“Sinong nandyan?” I asked. Lumapit ako sa pinto at pilit na binubuksan ‘to pero ayaw talaga. “Hello? Sinong andyan?” tanong ko ulit.

Biglang may lumiwanag mula sa likuran ko. Nilingon ko ito at may nakita akong isang malaking flat screen na TV. What’s this?

“Hi, Mikaela!” nagulat ako ng sumulpot ang mukha ni Cielo sa screen. “Gusto ko lang sabihin sa’yo na mahal na mahal ka ni Kerko!”

Anong kinalaman ni Mikael dito?

“Hi, Mika!” Maha greeted me. “Kerko loves you so so so much. I hope maging masaya na kayong dalawa.”

Nakatingin lang ako sa screen. Anong pakulo ba ni Mikael ‘to?

“Hi, Michie!” Ate Cristine smiled. “Remember what I told you? Huwag kang susuko. Mahal na mahal ka ni Kerko. Magpakasal na kayo!”

Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Hi, Mika.” Ate Stephanie’s faced popped up. “I know, how much Kerko loves you. Mahal ka niya, Mikaela. And we’re so happy that finally… kayo na ulit. Make him happy, Mika. Mahal na mahal ka niya.”

What are they talking about? Para saan ba ‘to?

Maya-maya, puro pictures ko na ang nakikita ko. Puro stolen!

May kumakain ako. Nakatingin ako sa malayo. Nakangiti. Tumatawa. May kausap na bata. Kalaro si Baby Cloud. Nakasimangot. Natutulog. Nakatalikod. Nakaupo. Nakataas ang kilay. Naka-pout.

“You’re not my dream girl, Mikaela…” narinig ko ang boses ni Mikael. Lumingon ako sa paligid pero wala akong makita. “You’re annoying. Brat. Clumsy. Noob… but despite your perfections, mas lalo kitang minahal. Hindi ko kailangan ng magtitimpla ng kape ko. Hindi ko kailangan ng babaeng marunong magluto. Magdrive o kahit ano pa man. Ikaw kasi ‘yung kailangan ko, Mikaela.”

“Mikael…”

“I love you, Mikaela.”

Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw at nakita ko silang nasa loob din. What the fuck?

May mga nakasabit na pictures ko sa loob. Iba’t ibang moments.

May nagkalat din na petals sa paligid. Inilibot ko ang tingin ko pero wala akong makitang Kerko Mikael Anderson. I saw Cielo, Maha, Ate Steph, Cristine… pero asan si Mikael?

~A hundred and five is the number that comes to my head

When I think of all the years, I wanna be with you

Wake up every morning with you in my bed, that’s precisely what I plan to do~

 

Napalingon ako sa pinto ng may marinig akong kumakanta. It was Mikael singing while playing his guitar. Hindi ko maiwasang mapangiti ng magkatinginan kami.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now