Joselino Point of View.
Maria Garcia, napakagandang ngalan.
Ngunit sobrang sakit. Napakasakit.
Na malaman mong ikakasal ang aking pinakamamahal na babae sa aking kaibigan.
Ipinaalam sa akin ng aking kapatid na si Artemio, na ikakasal si Maria kay Jalonto.
Napakasakit lang kasi na wala kang alam sa nangyayari, ako'y nagtataka kung bakit hindi ko mismo ito nalaman kay Maria.
At eto ako ngayon, nakatanaw sa mga kumikinang na tala sa langit, dito sa aking hardin.
At iniisip kung bakit hindi siya makipagusap sa akin? bakit hindi niya sa akin sinabi nang harapan? bakit hindi niya ako kinausap patungkol rito? bakit kinailangang sa iba ko pa ito malaman? bakit?
Ang daming bakit sa aking isipan na gusto ko lahat ay masagot.
Galit, poot, at sakit ang aking nararamdaman ngayon.
YOU ARE READING
The Boy General
ActionIt's all about love between consequences and danger, you need to accept your fate and destiny.
