BOY? BestFriend ✔️

Start from the beginning
                                    

"Oo na! Sasabihin ko na!" Nasabi ko pa kaya napa-ngisi s'ya at binitawan na ako.

"Madali ka lang naman palang kausap eh. Ano ba 'yung mga sinasabi mo kanina?"

"Ano kasi eh- Pano ba 'to?"

"Ano? Sabihin mo nalang. Ang tagal!"

"Tsk, 'wag ka ngang puro reklamo. Akala mo naman madali lang 'to"

"Go"

"May... May gusto kasi ako"

"Kanino? Pag 'yan hindi matino, Jakhil ah. Sino ba 'yan? Pangalanan mo 'yan nang makilatis ko at malaman ko kung lolokohin ka lang o mamahalin!" Gigil n'ya pang sabi kaya napa-titig ako sakanya, ayan nanaman s'ya sa pagiging over protective n'ya.

"Hindi naman ako lolokohin nun... Hindi nga ako kayang magustuhan pabalik eh"

"Aba! Gago pala s'ya. Ikaw na 'yan tapos hindi ka kayang magustuhan!?"

"Lower your voice" Saway ko sakanya kasi napapatingin na samin ang mga kaklase namin.

"Tse! Ano ba 'yun? Sino 'yan ah? Manloloko ata 'yan! Mabubugbog ko 'yan!"

"Hindi nga s'ya manloloko! Manloloko ka ba!?"

"Hindi! Kilala mo ako, Beh!"

"Kaya mo bang bugbugin ang sarili mo!?"

"Ano?! Depende! Bakit ba? Bakit ganyan ka maka-tingin at magtanong?"

"Ikaw kasi 'yung ano"

"Ha? Ang ano? Alin, Jakhil!?"

"Ikaw 'yung... Nagugustuhan ko..."

"H-Ha? Seryoso ka r'yan?" Gulat n'yang tanong kaya napa-tango ako sabay yuko.

Iniexpect ko naman na 'yung ganitong reaction n'ya eh.

"Jakhil... Beh... Bet rin kita, okay? Labidabs kita-"

"Alam ko naman 'yun, Vice. Gusto mo ako... as a friend. Mahal mo ako na parang kapatid. Tanggap ko 'yun. Hindi naman ako nanghahangad ng kung ano pa. Okay na ako ro'n" Pilit ngiti kong sabi tsaka humarap sakanya, napa-irap naman s'ya at hinalikan ako sa labi.

Put- a! Magnanakaw ng halik ang bakla!

"Ba't ka nanghahalik!? Gaga ka! First kiss ko 'yun!" Madiin kong sabi habang masama ang tingin sakanya pero natawa lang s'ya at marahang pinisil ang pisngi ko.

"Jakhil... Bebe, Hindi lang kita bet at labidabs- este- tsk" Nasabi n'ya pa kaya mahina akong natawa, napa-ngiti naman s'ya.

"Bebe Jakhil ko, Hindi lang kita gusto at mahal as a friend... Totoong gusto kita. Hindi ko na ieexplain kung kailan nagsimula or kung bakit- kasi hindi ko rin alam. Basta naramdaman ko lang na parang mas malalim pa sa friendship ang turing ko sayo. I want to protect you and love you forever..."

"You're so... sweet. 'wag kang ganyan..." Naiilang kong sabi tsaka umiwas ng tingin, parang matutunaw na ako sa titig n'ya eh.

"Pwede ba kitang ligawan, Jackque Gyl? I want to prove you na... hindi lang ako puro salita at pambobola. Hindi lang din ako basta bakla para idaan sa biro ang nararamdaman ko para sayo... Can you let me prove to you that I am serious?"

"Syempre naman... pero 'wag kang paasang ganyan, Viceral! Nakakainis ah. Naniniwala ako!"

"Edi maniwala ka. Trukalingkangkerch naman ang mga sinisay na words ni watashi! Nakakalurkey ah. Did you just thought that I will play with your feelings?"

"No... But... Hindi ako makapaniwala... Sabi mo kasi crush mo 'yung basketball player na nagpapacute sakin nung nakaraan"

"'di ko crush 'yun! Sinabi ko lang sayo na crush ko 'yun para iwasan mo s'ya at hindi pansinin"

"As if lalandiin ko 'yun, eh hindi nga ako marunong"

"Tuturuan kita!" Masayang sabi n'ya kaya natatawang inirapan ko s'ya.

"Pakiss nga ulit. Ang soft at ang tamis ng labi mo..." Pahina nang pahina n'yang sabi kaya umiling ako.

"Ninakawan mo na nga akong halik tapos uulit ka pa? No no~"

"Isa lang, please? Pa-isa, Beh!"

"No!!" Madiin kong sagot kaya may narinig kaming kalabog ng table.

"Ms. Gonzaga and Mr. Viceral! Kanina pa kayo harutan nang harutan d'yan. Get out if you don't want to listen on my disscussion!" Galit na sigaw ni Ma'am kaya nanlaki ang mata ko at napa-hiwalay sakin si Vice.

"Sorry po, Ma'am. Makikinig na po kami"

"Sorry po"

Sabay na nasabi nalang namin kaya inirapan kami ni Ma'am at nag-simula na sa lesson. Rinig ko namang mahinang natawa ang katabi ko kaya palihim ko s'yang kinurot sa tagiliran.

"Shh!" Saway ko sakanya kaya inirapan n'ya ako at tinanguan.

Grabe naman kasi ang kaharutan ni Vice. Malala rin eh. Hindi na namin namalayan na may teacher na pala... pero masarap sa feeling na gusto n'ya rin ako. Soon kapag tama na ang oras, sasagutin ko rin s'ya.




THE END

Malapit na ulit ang exam. Goodluck, Loves!!♥️

New cover pala HAHAHAHAH wala lang, bakit?

ViceJack Short StoriesWhere stories live. Discover now