CHAPTER 1

1K 30 3
                                    

DEANNA POV

*Riiingggg*            *Riingggg*

*Riiiinggg*             *Riinggggg*

"Hayyyy!! Goodmorning self" Masiglang bati ni deanna sa sarili habang nag iinat ng katawan pagkarinig nya sakanyang alarm. Bumangon narin sya agad at nag ayos para pumasok sa school.

"Magandang umaga boss!" Sigaw sakin ni Bea mula sa kabilang bahay pagkalabas ko sa gate.

"Morning! Nandyan si tito?" Sagot ko kay bea habang naglalakad palapit sakanya.

"Wala eh nasa kabilang bahay ata, bakit? Kumain kana ba? Tara sa loob"

"Huh?! Alas syete na ah malelate na tayo sa school!"

"Baliw! May event sa school kaya pwede tayo pumasok kahit anong oras ngayon"

"Ay weh?! Bat di ko alam?"

"Ayan sa sobrang excited ka umuwi kahapon di mo na naabutan si ms.zamora na nag announce" Naiiling na sabi ni bei sakin habang papasok kami sa bahay nila.

"Ahh marami akong ginawa eh, Magandang umaga tita!" Bati ko kay tita det na mama ni bei pagpasok ko sa kusina.

"Oh ija ikaw pala, magandang umaga rin sakto dating mo! Dito kana samin kumain" Sabi sakin ni tita na kakatapos lang magluto

"Yown!! Sakto pala dating ko libreng breakfast hehe" magiliw na sabi ko kay tita sabay upo namin ni bea sa hapag kainan

"Uhmm tita asan po pala si tito?" Tanong ko kay tita habang naghahain sya sa mesa

"Nasa kabilang bahay, pinuntahan ata si tito jesse nyo" sagot naman ni tita.
"Osya mauna na kayo kumain para makapasok na kayo sa school"

Tumango nalang kami ni bea at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos naming kumain ay sakto namang dating ni tito elmer

"Goodmorning tito" Magiliw na bati ko sakanya sabay mano.

"Goodmorning din ija, kaawaan ka ng Diyos" Bati naman nya pabalik

"San ka galing pa?" Tanong ni bea sakanya.

"Dyan lang kay pareng jesse nagkakwentuhan lang,uuwi na daw pala sa sabado yung isa nyang anak yung taga maynila"  Nagkatinginan naman kami agad ni bei sa sinabi ni tito elmer.

"Sino pa? Yung si jessica?" Tanong no bea sakanya

"Oo yung sikat na volleyball player sa manila" sagot naman ni tito

"Ahh okaay po" sagot naman ni bei tapos tumingin ng nakakaloko sakin. Tinignan ko naman sya ng masama.

"Ahh tito nga pala baka ngayong linggo mag harvest tayo sa farm tapos linisan narin po natin" sabi ko kay tito jesse

"Sige anak kailangan ba natin ng mga tao? Para masabihan ko na mamaya"

"Ah wag na tito! Kaya naman na po natin yun eh, mga itlog palang naman po yung makukuha natin tapos linisan lang natin yung farm, dun nalang sila sa palayan tutal baka next week eh pwede na anihin yon" paliwanag ko dito

"Ah ganun ba anak osige sabihan ko nalang si pareng jesse mamaya"

"Okay tito kayo po bahala"

"Ahh pa! Alis na po kami" Sabat naman ni bea sa usapan namin

Tumango naman agad si tito elmer "osya sige mag iingat kayo"

"Okay tito bye po! Bye titaa!! Thankyou sa masarap na pagkain"  Paalam ko sakanila

"Ingat kayo" sagot naman nila.

"Uyy deanns ano pala balak mo? Uuwi na si jessica" Sabi sakin ni bea habang nasa tricycle kami papuntang school.

Kunot noo naman akong tumingin sakanya "Huh? Anong balak? Bat dapat ba may kailangan akong gawin pag uwi nya?"

"Eh diba crush mo yun nung bata pa tayo, di mo ba sya namiss?!" sagot naman nya

"Pinagsasabi mo dyan?! Baka nga di na tayo kilala nun eh"

"Malay mo naman diba makilala pa tayo, lalo na ikaw! Asar na asar yun sayo dati diba" natatawang sabi ni bea

"Pano kase ang suplada" natatawang sagot ko

"Sus ang sabihin mo crush na crush mo lang sya kaya inaasar mo para mapansin ka nya!"

"Ang issue mo bea! Tsaka ano kaba?! Ang bata pa natin nun no!"

"Nako for sure marami kang kaagaw dun pagdating"

"Huh?!"

"Eh kasi diba ang ganda na nya, edi marami ng magpapa pansin don pagdating dito"

"Ah okay"

"Uyy selos syaa HAHAHA" pang aasar nya sakin

"Sana ayos kalang ano bei?! Selos amputa"

"Asus kunwari pa excited karin namang makita sya" pang aasar nya pa sabay sundot sa tagiliran ko

"Ewan ko sayo! Ang dami mong alam, balakajan." Sagot ko sakanya sabay baba sa tricycle at nauna nang maglakad.

"Oyy tekalang hintayin moko deans! Ito naman pikon, ayaw nalang aminin eh totoo naman HAHAHAHA" Sigaw sakin ni bea habang hinahabol ako. Di ko nalang sya pinansin at binilisan pa lalo sa paglalakad.



































A/N : Wazzzaaapp pokers!!! First time ko magsulat ng story kaya sorry na agad hihi. Sana magustuhan nyo....ko......charot

So dahil wala akong jowa na mapag lalaanan ng oras ko,bukod sa manood ng videos ng Gawong at mag "sana all" naisip ko magsulat nalang bago mabaliw sa pagka buryo. So sana samahan nyoko hanggang mairaos ko 'tong story nato. Thankyou!!

Simpleng TaoWhere stories live. Discover now