Simula

32 2 2
                                        

"Ano 'to?! Bitiwan niyo nga ako!"


Nagpupumiglas ako habang hawak ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Halos lumuhod na ako kakahila sa mga ito.

Putangina.

Ano 'to aksyon?!

"Sumama ka na lang miss."

Sinubukan ko pang bawiin ang mga braso ko ngunit nasayang lang ang energy ko. Taragis!

I just can't believe tinotoo ni Mond yung sinabi niyang sapilitan niya akong kukunin. Ang gago talaga!

"Magkano ba binayad sa inyo ni Mond ha? Dodoblehin ko na lang."

Napakamot ng batok si Kuyang nasa harap at agad na hinila ako ng dalawa niyang kasama.

"Aray ko naman. Yung heels ko putek. Bago yan. Baka mahampas ko sa inyo to!"

Ang walanghiyang Edmundo na yun. Sabing hindi ako pupunta e. Kung sinabi niya sa akin kung bakit kailangan kong pumunta. Eh baka sana ako na pumunta doon. Putek.

Binuksan nila yung van at saka ako tinulak.

Humanda talaga sakin yung Edmundong yun.  Masama ang loob kong umakyat at umupo sa likod ng driver.

"Papatulugin pa ba natin yan?" napabaling agad ako sa lalaking magmamaneho sa harap.

What?! Mond is crazy! Sasama na nga ako e.

"Mukhang sasama naman siya. Huwag na pre." Sagot ng isang isang humila sakin.

Hindi talaga ako papalag sayang sa energy at baka masira pa yung ayos ako. Napapailing na lang ako at parang mga goons talaga 'tong hinire ni Mond at kung hindi ko pa alam na siya yung may pakana nito ay baka natakot na ako.

"Itext mo na si sir. Sabihin mo nakuha na natin." yung driver ulit.

Nililingon ko yung baril na hawak ng katabi ko at di maiwasang kabahan.

"Can you please keep your gun? It's not like I'll do something stupid." napairap na lang ako at inayos yung sling ng bag ko.

Buti na lang at may crop na jacket ako kundi baka lumuwa na yung dibdib ko kakapumiglas kanina. Nakamaong pants at bralette lang ako at ang balak kung pumunta sa party ng kaibigan ay naudlot dahil sa mga bwesit na 'to.

Sa bintana lang ang tanaw ko at agad na umahon ang kaba nang napagtanto kong hindi ito yung daan papunta kila Mond.

What the hell is going on?

Nakapaawang ang bibig ko nang makita ang mga palayan sa kaliwa at kanan ng daan. Sementado naman pero wala talagang kung anong nadadaaan.

Putangina. Agad akong napaisip kung posible bang dalhin ako ni Edmundo rito. Masyado akong nag-isip ng mga masasamang bagay kay Mond kanina na hindi ko na namalayang hindi na ako pamilyar sa lugar.

"Uhm. Mga Kuya, saan tayo?" kinakabahang tanong ko.

I look at them at tingin lang din yung sagot nila sakin. Teka, hindi naman ako papatayin diba? Parang wala naman akong kaaway?

"Mga Kuya si Edmundo ba ang boss nyo?" please say yes. Please.

"Sino yun?" tanong ng nagddrive at agad na lumaki ang mga mata ko at halos isiksik ko na ang sarili sa upuan.

"Papatayin nyo ba ako? Oh my God!" napatingin ako sa harap nang biglang bumagal ang takbo ng van at papasok sa isang malaking gate.

Dahan-dahan kong kinapa yung cellphone ko sa sling bag ko. Tinitigan lang naman ako nitong katabi ko at agad na pinukol yung titig sa cellphone kong nakalabas na.

Hues Of MemoriesCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang