My Ugly Suitor

6 4 0
                                        

Kasabay kong naglalakad ang aking manliligaw. Naglalakad lang kasi ako pauwi tutal naman malapit lang ang bahay namin. We're not poor though. We're actually rich. Wala lang. Hindi na ko nagpapahatid sa driver namin. I just want it this simple.

So ayun nga, kasabay ko yung manliligaw ko. Mauunang madaanan yung bahay namin and theirs a bit far. He's actually rich too. Hatid sundo nya ko. Araw araw, walang palya.

To be honest? I don't like him. Hindi ko sya type. He may be rich but urgh! He's ugly. Maitim din sya at bobo pa. Eww lang. Madaming nagsasabi na patigilin ko na sya sa panliligaw nya cause we're complete opposite of each other. Which is true. I'm beautiful, sexy, intelligent at mestiza. I'm a bitch and he's a, well, a goody boy. Eww.

Pinatigil ko na din sya sa panliligaw but he really insisted. Hindi ko na din sya pinilit cause that's not on my nature. Hahayaan ko nalang sya hanggang mapagod sya.

Later that night, I received a text message from him. At first I ignored it. Syempre naman. Ano bang matino ang sasabihin niyan? I finished all my assignments and finished eating dinner first. Nang matapos na ay tsaka lang ako umakyat sa kwarto at tsaka nagcheck ng phone.

Inuna ko muna yung ibang messages at notifications ko bago ko buksan ang message niya. And it says, "Camz.. titigil na ko sa panliligaw ko sayo.. im sorry kung wala akong paninindigan.. pero mukhang wala na kong pagasa sayo eh.. sorry camz.. iloveyou.."

Nag send lang ako ng "K." sa kanya. Napangiwi naman ako ng makita ko ang typings nya. Eww. Sorry pa ng sorry. As if naman may pake ako? And the 'iloveyou'? Geez. I want to vomit.

I busied myself sa pagscroll sa newsfeed sa facebook. Nagwattpad den ako nung nabored na ko hanggang sa antukin ko.

***

The next day, ako nalang ang naglakad mag isa papasok sa school at pauwi. I don't mind though. It's better this way. Walang panggulo. Tsaka eww noh. Ampanget nya.

Madalas akong nag iisip ng malalim everytime na naglalakad ako. At hindi ko na yun nagagawa before kase lagi syang nakabuntot sakin at dinadaldal pa ko. Kahit wala namang katuturan ang sinasabi nya.

***

Days passed at akala ko okay lang ako. Okay lang saken lahat. But there's something inside me that I can't explain. Ayoko man aminin but I think I'm missing him. Yes! It's very stupid of me. I'm an idiot for missing him but what can I do? Pilit kong winawaksi etong nararamdaman ko hindi talaga mawala.

I kept missing him every single day.

***

One day, I was walking down the streets. Sobrang lalim ng iniisip ko. It's about our company. Nagkaroon kasi ng issue si kuya at nadawit ang buong pamilya namin. And now, heto ako, trying to think of some ways on how to help my parents.

I'm so lost in my thoughts that I didn't noticed the car that's approaching me. I just noticed it when it's just a few meters away from me. Humarap ako sa direksyon ng sasakyan and I'm blinded by it's bright light. I stood still. Hindi ako makagalaw. Dati iniisip ko, antatanga nung mga taong nasasagasaan sa mga palabas kasi may time pa sila umiwas pero wala silang ginagawa kundi tumayo at titigan yung sasakyan na palapit sa kanila.

Pero iba pala pag ikaw na ang maka experience sa totoong buhay. Manlalambot ang tuhod mo at mabablanko ang utak mo. I closed my eyes, waiting for the car to smash me but it didn't. Instead, I felt a hand that pushed me to the other side of the road. Iba ang nabangga ng sasakyan imbis na ako. I'm saved.

Agad pinagkumpulan ng mga tao ang paligid ng sasakyan. Agad akong tumayo para tingnan kung sino ang nagligtas sakin at sumalo ng pagkakasagasa.

