CHAPTER 8 ~ Mug ~

Magsimula sa umpisa
                                    

napangiti ako ng makita kong sinusupil niya yung ngiti niya.

Tumayo siya at gumawa ng panibagong kape habang umupo naman ako at nagsimula na akong kumain ng tinapay. Nang umupo si Craige nilagay niya sa gitna ng lamesa yung mug.

Bagong mug yon..binili ko kagabi. Malaki yon kaya parang pandalawahang tao na. At least hindi kami mabibitin sa kape dahil nga share kami.

Hindi ko din alam kung bakit..basta trip kong inumin yung kape niya.

"First we need to earn Parker's trust...then isusunod na natin yung mga kaibigan niya. Hindi natin kailangang magtrabaho kaagad dahil baka makahalata pa sila o yung taong maaring maging banta sa anak ni Parker."-craige

"If that someone get suspicious there's a possibility that he'll work faster and unexpectedly."

Tumango si Craige. 

Ang kailangan naming malaman ay kung sino yung maaring gumawa nito. Yung mga possible na tao na maaring may galit sa kanilang magkakaibigan.

Mahihirapan kami dahil siguradong marami silang nakakaaway. IBa na ang bussiness world..bihira ang taong walang nakakabangga.

"And also we need to know..."

Napatingin ako kay Craige. Naputol kasi yung sasabihin niya. Tinignan ko yung tinitignan niya kaya tumingin ako sa damit ko. Mali ba ako o nakatingin siya sa dibdib ko?

nag-angat ako ng tingin at naabutan ko siyang nakatingin sa plato niya na parang may nagmamagic sa plato niya na kung ano at naging interesante siya don.

"We need to know?"-me

"W-We need to know kung bakit yung mga bata ang pinapatay niya..or nila. It will be hard but its not...impossible-..thea will you please close all your shirt buttons?"

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon