I got goosebumps.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakatitig lang ako sa muka niya. How can he be so handsome while singing.

Tapos nang kumanta si Ajero ngunit nanatiling tahimik at nakatingin lang silang lahat sa kanya.

Nabasag ang katahimikan nang may pumalakpak, sinundan ito ng ilan hanggang sa pumalakpak na silang lahat.

"Wala nang tututol! Si Stell na ipanglalaban natin!" Sigaw ng class president.

Nagsigawan at nagpalakpakan ulit silang lahat.

"What if may ka-duet siya? Para mas maganda yung harmonization!"

May ilang sumang ayon sa suggestion ng kaklase ko. Nagsimula nanaman silang magturuan.

"Si Stella!" Sigaw ng isa kong kaklase.

Lahat sila ay tumingin sakin. Pati si Ajero, gulat pa ang ekspresyon niya.

"Stella, gusto mo ba?" Tanong ng class president.

"Ayo--"

Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Ajero.

"Sumali ka na. Please?"

How can I say no. It's you, I can't say no to you.

Tumango nalang ako. Lahat naman sila ay nagpalakpakan.

"Eh bakit hindi siya nag-audition? Madaya naman ata 'yon." Reklamo ng isa kong kaklase.

"Alam naman nating lahat na lagi siyang sumasali sa mga contest dati sa loob at labas ng school. Narinig niyo naman na siguro yung boses niya diba? Magtiwala nalang tayo sa kakayahan ng kaklase natin." Paliwanag ni Ms. President.

Naupo nalang at tumahimik ang kaklase kong nag-complain. Nakita ko pa siyang umirap.

"Stella, tayo ka dito sa harap."

Sinunod ko nalang si Pres. Tumayo ako sa upuan at naglakad papunta sa harap.

"Singer ka pala? Bakit di mo sinabi sakin?" Tanong ni Ajero.

"Di ka namn nagtatanong."

"Mag-usap na kayong dalawa kung anong kagka tahin niyo. Kung kailangan niyo ng suggestions tanungin niyo lang kami. Kung naka-decide na kayo ng kalkantahin niyo, sabihan niyo kami para malaman namin kung anong theme at props ang gagawin namin. Naniniwala ako sa talent niyo."

Tinapik niya kami parehas sa balikat at iniwan na kami sa harap. Nag-usap usap na sila sa mga gagawin nila para sa contest.

"Anong kakantahin natin?" Tanong ni Ajero.

"Dunno."

He crossed his arms and sighed. Nag-isip siya saglit at tumingin sakin.

"Alam mo ba yung Dati?"

"Quest?"

"Hmm." Sabi niya habang tumatango.

Tumango din ako bilang pag sagot.

"I-try natin 'yon. Kabisado mo ba?"

"Naman, ako pa."

Pinatugtog niya yung Kanta, isa 'to sa mga favorite song ko dati.

"Sabayan nalang muna natin."

Sinunod nalang siya.

"Datirati sabay pa nating, pinangarap ang lahat~
Umaawit pa sa hangin amoy araw ang balat~
Naaalala ko pa non, nag-aagawan ng nintendo~
Kay sarap namang mabalikan ng ating kwento~"

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta siya. It's been a while since I sang a song in front of someone or in front of many people. Kinakabahan ako. Nilalamig ang kamay ko. Nginitian niya ako, parang sinasabi niyang kaya ko 'to.

"Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi~
Naglalaro ng tao taong piso pisong nabili~
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa~
Kay sarap namang mabalikan ng ala ala~"

Nakatingin lang siya sakin habang kumakanta ako. Nakangiti siya at mukang proud na proud ang ekspresyon niya.

This time, sabay na kami.

"Ikaw ang kasama buhat noon~
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon~"

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing tinititigan ko siya sa mata. Lalo na ngayon, sabay pa kaming kumakanta. Para kaming may sariling mundo habang kumakanta. Hindi namain pansin ang mga kaklase naming kanina pa nanonood samin.

"Diba't ikaw nga yung reyna, at ako ang iyong hari~"

"Ako yung prinsesang, sagip mo palagi~"

Habang kinakanta ko ang mga linyang 'yon ay naaalala ko lahat ng mga nangyari na magkasama kami. Simula nung unang araw niya dito sa school, nung nakasalubong namin si Samantha sa hallway, nung isinayaw niya ako noong GMB, at yung nangyari doon sa Horror House.

"Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari~"

Kahit anong mangyari, sana walang mabago satin.

"Muntikang pagtingin, na gaya parin ng~
Dararatda dati~"

Why am I feeling this? Why is my heart beating so fast?

Do I like you?

---

Heavenly •SB19 STELL• [COMPLETED] Where stories live. Discover now