HTLAB2 - Chapter 25

Start from the beginning
                                    

Tumawa si Cy at tumingin sa akin na mas lalong ikinapula ng aking mukha.

"We're getting married."

Napanganga at nanlaki ang mga mata ni Heira.

"For real?" Bumaling siya sa akin. Pagtapos ay inabot niya ang kanang kamay ko at sinipat iyon. "Eh, bakit walang engagement ring?"

Nagkatinginan kami ni Cy. Tumikhim siya at napaiwas ako ng tingin. Ngayon ko lang na-realize. Yung pinakita niyang singsing sa akin kanina ay couple ring. Wedding band. Hindi iyon engagement ring. Well. . .naka-'oo' naman na ako. Hindi na siguro kailangan. And I don't really mind.

"Gelo! Ba't walang engagement ring? Nagpropose ka ba talaga?" Bulalas ni Heira. Para siyang ina ni Cy na nagsisimulang magsermon dahil hindi nagawa ng kanyang anak ang tamang pagpo-propose. Muntik na akong matawa.

Pinitik ni Cyfer ang noo ni Heira. "Ang OA mo. Hindi na kailangan no'n dahil bukas na kami ikakasal."

Nalaglag muli ang panga ni Heira. "W-what? Bukas na agad? May-i-b-beat ba kayong record sa Guiness na fastest wedding ever? My God! Alam kong sabik kang makasal kay Anne pero hindi ko inakalang ganyan ka kaatat." Natatawang sabi ni Heira. Pinanlisikan siya ng mata ni Cy. Parehas kaming natawa ni Heira sa reaksyon niya.

Nakaka-miss ang pagiging masungit at suplado ni Cyfer.

Tinapik ni Heira ang balikat ni Cy. "Ang mabuti pa sabihan mo na ang mga kapatid mo. Lagot ka, Gelo. Magtatampo nyan sila Ate Xandra at Xandie dahil magpapakasal ka ng wala sila rito sa bansa." Naiiling na sabi ni Heira.

"It's not as if it would be our last wedding." Nagkibit-balikat si Cy.

Nagkatinginan muli kami ni Heira. Ngumisi siyang muli. "Ang sosyal talaga ng bwisit na 'to." Bumaling siya kay Cy at dumila. "Pero wala ka pa ring binigay na engagement ring. Turn-off!"

"You-" tatawa-tawa niya kaming tinalikuran ni Cy bago pa siya makahirit. Nang balingan ako ni Cy ay may pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Do you. . .want to have one? Engagement ring?"

Ndtawa naman ako. Mukhang nagtagumpay si Heira sa pagtusok sa konsensya ni Cyfer. Niyakap ko siya at marahang umiling. "Our wedding tomorrow is more than enough. Inaasar ka lang ni Heira."

"Walang pinagbago ang babaeng 'yon." Nagbuntong-hininga siya pagtapos ay hinalikan ang aking ulo. "Do you want to invite some friends? Si Rhea? O yung . . .Shinn? Or maybe you want to invite your parents?"

Natigilan ako. Oo. At the back of my mind, gusto kong nasa tabi ko ang mga magulang ko sa araw na 'yon. Kasama iyon sa pangarap ko. Ang makasal na may blessing nila.

Ngunit hindi ko alam kung humupa na ang galit nila sa akin. That particular dream is too impossible for now. Ayokong mag-assume at paasahin ang sarili ko na madali kaming magkakaayos-ayos.

"I'll invite Rhea and Shinn." Pinal kong sabi. Kung mayro'n man akong dalawang tao na mapagsasabihan ng kasalang magaganap bukas ay silang dalawa lamang. I just hope they won't go against our will.

Kaya naman nung araw ding 'yon ay tinawagan ko na silang dalawa. Inuna kong tawagan si Rhea. Nabigla siya at hindi nakapagsalita ng isang minuto. She congratulates me at sinabing pupunta raw siya bukas ng Antipolo para sa kasal ko.

Nang si Shinn na ang tinawagan ko ay tila hindi na siya nabigla. Na ipinagtaka ko naman.

"Tinawagan ako ni Tita Anna. Hinahanap ka niya sa akin. She asked me if kung tumawag at nagtext ka. Nagbabakasakali siyang sa akin ka tumakbo."

Huminga ako ng malalim at tumingala sa kisame. "I don't know, Shinn. Pakiramdam ko ay sobrang nasasakal na ako sa mga gusto nila."

"Hindi mo ba sila sinubukang tawagan?" Hindi ako sumagot. Mabigat ang bawat buntong hininga ni Shinn. "Wala kang balak sabihin sa kanila na ikakasal ka na bukas?"

How To Love A Bastard ?Where stories live. Discover now