CHAPTER 8 ~ Mug ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"Walang butones to Boss, Sir, Among tunay. Ganto na talaga to."

Parang gusto niya akong balutin ng kumot sa pagkakatingin niya sakin. Natatawang kinuha ko na lang yung kape at uminom. Ganon din ang ginawa niya ng binaba ko yung tasa.

"Masyado ka ng nerbyosin Boss, Sir, Among tunay..baka dapat hindi ka na nagkakape."

"Then you wont have a coffee too."

nag peace sign ako. Siya nga pala yung tagatimpla ng kape tapos taga-inom ako. Aba minsan lang mauto yang boss ko na yan kaya dapat lang na lubusin.

Nang matapos na kaming kumain salit-salitan na uminom kami don sa kape hanggang sa maubos. Kinuha ko na yung susi ng kotse ko at napatingin ako kay Craige ng pinigilan niya ako.

"What?"-me

"Sumabay ka na sakin."

Parang nagtambol ang mga katutubo sa kasuluksulukan ng utak ko sa narinig ko. Pero dahil dalagang Pilipina ako syempre  kailangan ko munang magpakipot.

Pinagsalikop ko yung kamay ko at nag beautiful eyes ako sa kaniya. Nag sway-sway pa ako na parang kinikilig na hindi mo maintindihan.

"Nakakahiya naman Boss, Sir, Among-"

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko hinila niya na ako paalis. Sinarado niya yung pinto pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa elevator.

Pagkaraan ng ilang sandali nakarating na kami sa basement at tumuloy na kami sa sasakyan ni Craige. Ngumiti ako sa kaniya at tumayo ako sa tapat nung passenger seat.

Nag beautiful eyes ako ulit ng tinitigan niya lang ako. Lumuwang yung ngiti ko ng lumapit siya sakin at parang ipagbubukas ako ng pinto.

Kumunot yung noo ko ng masyado na siyang malapit sakin hanggang napasandal na ako sa sasakyan. Napalunok ako habang nakatingin ako sa mga mata niya.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon