Entry 1

7.4K 218 10
                                    

Nahirapan ako hanapin yung Orcen Library na 'yun ah. Yung traffic enforcer mismo hindi alam na may existing palang library sa lokasyon na 'yun. Kung hindi ko pa siguro binanggit yung block number, baka natagalan ako sa paghahanap o baka hindi ko na nahanap. (¬_¬)

Orcen Library – October 1699

Bawal mag-picture sa loob pero bago pa ako sitahin nung babaeng tagabantay, si Mrs. Ne-ma, nakakuha ako ng ilang pictures gamit yung instax ko. Ang naging susi ko para makapasok ako sa mismong library ay ang keychain na binigay sa akin ni Lolo Lorcan.

Lahat ng libro kong nabasa doon ay tungkol sa isang fantasy world called the "Otherworld". All authors were unknown. Parang isang malaking collaboration ang ginawa ng mga authors. It was like they talked about the concept tapos gumawa ng kanya-kanyang libro tungkol doon, and yet lahat connected.

Nag-enjoy naman ako sa mga nabasa ko lalo na mahilig ako sa mga kwento na ganun ang concept. (╯▽╰)

P.S. Nakakainis lang at muntikan nang manakaw yung laptop at instax ko. Buti na lang at naibalik ni Sylfer.  ❤Still, bumili na ako ng journal para kahit hindi ko bitbit ang laptop ko, may mapagsusulatan ako ng mga details na makukuha ko sa mga libro sa Orcen Library.

M's Journal [AWT]Where stories live. Discover now