Kabanata #2

0 0 0
                                    

Itchiro's POV

Naglalakad ako papunta sa parking lot, medyo madilim na dahil alas 6 narin ng hapon at kakatapos palang  ng praktis namin. Habang naglalakad ako ay naabutan ko si kuya Dion at kausap niya ang ilan sa mga football player, nakilala ko naman ang ilan sa kanila dahil classmates ko sila. I was wondering kung anong nangyari nang makita kong hinihimas nung isa sa mga player ang ulo ni kuya Dion at tinatanong niya kung okay lang si kuya dion, mukang naiilang naman si kuya sa ginagawa nung lalaki kaya lumayo nalang yung lalaki at tsaka nagpaalam nang babalik na sila sa paglalaro, nakabalik na silang lahat maliban kay Gab, Isa sa mga classmates ko, nakatulala lang siya habang nakatingin sa akin, ewan ko kung ako ba talaga ang tinitingnan niya pero sa tingin ko ako talaga. Nabalik naman siya sa sarili niya nang tawagin siya ng isa sa mga kalaro niya, napansin kong parang nahiya siya kaya agad na siyang tumakbo pabalik sa soccer field.

Pagkauwi ko ng condo ko ay naligo na ako at tsaka kumain, medyo matagal ako maligo gawa nang malaki ang aking buhok, opo malaki ang aking buhok pero straight ako, kwento ni mommy, simula pa nung bata ako ay ayoko nang magpagupit umiiyak daw ako kapag pinipilit ako magpagupit kaya hinayaan nalang nilang lumaki ang buhok ko kaya nakasanayan ko nang magpalaki ng buhok. Pagkatapos ko kumain ay inihanda ko na yung mga gagamitin namin para sa opening ng clubs bukas, magyayaya kami ng mga bagong members para sa music club dahil madaming nabawas sa club namin gawa nang madami daw grumaduate last year at iilan palang kaming freshmen na nadagdag, ako ang naatasang mag print ng mga application forms kaya nagsimula na akong magprint, pagkatapos ko magprint ay natulog na ako dahil pagod talaga ako ngayong araw dahil sa praktis at school activities na walang katapusan.

                  KINAUMAGAHAN

Gaya ng inaasahan ko ay madami namang pumunta dito sa booth namin para kumuha ng form, yung iba parang napilitan lang, yung iba naman ay parang willing naman na sumali at yung iba ay may mga dalang instruments para mag audition pero nadismaya sila dahil hindi pa ngayon ang audition, dahil ngayon ay mamimigay muna kami ng forms at sa Biyernes pa ang audition ng mga babalik para patunayan na may kakayahan talaga sa musika. Habang patuloy ang pamimigay namin ng form ay may mga babaeng hinila ako at panay ang tili nila, hindi naman sa feeling ako pero sanay na ako sa ganito kaya nagpahila nalang ako dahil ayoko namang sungitan sila, nagpapicture sila pero ang inaakala kong dalawa lang sila ay hindi bigla silang dumami at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahila ako nung isang babae kaya na out of balance ako at tumama yung kamay ko sa lamesa ng ibang booth, biglang natahimik ang lahat dahil sa nangyari sa akin, tiningnan ko ang tumamang parte ng braso ko at napansin kong may galos ako at namamaga din ang sugat ko..

"Itchiro okay ka lang ba?" Tinulungan akong bumangon ni kuya Dion at yung mga babaeng gustong magpa-picture sa akin ay nagsialisan nalang.. umupo muna ako at dahil wala namang first aid kit na dala ang booth namin ay magpapaalam sana si Dan para kumuha pero biglang lumapit si Gab at iniabot niya ang isang first aid kit box.

"ohh ito nalang gamitin niyo.. hmmm Itchiro okay ka lang?"

"Ahh oo.. salamat"

"Ah wala yun.. pwede ba akong makakuha ng form?"

"Ahh sige kuya ito ohh.. balik nalang kayo sa audition day salamat po"

Pagkatapos maiabot ni Dan yung form ay sinulatan na ito ni Gab at tsaka siya umalis. Nabigla ako sa ipinakitang ugali ni Gab ngayon, dati kasi nung mga bata kami ay sobrang bully siya at isa ako sa mga pinagtitripan niya palagi sa school kaya inis na inis ako sa kaniya nung mga bata pa kami pero ngayon mukang nagbago naman na siya base sa nakita ko ngayon. Gab is my childhood classmate at hanggang ngayon ay magkaklase parin kami, hindi kami masyadong close, nag-uusap naman kami pero kapag kailangan lang.

Dahil sa nangyari sa akin ay nagpasya muna sila na dalhin ako sa clinic para matingnan ako nung nurse namin, pagkadala nila kuya Dion sakin dito ay agad narin silang umalis at sinabihan nila akong magpahinga muna dito at sila nalang muna ang bahala sa booth. Nanatili akong nakaupo dito sa loob ng clinic pagkatapos akong ma-check ng nurse pero dahil nababagot na ako ay nagpasya na akong bumalik sa booth pero habang papunta ako ay bumili muna ako ng maiinom para sa mga kasamahan ko. Ewan ko lang ha pero nagkataon na nakasabayan ko nanaman si Gab, napansin kong bumibili siya ng Band-Aid kaya napaisip ako kung para saan yun.

"Ahh para sayo" ibibigay na sana niya sa akin yung binili niya pero nakita niyang may Band-Aid na yung braso ko kaya binawi nalang niya yung kamay niya, pero bago pa niya mailayo yung kamay niya ay agad kong inabot yung kamay niya para kunin yung inaabot niya, nagulat siya sa ginawa ko pero ayaw ko naman na mabalewala yung effort niya.

"Ahh akin nalang to magagamit ko rin naman to sa susunod ehh . Sige salamat ulit mauuna na ako" ewan ko lang ha pero kalalaki kong tao pero nahihiya ako sa kapareho kong lalaki din.. hoooo ano bang nangyayari sakin makabalik na ngalang sa booth...

I'm Inlove With A Guitarist (A Secret Admirer)Where stories live. Discover now