𝑃𝑟𝑜𝑙𝑜𝑔𝑢𝑒

1.9K 38 5
                                    

"Nagandahan mo ba?"

Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Umikot muli ako sa paligid bago tuluyang bumalik sa sala. Ang ganda talaga nitong condo niya at sobrang laki. Dinaig pa nga 'yung bahay namin. Kung ako sa kanya, mas mainam kung bumili na lang siya ng lupa at nagpagawa ng bahay.

"Ikaw lang mag-isa dito?" Tumingin ako sa kanya at naabutan ko siyang nakangiti sa akin. Nailang ako dahil do'n, kaya naman napatahimik ako at naupo na lang sa kabilang dulo ng sofa.

"Hindi na ngayon," sagot niya.

Napangiti ako nang bahagya dahil sa narinig ko. Muli ko siyang sinulyapan at ngayon ko lang napansin na nagpalit na pala siya ng damit. Naka-white shirt at sweatpants na lang siya ngayon pero ang lakas pa rin ng dating niya. Talagang nahihiwagaan na ko sa kanya.

Akala ko kahapon ay nanaginip lang ako, pero hindi pala! Totoo pa lang kasal na ko at ngayon ay titira na sa bahay niya. Halos dalawang linggo pa lang ang nakalipas mula nang magkakilala kami.

Lagi akong hindi sumasama sa mga ganoong gala pero that day, napilit ako ni Lisa, bestfriend ko. Pupunta raw siya sa isang matching fair event at gusto niya ng kasama. Wala akong idea na makikilala ko na pala 'yung future husband ko do'n.

Si Lisa lang naman ang mahilig sa mga gano'ng bagay. Sabi niya, huwag daw akong maghintay na pumuti ang uwak bago maghanap ng boyfriend. Dahil sa panahon daw ngayon, dapat babae na rin ang lumalapit sa lalaki. Kung hindi, tatanda raw akong dalaga.

Hindi ko talaga plano ang sumali do'n at literal na hindi ako sumali. Sinamahan ko lang siya at nagmasid-masid. Para kasi sa akin, hindi naman ako nagmamadali at gusto ko munang ituon ang atensyon ko sa promotion. Saka nararamdaman ko namang darating din siya at hindi ko kailangang magmadali.

Nakatayo lang ako sa isang gilid at nanunood nang may lumapit sa'king gwapong lalaki. Napaawang pa ko ng labi ko habang tumitingin sa likuran ko at tagliran. Gusto kong siguraduhin kung sa akin ba talaga siya nakatingin. 

Isang minuto kaming nagtitigan habang nakaturo ako sa sarili ko. Nakasuot siya ng v-neck shirt na natatakluban ng itim na jacket. Sobrang gwapo niya talaga at matangkad din, kaya napangiti ako. Naiilang na ko dahil sa matagal niyang pagtitig sa akin. Mukha siyang hindi expressive na tao at possesive. Oo, totoo 'yon. Magaling akong bumasa ng mga ganyang bagay. Isang tingin ko lang at malalaman ko na ang ugali niya.

Lumakad siya palapit na lalo kong ikinakaba. "Sorry pero hindi ako kasali." Umiwas agad ako sa kanya at umatras. Pokerface lang siya at mukhang hindi naintindihan 'yung sinabi ko. Sobra na kong nailang kaya umiba na ko ng tingin.

"Blake," bigla niya namang pakilala sa akin habang inaabot ang kanyang kamay. Napakamot tuloy ako ng ulo habang tinitignan 'yon.

Ngumiti na lang din ako at inabot na rin ang kamay ko.

"Danica," sagot ko.

Ngumiti siya. "Nice to meet you, Danica."

Napatingin agad ako sa mukha niya nang marinig ko 'yung malalim niyang boses. Ang gwapo niya para sumali sa isang matching fair. Sa ganyang itsura, sigurado naman akong madami siyang makukuhang babae sa isang ngiti niya lang.

Singkit na mga mata, matangos na ilong at maninipis na mga labi. Para na siyang artistahin sa dating niya.

"Excuse me? Pia nga pala," sabat sa amin ng isang mistisang babae. 'Yung totoo? Bakit puro may itsura ang kasali dito? I mean hindi naman sa nangungutya ako, hano. Pero hindi sila nababagay dito. Para sa mga katulad ko lang 'to, 'yung mga napag-iwanan na ng panahon.

Halos magpalipat-lipat ako ng tingin sa kanya at do'n sa kamay no'ng babae. Tahimik lang siya at hindi pa rin pinapansin 'yung kamay na nakalahad sa harapan niya. Nainis naman 'to at padabog na umalis sa pwesto namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unknown GroomWhere stories live. Discover now