CHAPTER 11: Practice Will Never Betray You

624 29 12
                                    

Chapter 11: Practice Will Never Betray You

Ilang araw nalang bago ang contest. Pinagsasabay namin ni Ajero ang pag-aaral at pag-papractice. Napagdesisyunan naming 'Dati' na ang kakantahin namin. Nag-aaral kami sa umaga, nag pa-practice kami sa gabi dito sa bahay.

"Bukas ulit ah. Mapeperfect na natin, konti nalang."

Tumango nalang ako bilang pagsagot sa kanya. Kakatapos lang namin mag practice, uuwi na siya.

"Babye, thank you ulit sa hapunan. Good night." Sabi niya bago lumabas sa gate.

"Good night." Tipid kong sagot.

Naglakad na siya papunta sa bahay nila. Sinara ko na ang gate at pumasok na sa bahay.

"Bakit nga ba napasali ka sa contest na 'yan? Akala ko ba ayaw mong naeexpose sa harap ng maraming tao?" Tanong ni Sky.

"People change." Sabi ko nalang.

Sinimulan ko nang ligpitin ang mga pinagkainan namin.

"O baka Stell changed you."

Napahinto ako sa ginagawa ko. Simula nung dumating siya, nagagawa ko na yung mga hindi ko na ginagawa dati. Gaya nitong pagsali sa contest na 'to. Oo, sumasali ako sa mga contest, dati. Nung hindi pa nasisira ang pangalan ko sa lahat ng estudyante sa school. Pero ngayon, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob. Dahil sa kanya.

"Tss, ewan ko sayo. Tulungan mo nalang ako dito."

Tinuloy ko nalang ulit ang pagliligpit. Tumigil na din sa pagsasalita si Sky at tinulungan nalang ako.

.

Hindi kami mag papractice ngayon. Sabado na at sa Lunes na ang contest. Kailangan naming bumili ng damit.

Naglalakad kami ni Ajero sa mall para maghanap ng shop na mabibilhan ng damit. Di ko nga din alam kung bakit kailangan pa naming bumili, si Mommy kasi pinipilit akong bumili para presentable daw tignan.

"Try natin dun sa binilan natin ng damit namin nung GMB. Baka meron sila." Suggestion ni Ajero.

Sumang ayon nalang ako. Naglakad na kami papunta sa shop na tinutukoy niya. Nang makapasok na kami ay nagtanong agad kami ng pwede naming isuot. Simpleng dress at long sleeve polo lang naman ang hinahanap namin. Maraming choices na pinakita sa amin ang sales lady pero plain na white dress at long sleeve polo nalang ang pinili namin.

"Sigurado ka na dito? Baka may iba ka pang magustuhan." Tanong niya sakin.

"Sure na ko, yan nalang."

Nag bayad na kami sa counter at lumabas na sa shop. Wala na kaming bibilin kaya baka umuwi na kami para makapag practice pa ulit. Sumakay nalang ulit kami sa jeep. Medyo nasasanay na ko kahit mainit at minsan siksikan.

Nang makarating kami sa bahay ay nag practice na agad kami. Kailangan naming pagbutihin. Hindi sa pagmamayabang, pero simula nung hindi na ko sumali sa Music Festival, laging talo yung section namin. Kahit third place wala.

.

"Good morning students and teachers! Let us officially start the Music Festival 2020!"

Rinig mula dito sa back stage ang palakpakan sa gym. My hands are so cold. I can't deny na kinakabahan ako, it's been a while.

"Eto na yon Stella. Ready ka na ba? Okay ka lang ba?"

"Not really."

Sa itsura ni Ajero, parang hindi man lang siya kinakabahan. Parang sanay na sanay na siya sa mga ganitong bagay.

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon