Kabanata 19

75 54 3
                                    

"It's not the right time for you to know, but I don't have any other choice but to tell you."

"A-Ano pong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

She sighed before looking into my soul. My heart started to race faster.

"That necklace–bloody-rose necklace. It's more important than anything else. Binigay ko 'yon, pinagkatiwala sa'yo para ingatan at alagaan mo."

Napangiwi ako dahil sa guilt na nararamdaman. Alam ko namang kasalanan ko dahil hindi ko iningatan ng maigi.

"La.." Natigilan ako at muling napalunok sa sariling laway. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na ngayong seryosong seryoso si Lola na minsan lang mangyari.

Sweet at jolly ang pagkakakilanlan ko kay Lola. Sina Papa ang nagsasabi sa aking huwag na huwag kong gagalitin ng sobra si Lola dahil iba siya kung magalit. Now I know kung bakit lahat ay takot sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kahit nasabi ko naman na sa kaniya ang dahilan ng pagkawala ng kwintas.

Nilipat ko sa sahig ang paningin ko. I can't look directly into her cold eyes.

"Hindi kita sinisisi, Apo. I'm just reminding you that the necklace is too precious to lose." Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya.

"I just want you to find it, Apo ko." Ngumiti siya kaya naglitawan ang mga wrinkles niya.

Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako.

"Kailangan mong bumalik sa mundo ng mga bampira, sa ikahuling bayan. Kunin mo ang kwintas." Seryoso pa rin ang mukha niya na parang wala lang sa kaniya ang lugar na binaggit.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi alam ang sasabihin.

Gusto niya akong bumalik sa lugar kung saan nagpakahirap akong takasan. Kung saan nasaktan ako ng sobra, physically and mentally.

Ikahuling bayan? Is that what they call it? And how come Lola knew about it?

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang may marealize ako.

"Huwag mo nga akong panlakihan ng mga mata. I'm not a vampire. Hindi ako demonyo." Lalong sumeryoso ang tinig ni Lola. Madiin at galing ang pagkakabanggit niya sa salitang demonyo.

Napansin ko rin kung paano niya kuyumin ang kaniyang nangungulubot na kamao. Galit na galit talaga siya.

Doon ko napagtanto ang lahat. Sa tingin ko ay may nangyaring hindi maganda sa kanila ng mga bampira. Bampira kaya ang pumatay kay Lolo? Ang akala ko ay namatay ito dahil masiyado na siyang matanda.

"Demonyo? Hindi po nila ako sinaktan. May mga naging kaibigan po ako doon." Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko si Hans. Ang kaibigang nagawa kong traydorin.

"Hindi ka nila sinaktan ngunit alam kong may binabalak silang kademonyuhan. Nagpapanggap lang silang mabait sa harapan mo." She gritted her teeth.

"Nagtataka ako kung bakit hinayaan ka nilang makatakas." Aniya.

Tumayo siya at nilagay sa drawer ang suklay niya. Nagtama ang mga paningin namin nang bumalik siya.

Ayokong mag assume pero kung hindi dahil kay Zed ay hindi ako makakatakas. Hinayaan niya ako at hindi nagsumbong.

Ang pinagtataka ko lang ay sa dami ng abilidad ng mga bampira, bakit hindi nila ako naabutan at napigilan?  Plano ba nila 'yon?

"Iyong kwintas.." Sabi niyang muli. Hindi maka move on sa kwintas.

"Sorry po pero pangako ko sa'yo, Lola, babalikan ko 'yon at mas lalong iingatan." Ngumiti ako sa kaniya ngunit seryoso pa rin ang mukha niya.

"Siguradong nasa mga kamay na nila iyon."

Yazmin (COMPLETED)Where stories live. Discover now