Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik at pinakinggan ang hininga niyang naghihikahos as if it kills him once I step out of this country. It'll be just a week and in that week, I'll help myself to move on.
"Y-you're not gonna leave because of what happened, are you?" tanong pa niya.
"N-no. Of course, not." ani ko, trying to remain strong.
"Irina, let's talk please. Don't come with them." pagmamakaawa ni Chase.
"Baby," tawag ni Kurt dahilan para mapatingin ako at di makasagot kay Chase.
"Yes?" tanong ko na may ngiti sa labi. Fake it 'till you make it ika nga nila.
Ngumiti si Kurt at nginuso ang gilid ng van. Tinaasan ko siya ng kilay bago sumilip sa loob ng van, hearing Chase beg. Pwede niya naman ako kausapin pagbalik namin. Is it that important to the point na magmamakaawa siyang huwag na kong sumama?
"Mamaya ko na kukunin, Kurt." ani ko na tinanguan niya.
"Your ex is with you? What the fvck?!" hysterical na sabi ni Chase.
"He's not my ex anymore, Chase. I'll talk to you once we get back 'cause we gotta go." ani ko at ibababa na sana nang marinig ko pa siyang magsalita.
"No! Fvck! Irina just... talk to me. Don't leave." ani Chase.
"I'm sorry." ang huling salitang lumabas sa bibig ko para kay Chase.
Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone at naririnig ko pa ang sigaw ni Chase sa cellphone ko. Binalewala ko ang sigaw niya saka ko pinatay ang tawag. Kinuha ko sa loob ng van ang shoulder bag ko saka itinago ang cellphone.
Lumapit ako kila Kurt na sinara na ang likod ng van. Lumapit si appa sa driver namin at binilinan ito tungkol sa bahay at sa mga sasakyan. Tinuro ni Kurt ang sidewalk kaya pumunta ako doon habang siya naman ay hila-hila ang dalawang maleta. Maleta namin ni Ina at ang sarili niyang maleta.
Binitawan niya ang dalawa at inakbayan ako bago ako niyakap. Tumikhim si Ina kaya ako na ang lumayo at inayos ang wayfarers ko. Kinindatan ako ni Ina at sinamantala ko ang pagsuot ko ng wayfarers para irapan si Ina.
Matapos ang ilang minuto ay sumakay na kami sa eroplano. Sa may bintana ako at katabi ko si Kurt habang si Ina ay nasa kabilang gilid niya. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukan kausapin ang sarili ko. I don't want to stay on this unrequited love of mine. Walang patutunguhan kung mananatili pa ang nararamdaman ko para kay Chase. Kurt came back even though nasaktan ko siya sa isang mababaw na dahilan. He willingly took the risk again at nahihiya ako kay Kurt.
Lumipas ang ilang oras ng byahe ay nakarating kami sa bahay. Black and white at napakamodern kung titignan ang bahay. Hindi siya nararapat na nakatayo rito sa Seoul dahil sa itsura nito ay masasabi mong out of place ang disenyo niya kumpara sa mga natural na bahay rito.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 12
Start from the beginning