Natutop ako sa kinatatayuan ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. He's clothes are full of blood. Naliligo na sya sa sarili nyang dugo. There was a small pool of blood around him. But it's not the scene that makes me unable to move nor utter any word. It's the person. My suitor. Charles.

Natauhan ako kaya agad ko syang dinaluhan. Walang tigil ang pagluha ko. Seeing him in this situation really broke my damn heart. Sinalo nya. Sinalo nya yung dapat para sakin. He risked his life for me.

Ipinatong ko ang ulo nya sa kandungan ko. "Tumawag kayo ng ambulansya! Bakit mga nakatunganga lang kayo jan?! Mga bulag ba kayo?! Ha?!", Sigaw ko sa mga taong nakikichismis lang at walang ginagawa. Nakikita na nilang nag aagaw buhay na yung tao pero tinitigan lang nila. Napakalaking tanga nila! Antatanda na. Parang mga walang pinag aralan. Chismis lang ang inaatupag. Mga tanga!

Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko kaya agad ko siyang nilingon. Marahan kong hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko at ang kanan ko namang kamay ay marahang nakahawak sa pisngi nya at hinaplos yon. Punong puno na din ng dugo ang damit ko.

Ngumiti ito sakin. "H-hindi na k-kailangan.", Sobrang hina ng boses nya. Lalo naman akong naiyak. Humahagulhol na ko.

"Anong hindi na kailangan?! Kailangan yun Charles! Kailangan mong madala sa ospital. Lumaban ka pa ha? Please lumaban ka pa. Wag kang pipikit. Please wag.", Pagmamakaawa ko dito.

Ngumiti na naman sya. "H-hindi na k-ko aabot C-camz."

Iling lang ako ng iling sa kanya. "No. Aabot ka pa. Just please hold on tighter. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Please? Kayanin mo please? I'll do whatever you want. Sinasagot na kita. Magdedate pa tayo sa EK diba? Sabe mo pangarap mong makasama ako dun. Tsaka diba sabe mo lilibutin natin ang buong pilipinas pagkatapos nating grumaduate tapos yung buong mundo naman pag nakatapos tayo ng college. Diba pangarap mo yun? Yung mag travel kasama ako? Sasamahan kita. Pumapayag na ko. Just please don't leave me."

Tanging iling lang ang sinagot nito. Nakangiti pa din sya ng bahagya. "I-i'm sorry Camz. H-hindi na ko a-aabot. S-sorry k-kung yung mga p-pangako ko s-sayo ay lahat n-napako. L-live well for m-me C-camz. B-be h-happy."

"No! How can I be happy kung wala ka? Wag mo namang sabihin yan oh!"

"N-no camz. P-promise me. M-maging masaya ka k-kahit wala a-ko. O-okay na ko n-na m-malaman na m-may f-feelings ka den s-saken. S-sobrang saya ko C-camille. M-mahal na m-mahal k-kita."

"No no no. Please don't say that. Please! No."

Magsasalita pa dapat ito pero pinatigil ko na sya.

"No, please. Save your energy. Nandyan na yung ambulansya."

Agad akong luminga sa paligid at nakita ko ang papalit na ambulansya. Agad naman akong nabuhayan ng loob. I turned to him pero biglang nagunaw ang mundo ko kasabay ng pagbagsak ng kamay nya mula sa pisngi ko at ang pagpikit ng mata nya.

"Nooo!!"

***

Nilagay ko ang mga bulaklak na dala ko sa gilid ng lapida nya. Sinindihan ko din ang dalawang kandila na nakatirik sa magkabilang side nito.

"Hey, Charles. What's up?"

***

I thought I already moved on. It's been more than a year since that incident happen. But it's still fresh in my mind. Parang kahapon lang nangyari. Sariwa pa din ang sakit. Hanggang ngayon ay nangungula pa din ako sa kanya.

I thought, the most painful thing is when you saw your loved one inside the coffin. Or when it's already being buried deep down the ground. But no.

The most painful, is when he closed his eyes and won't ever gonna open it again.

***

My Ugly SuitorWhere stories live. Discover now