Banff ✔️

325 16 0
                                    

Nasa Canada ngayon ang Viceral Family, Team Vice, Ilang mga kaibigan, at mga kasama pa sa line-up ng concert ni Vice. Kakatapos lang ng successful concert kaya naman napagdesisyunan nilang maglibot-libot muna bago umuwi ng Pilipinas.

"Guys, Banff tayo?! Maganda ro'n. Mag-eenjoy tayong lahat!" Ngiting pag-aalok ni Vice sa lahat kaya pumayag naman ang mga ito.

"Anak- Tutoy" Biglang sulpot ni Nanay Rosario aa katabi ng anak n'ya.

"Yes po, Nanay?"

"Asa'n si Jackque?"

"'di ko po alam. Wait nga lang. Jackque! Where's Jackque, Everyone?" Pagtatanong pa nito sa mga kasama ngunit kumibit-balikat lang ang mga ito at sumagot na hindi nila alam.


Napa-nguso nalang si Vice sabay tingin sa ina. Pabirong pinalo nalang s'ya ni Nanay kaya natawa s'ya. Sakto namang kadarating lang ni Jackque kasama si Buern.


Agad itong lumapit sa mag-ina, lalo na kay Nanay. Niyakap n'ya ito at hinawakan sa kamay.


"Hi po, Nanay! Hi Vice!" Masayang bati pa nito sa dalawa.

"Hello Anak!"

"Sa'n ka galing? Hinahanap ka namin ni Nanay"

"D'yan lang kami galing ni Kuya Buern. Naglibot ng very light. Bakit n'yo po ba ako hinahanap?"

"Wala ka kasi, Anak. Aalis na tayo kaya hinanap na kita" Sagot ni Nanay kaya napa-tango si Jackque.

"Gano'n po ba? Sorry po. Inienjoy ko na ang lugar eh. Ganda po rito!"

"Dalaw ulit tayo rito sa sunod, Anak?"

"Opo, Nanay" Ngiting sagot ni Jackque kaya napa-ngiti si Nanay.

"Sweet n'yo naman... Nanay, Ako po ang anak mo ah? Jackque, Ako ang Boyfriend mo"

"Wala naman nagsasabing hindi" Sabay na sagot ng dalawa kaya kapwa sila natawa, napa-irap nalang si Vice.

"Guys! Aalis na tayo. Tara na!" Pagtawag ni Vice sa iba pa nilang kasama tsaka umakbay sa dalawang babaeng pinakamamahal n'ya. Sa kanan ni Nanay at sa kaliwa naman si Jackque.

Nang makarating na sa Banff ay kanya-kanya na ulit sila. Si Vice ay sumama sa Team n'ya at si Jackque naman kasama si Ate Tina at Nanay. Todo alalay pa ang dalawa kay Nanay dahil puro paakyat at pababa ang dadaanan.

"Kumusta naman kayo ni Tutoy, Jackque?" Ngiting pagtatanong ni Ate Tina rito, nguniti naman si Jackque tsaka sumagot.

"Maayos na maayos po, Ate"

"Jackque's in good hands, Anak. Pinalaki ko naman kayong lahat na mababait at mapagmahal" Pagsingit ni Nanay kaya napa-tango ang dalawa.

"I just want to make sure, Nanay. Medyo siraulo rin kasi 'yang bunso mo... Tigas ng ulo, Nanay"

"Minsan nalang naman po, Ate. Mabait na po s'ya at napagsasabihan"

"Matigas lang naman ang ulo ni Tutoy pero maalaga at mahal na mahal ka, Jackque 'no?"

"Opo, Nanay"

"Pasensya ka na kung minsan napakakulit ni Tutoy ah? Gano'n talaga s'ya... Lalo na kapag hindi n'ya nakukuha ang gusto n'ya"

"Kahit nga hindi lang mahalikan o mayakap ni Jackque biglang nagtatampo" Natatawang sabi ni Ate Tina kaya natawa rin sila.

"Gano'n naman sa'ting lahat si Tutoy, Anak"

"Pansin ko rin po 'yan" Nasabi pa ni Jackque kaya napa-tango ang mag-ina.

Bigla namang sumulpot si Vice at umakbay kay Jackque. Nginitian n'ya pa muna ang Ina at kapatid n'ya tsaka humalik sa gilid ng ulo ni Jackque.

ViceJack Short StoriesWhere stories live. Discover now