Isang gabing bilog at pula ang buwan, walang kaulap-ulap sa kalangitan kaya kitang kita ang mga bituin, walang selebrasyon sa mga kapitbahay, kaya tahimik at ang tanging maririnig mo lang ay ang mga kuliglig sa paligid.
Si Black ng mga oras na un ay nakadungaw sa biranda, umiinom ng mainit na kape, at nakikinig sa kanyang meditation music na nadownload nya sa internet, para gaya ng dati ay hangaan ang mga bituin. Ito rin ang paborito nyang oras para magtanong ng mga bagay bagay na hindi kayang sagutin ng ibang tao, at kung may kasagutan man, ay pakiramdam nya ay kulang, mali, o di reliable. Ang halimbawa ng kanyang mga tanong ay "Bakit ba talaga tayo nabubuhay?", "Nabuhay na ba ako dati?", "Bakit natatandaan ko ang araw na pinanganak ako?", "Mayroon ba akong kaparehong nilalang na may mga kaparehas na tanong?", "Kailan ba ako makakalaya sa economic slavery na dinisenyo ng matataas na tao? Tao nga kaya sila?", "Gaano kaya kalayo ang agwat ng talino natin sa mga ibang nilalang sa kalawakan?", "Mapapantayan ba natin ang talino nila at kung paano?", "Magkakaroon ba ng kasagutan ang aking mga katanungan?", "Magugustuhan ko ba ang mga sagot?", at "May maniniwala ba na tao kung ipapaalam ko sa kanila ito?".
"Ahhh! Bwiset na sitwasyon to!", ang sigaw ni Black sa isip, ubos na ang kape, tapos na ang music, at madaling araw na pero wala pa rin kahit isang kasagutan sa kanyang mga tanong. Depress, masakit ang dibdib na parang hindi makahinga, o mas tamang parang ayaw nya ng huminga pa, masakit ang ulo na parang may sariling pulso ang kanyang sintido na tumutibok at kumikirot, dahil kailangan nya na namang pumasok sa trabaho kinaumagahan. Pakiramdam nya ay wala syang magawa, at malapit na syang sumuko, kaya napahiga na lang sya sa lapag, huminga ng sobrang lalim, pumikit, at nagpahabol tanong sa kanyang isipan "Hanggang kailan ba ako maghihintay?" habang kumawala naman sa kanyang mga mata ang isang patak ng luha. Isang tanong na puno ng kalungkutan, pagtatampo at sakit.
YOU ARE READING
He's Black
Mystery / ThrillerIstorya na sumasalamin sa buhay na isang taong napuno ng galit ang dati ay malinis na puso. (KATHANG ISIP LAMANG)
