ako ngayon, Che. Wala akong matinong excuse kung bakit namin ginawa iyon noon. At hindi rin ako magjujustify dahil isang malaking kasalanan talaga iyong paglalaro namin sa damdamin ng iba. Matagal na akong graduate sa kalokohang iyon. I am not proud and I am truly sorry. Pero nagbago na ako, Che."

Hindi sumagot si Cheryl. Pinagsalikop lang niya ang mga braso sa tapat ng dibdib. Those pleading eyes! Unti-unting natutunaw ang resolves ni Cheryl dahil sa nangungusap na mga mata ni Marson. Nakikita niya ang totoong pagsisisi sa mga iyon.

"Kung meron mang hindi nabago, iyon ay ang nararamdaman ko para sa iyo. Ilan taon kong iningatan sa puso ko ang pagmamahal ko para sa iyo. Hindi iyon nawala, Che. Ang totoo, lalo pa ngang tumindi."

Nagbawi nang paningin si Cheryl. Nakagat niya ang ibabang labi. Kailangan niyang makaalis na harapan ni Marson dahil pakiwari niya'y natunaw na lahat ng resolves niya sa katawan. Kapag hindi siya nakalayo sa binata. Malamang mabasa nito sa mga mata niya na maging siya man, hanggang ngayon ay may espesyal na nararamdaman pa rin para dito.

Huminga siya nang malalim bago tinalikuran ang lalaki.

"Nauunawaan ko na kung bakit ayaw mo nang dugtungan ang nakaraan natin. At sang-ayon din ako, Che. Kalimutan na lang natin ang nakaraan."

Napatigil sa paghakbang si Cheryl. Napakunot-noo siya. Ano ba talaga ang gusto nito? Ligawan siya o maglimutan na sila? Kasasabi lang nito na mahal pa rin siya, tapos ngayon..?

"Magsimula ulit tayo, Che. Bumuo tayo ng bagong alaala. Magpapakilala ulit ako sa iyo. Dadalaw ako sa bahay niyo. Magpapakilala ako sa mga magulang mo. Babalik tayo sa umpisa dahil hindi na rin naman ako yung malokong lalaki na nakilala mo noon. Ibang Marson na ako ngayon. Kaya sana bigyan mo ulit ako ng chance na ipakilala sa iyo kung sino ba ang bagong ako."

Nakagat ni Cheryl ang labi at pumikit siya. Ang sinseridad sa boses nito ay sapat na para lalong magwala ang tibok ng puso niya. At sa hindi maunawaang dahilan ni Cheryl ay dagling mag-ulap ang kanyang mga mata.

"Isang chance, Che." Kung paanong nasa harapan na niya si Marson ay hindi na namalayan ni Cheryl. "Isang chance ang hinihingi ko para patunayan ang pagmamahal ko sa iyo."

Nanatili siyang nakayuko. Hinahamig pa rin ni Cheryl ang sarili. Paulit-ulit siyang humihinga sa pagitan ng mga labi. The roller coaster of emotions is too much!

Too much, too soon!

Is it? Tanong ng isang bahagi ng isip ni Cheryl. Noong kagagaling pa lang nila sa Divisoria ay alam na niya sa sarili na si Marson pa rin talaga ang nagmamay-ari ng puso niya. Na hindi naman talaga sa relasyon niya kay Mike ang moving-on na ginagawa niya.

Pero makakapag-move on ba siya sa nakaraan kung hindi naman nakikinig ang puso sa utos ng kanyang isip? At dinagdagan pa nang mas makulit na binatang nagpipilit na muling mapalapit sa kanya. Ang binatang mula rin naman noon, at magpahanggang ngayon ay siyang magmamay-ari ng makulit ring puso niya.

"Che, magsalita na naman." Nag-alis ng bikig sa lalamunan si Cheryl bago tumingin kay Marson. Waring nabasa nito na nag-aalinlangan siya kaya dagli itong nagsalita. "Just a fair fighting chance, Che. Nagawa mong bigyan ng chance si Macky na ipakitang nagbago na siya, baka pwedeng ako man ay bigyan mo ng gano'n ding pagkakataon."

************************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

My Savory Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now