"Miranda kailangan na nating umalis dito nagkakagulo na sa labas ng chania"Saad ni urla habang palakad lakad dahil sa labis ang takot.
"Maghintay ka lamang urla, may hinahanap lamang ako"Pagpapaliwanag ni Miranda habang may kinakalkal sa kanyang mga...
sa bayan ng corfu maunlad ang bayan na iyon dahil sagana sila sa yaman ng kalikasan na hindi na sila maghahangad pa ngunit akala ng mga tao sila lamang ang naninirahan doon sila ay nagkakamali dahil madaming mga naninirahan doon ang hindi ordinaryong tao ito ay malalakas,matatalino at may mga kapangyarihan upang pangalagaan ang kapaligiran ang tawag sa kanila ay elementalist.
Akala ng mga elementalist sila ay matatanggap ng mga tao roon ngunit nagkakamali sila, ang mga tao sa bayan ng corfu ay kinatakutan sila at tinawag sila na salot sa bayan kahit na madaming natulong ang mga elementalist sa bayan ng dahil sa mga ito ay umunlad at yumaman sa mga ginto ang bayan ng corfu.
Nabahala ang mga elementalist kaya agad na silang umalis ng corfu at agad silang pumunta ng kagubatan at naghandog ng alay sa kanilang mahal na bathala na si ambre. Sila ay nanalangin na kong ano ang kanilang gagawi at saan na sila maninirahan, agad na nagpakita ang kanilang bathala sa kanila at sinabing "Nakikita ko ang nagyayari, ang pagiging mapanghusga ng mga tao sa bayan ng corfu at nakita ko din ang kabutihan ng inyong kalooban kaya ibibigay ko sa inyo ang brilyante ko at wag kayong mabahala sapagkat naghihintay na sa inyo ang mundo kong saan kayo nararapat na manirahan".
Gumawa ang bathala ambre ng sekretong mundo upang dun manirahan ang mga elementalist siya ay gumawa ng limang bayan na iba't ibang kapangyarihan ang tataglayin upang mangalaga sa mga brilyante niya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang una ay ang bayan ng agrinio sila ang mangangalaga sa brilyante ng hangin ito din ang kanilang kapangyarihan at ang pagiging maliksi o mabilis at ang kanilang simbolo ay isang agila.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang susunod ay bayan ng Meteora, ang brilyante ng lupa ito din ang kanilang kapangyarihan at binigyan din sila ng kapangyarihang gumamot, ang simbolo nila ay ang lion.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang pangatlo ay ang bayan ng chania, ang brilyante ng tubig ito din ang kanilang Kapangyarihan, at kaya nilang magpagalaw ng mga bagay o nilalang, ang simolo nila ay ang dambuhalang isda.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang pang-apat naman ay ang bayan ng Ithaca, brilyante ng apoy ito din ang kanilang Kapangyarihan, at pagiging matalino ang taglay nila ang simbolo nila ay ang red dragon.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang huling bayan ay ang Athens, ang brilyante na binigay niya ay ang kapangyarihan ng liwanag sila ang inutusan niyang mamuno sa lahat ng mga bayan upang ito ay maging balanse, ang kanilang simbolo ay isang puting ibon na nangangahulugang kapayapaan para sa lahat. Ang mundong ito ay tinawag niyang Golden landat pagkatapos ibigay ang lahat ng brilyante sa mga mangangalaga nito, ang bathala ambre ay umalis na, lumipas ang panahon at hindi na muli pa ito nagpakita.
Inakala ng mga elementalist na hindi na muling babalik ang bathala ambre kaya ang ibang rito ay nasilaw sa kapangyarihan ng mga brilyante kaya binalak nilang kunin lahat ng brilyante upang maging pinakamakapangyarihan sa lahat at mamuno sa golden land.
Ang dating tahimik at perpektong mundo ay napalitan na ng lungkot ng dahil sa digmaan sa bawat bayan.
Nakita ng bathala ang nagyayari kaya gumawa siya ng isang libro na kung saan na kasulat ang hinaharap ng golden land ibinigay niya ito kay miranda na isang mabuting elementalist at sinabing"Miranda nakikita ko na ikaw ay may mabuting puso kaya tanggapin mo ang libro na ito kung saan dito nakalagay ang lahat ng mangyayari sa golden land at bibigyan kita ng walang hanggang buhay dito sa golden land"
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Unang gawa ko palang to guys kaya pasensiya na kong magulo, salamat parin sa pagbabasa ng istoryang ginawa ko:) kong may mga tanong kayo pls comment lang nagbabasa ako salamat